Jace's POV
Nang dahil sa ulan ay inubo't sinipon ako. Pero hindi ko alintana dahil kung ang kapalit naman nito ay si Katrina, okay lang sa akin.
Buti nalang at dinalhan ako nila Maria ng pampalit. At least hindi na ako lalabas pa at mas mababantayan ko na si Katrina.
"Hindi ba masyadong pagpapabaya sa sarili yang ginagawa mo?" Seryosong saad ni Ralph. Minsan lang yan ganyan kaya sasagutin ko na.
"Hindi."
"Hayy Alexander, mas malala ka na ngayon." Medyo natawa ako sa sinabi't inakto niya. Napakamot siya sa ulo at napangiwi.
"Tama si Ralph, Jace. Mas mabuti kung malakas ka rin para bukas. Magpahinga ka muna. Your mansion is just right at the next street. Sasamahan ka namin." Suhestyon ni Aris. Nilingon ko sila saglit.
"Ayokong umalis. Baka hindi ulit ako papasukin. Alam niyo naman ang ugali ng Cortez na iyon." Bigla akong nakaramdam ng inis nang bigkasin ang pangalan ng lalaking iyon. I composed myself then put my attention to Katrina.
Mas mahalaga si Katrina para sakin. Ayaw ko siyang iwanan kahit pa mapuno ng gwardya o kaibigan namin dito, mas pipiliin ko paring manatili at bantayan siya.
Sunod sunod ang naging pagbuntong hininga nila.
"Oh? Hindi parin kayo umaalis?" Napalingon ako sa nagsalita.
"What do you think? Stupid." Mag aaway na naman sila.
"Alliana, huwag mo nang patulan si Ralph." Aris
"You jerk. May araw ka rin sakin." Banta ni Alliana.
"Sige na. Uuwi muna ako para kumuha ng mga gamit. Babalik ako dito agad pagkatapos. " sabi ko na nakapag patigil sa kanilang tatlo. Ingay na kasi nila.
Babalik ako agad. Pangako.
"Sige bro. Hindi kami aalis dito hanggat wala ka. Ingat." Sabi ni Ralph. Tumango lang ako at binigyan naman ako ni Aris ng isang tap sa balikat.
"Hatid na kita, kuya." Ria
"No need. Dito ka nalang din muna. I will be back in a bit." I assured her. Wala na siyang nagawa kundi tumango. Sinundan lamang nila ako ng tingin habang lumalapit kay Katrina.
I kissed her forehead and then whispered I love you. Umalis na ako at mabilis na tumakbo papunta sa mansyon. Sa kabilang street lang naman iyon. Habang tumatakbo ay nakaramdam ako ng umaaligid sa paligid.
Malakas ang pakiramdam ko sa mga ganoon dahil narin sa impluwensya ng mga naging kaibigan kong sumasali sa mga kilusan.
Mabilis ang naging kilos ko at nakabwelo pa ng suntok. Sinugod ako ng isang lalaki at muntik na akong mahampas ng makapal na kahoy. Nasundan siya ng isa at isa pang lalaki hanggang sa apat na sila ngayong pinaiikutan ako.
"What do you need?" Pormal kong saad. Halata sa mga mata nila ang pagiging Amerikano. Nakatakip ang kalahati ng mukha nila at lahat sila ay nakaitim na sweater.
Imbis na sagutin ako ay inambaan ako ng hampas ng isang lalaki at dumaplis iyon sa balikat ko. Dahil doon ay nagkaroon sila ng pagkakataong sabay sabay na lapitan ako.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...