40

1.4K 36 0
                                    


Vote and Comment!


Katrina's POV (Sandra Eunice Isabela Cortez)

Nasa mall ako ngayon upang mamili ng mga materials na gagamitin namin sa project.

We're on our second year in college. Two years pa ang bubunuin namin ni Jace. Tumigil din kasi ako sa pag aaral noong nasa ospital siya. I don't want to remember it anymore.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga litanya kanina ni Jace. Alam ko namang nasabi niya lang iyon dahil sa inis. Kaya lang hindi ko parin napigilanv masaktan.

Nagmula na kasi sa bibig niya ang mga senyales na dapat na talaga akong sumuko. Hindi na daw ako mahalaga upang maalala pa niya.

Pero hindi ako magpapadala doon. Nagawa ko siyang hintayin ng isang buong taon. Hinding hindi ko na siya pakakawalan pa ngayon. He's my life. At mahal na mahal ko siya.

"Oops.. sorry, I wasn't looking-- Katrina?" Napalingon ako sa lalaking nakabangga sa akin. Sandali ko pa siyang tinitigan nang mapag tanto kong ang kaharap ko ngayon ay walang iba kundi si Kael.

"Hey.. its been a while. Coffee?" Nginitian ko lang siya at binuhat ng muli ang mga materyales. Babayaran ko na ang mga ito sa counter.

"Sige." Sagot ko dahil nakasunod naman siya sa akin.

Iniwan ko muna ang mga pinamili ko sa kotse. To my surprise, magkatabi pa pala ang mga kotse namin.

"Coincidence?" He said then chuckled. Natawa narin ako. Sumunod na ako sa kanya pagka lock ng kotse ko.

Tumawid lang kami at pumasok na sa loob ng isang magarang coffee shop.

"Kamusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita. How about Jace? Nabalitaan ko ang nangyari sa kanya, good that he's okay now." Panimula niya. I sipped at my cup of coffee then made my eyes meet his.

"So far, pwede na. Oo nga, isang taon rin. Maayos na si Jace. Naging asal bata lang. Thanks for your concern." Sagot ko. Natawa kaming pareho. Simula nang magkaayos sila ng mommy niya ay nagsimula na ang pagiging ganoon niya. Puro laro ang inatupag sa loob ng kwarto niya.

Nag usap pa kami saglit pagkatapos ay nagpaalaman din at humayo na.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Buti nalang at kinausap ako ni Kael. I've been spacing out everytime Jace enters my mind. Hindi ko maiwasan.

Dumeretso ako sa mansyon nila. Siya kasi ang kapartner ko. Wala naman siyang nagawa dahil iyon talaga ang lumabas sa ginawang bunutan ni prof. And I'm thankful for it. Thank you Papa God.

Mas mababantayan ko siya. Kahit na alam ko namang kaya niya na ang sarili niya.

"Aist. If it weren't for that effin' project." Narinig kong sambit niya habang bumababa ng hagdan nila.

Isa sa mga ayaw ni Jace ay yung nagpapatumpik tumpik pa kaya kahit palapit palang siya ay inaayos ko na ang gagamitin namin.

Gagawa kami ng proposal. Pati props na product para mukha talaga kaming nag pi-prisinta. Iyon ang bilin ni prof.

"I brought snacks." Bungad ni tita sa harapan namin na nanggaling pa sa kusina. Inilapag niya ang mga iyon sa babasaging lamesa sa gitna ng sala.

Nginitian niya ako bago lapitan si Jace. Simula no'n ay naging malambing na siya sa kanya. Sising sisi siya dahil napagtanto niya na sobra pala siyang nagkulang bilang ina sa anak niya.

Ilang buwan din ang dumaan bago siya tuluyang patawarin ni Jace.

Ngayon nga ay manlalambing na naman siya. Tulad ko ay minsan kinaiinisan rin ni Jace ang panlalambing ng ina pero alam ko namang nagugustuhan rin niya dahil matagal niya na itong hindi naranasan.

"Anak.. pasensya ka na kung ikaw ang sinisi ko sa pagkawala ng kapatid mo." Kung hindi pa siya pinatigil ni Jace ay sigurado akong iiyak na iyan.

Si Jace kasi ang sinisi niya noong makunan siya. Hindi sila aware sa pagdadalan-tao ni tita Alein kaya labis ang naging paghihinagpis niya.

Ang dahilan ay dahil sa pagtakbo niya at ang biglang pag lublob niya sa tubig noong makitang nalulunod si Jace. Nagawa niyang iligtas si Jace pero hindi ang nasa sinapupunan niya.

Simula kasi noon ay hindi na muling nabuntis si tita Alein kaya labis siyang nagalit kay Jace. Pero ngayong okay na sila, mas mabuti kung ibaon na ang dapat sa limot at huwag nang i-bring up pa.

Bigla ulit akong nalungkot. Limot na ako ni Jace, pero kailangan ko parin bang i-bring up ang sarili ko upang maalala niya ako?

"Mom.. okay na. I love you too." Pagpapalubag loob nito at dinampian ng halik sa noo ang ina. Napangiti si tita Alein at tuluyan nang lumisan pagkatapos yakapin ang anak. Bumabawi na talaga siya.

"What are you staring at? Kumilos ka nalang kaya diyan para matapos na tayo agad." Sumbat niya. Ang taray talaga ng lalaking to'. Parang laging meron.

"You can just say it nicely." Sabi ko. Masarap kasi siyang asarin.

"Huwag ka nang umasa. Bilisan mo na nga lang diyan and refrain yourself from talking. Masyado kang maingay." Asik niya pa. Hindi ko napigilang matawa.

"Mas mahaba kaya ang sinabi mo kaysa sakin. You're the one who contributes to noise pollution." pang aasar ko. Binagsak niya ang notebook na hawak niya at marahas na tumayo.

"This girl!" Naiinis niyang bulong. Napangisi lang ako. Sa paraang ito ay natutuwa na ako dahil nagagawa kong kausapin siya kahit saglit.

Pati sakin kasi ay naging mailap na siya. Badboy parin ang image niya sa university. Hindi na ata magbabago iyon. Mas lumala pa nga ata ngayon.

"Hey wait, malapit na nga pala ang birthday mo no'? " sabi ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.

"Wala kang paki." Sabi niya at tuluyan nang lumisan. Napangiti ako sa aking naiisip. Hindi naman siguro siya mabibigla sa regalong ipapanood ko sa kanya.

Yup. A video. Nahalungkat ko sa social media. Yung nangyaring proposal niya sakin. Now, may pang blackmail na ko sa kanya. Hahaha

Pero okay rin naman siguro iyon. Para maalala niya na ako. Minsan nadadaan din sa shock ang biglang pag alala ng tao sa isang alaala diba?

Hay. Ilang beses ko na bang naramdaman ang lungkot ngayong araw na to'?

Alaala nalang pala ako. Alive and well but doesn't seem to exist.

"Hindi ka matatapos sa ginagawa mo kung panay ang tulala mo diyan." Nakabalik na pala ang taray King. Inis.

"Wala kang paki." Ginaya ko ang pagkakasabi niya kanina.

"Tss. Stop it. " sabi niya.

"Stop it." Tinamaan na naman ata ako ng mapang asar na personality. Ginaya ko na naman siya.

"Pag hindi talaga ako nakapag pigil dito.." pagbabanta niya.

"Oh ano? Kapag hindi ka nakapag pigil, anong gagawin mo?" Sandali pa siyang nag isip ng isasagot.

"Hahali--hahambalusin kita ng tray na puno ng yelo." Natawa na talaga ako. Siguro naalala niya yung pagbabanta niya sakin kahapon. Hahalikan pala ah.

"I won't mind if you would want to kiss me--"

"Bahala ka na nga diyan!" At ayun. Nag walk out na si taray King. Hahaha









-----------------------------

Paramdam kayo guys!! Anong masasabi niyo?

Lovelots. Kaway kaway!

-L

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon