H I - hit 24

1.6K 47 16
                                    

Katrina's POV

Nakabalik na kami mula Baguio.

Biglaan kasi ang pag aaya ni blackman, nag rush tuloy kaming lahat.

Nakapag paalam parin naman kami kila lola at bukal sa loob na nagpasalamat dahil sa pagpapatuloy sa amin sa kanilang mansyon.

Ako lang ang mag isa dito sa bahay. Wala pa sila mommy. Pinuntahan kasi nila yung iba pang mga properties namin. I hope they didn't thought of selling it.

Hapon na pala.

Mamaya ay susunduin ulit ako ni blackman.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa kong dalhin doon. Alam naman niyang kasabay ng birthday niya ang engagement party kuno nila ni Serina.

At isa pa, baka mas lalo lang akong mabaon sa kahihiyan.

Isa lamang akong hamak na extra. Contract girlfriend. Kaaway na tumutulong sa kaaway. Galing ko diba?

Next month na magsisimula ang pagiging instant secretary ko sa kanya. Sana lang ay gumana ang kung ano mang paraan ang nasa isip niya ngayon.

**ding**dong**

Ah baka nandiyan na si Alliana.

I also asked for her help kung sakali man na ayawan ni blackman ang pagiging simple ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay. Hindi ko rin gusto ang laging tinitignan at kinikilatis. Na para bang isa akong artista na hindi kapanipaniwala.

Sapat nang nandiyan si Alliana bilang matalik na kaibigan para sa akin. Ayoko ng masyadong atensyon mula sa ibang mga tao.

Nang buksan ko ang malaking pinto ng bahay ay bumungad sa akin ang isang magandang babae na may mga dalang parang make up kit at isang malaking kahon.

"Who are you? I mean-are you looking for someone who belong in this house?" tanong ko sa kanya.

"I bet you are the pretty girl I'm going to transform. So let's go inside and start na." Excited niyang saad sabay hila sakin papasok sa mansyon.

Habang hila niya ako ay hindi parin ako makapaniwala. Na isa itong bading. As in binabae. Pero grabe! Ang ganda.

Para talaga siyang babae.

Dahil sa boses niya kaya ko nalamang lalaki pala talaga tong kasama ko.

"Anong make over ang sinasabi mo? Sobra na nga ho ang binago sakin tapos kulang pa pala." Saad ko

"Don't worry Katty, ilalabas ko lang ang itinatagong ganda ng katauhan mo." Nakangiti niyang sabi.

Hinayaan ko na lamang siya sa kung anong gagawin niya. Siguro nasabi narin sa kanya ni blackman ang pangalan ko.

Buti nalang at de-butones ang suot ko ngayon. Mabilis lang akong makakapag palit.

Nang sinisimulan niya na akong lagyan ng kung ano ano sa mukha, biglang tumunog ang phone ko.

Alliana Clinton,
Bestiee!! Sorry hindi ako makakapunta.
Biglaan kasi akong pinatawag nila mommy. Kailangan ko agad pumunta doon.

Sorry talaga. Promise, I'll make it up to you by tomorrow. Love you! ❤

Nag reply nalang ako sa kanya ng 'no problem' with ❤ emoticon. Buti nalang rin, at least hindi masasayang ang pagod niya sa pagpunta dito.

Tinuloy nang muli ni Rica-sa-umaga, Rico-sa-gabi ang pag m-make up sakin.

Ewan ko kung bakit baliktad ang sa kanya. Basta yun ang sinabi niya sakin.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon