Katrina's POV
Sobrang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko maipaliwanag ng maayos. Basta ang alam ko ay dahil iyon kay Jace. Namimiss ko na siya. Miss na miss ko na talaga ang Jace Ko.
Nilapitan niya ako at sinipat ang noo at leeg ko. Kung hindi lang mahirap kumilos baka kanina pa ako naglulupasay dito dahil sa kilig. Hawak palang iyon, kinikilig na agad ako. Hay. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to'.
"Jace-- I mean..--"
"You can call me that today." Sabi niya at ngumiti ng bahagya sa akin. Waaaaah. Pinapaasa na naman ako ni Jace. Huhu. Bakit ang sweet niya ngayon? Yieee.
Tumango lang ako at pinilit ngumiti. Nanghihina parin ako. Pero dahil si Jace ang mag aalaga sakin ngayon, magpapagaling na talaga ako. Blessing na ang araw na ito para sa akin. Tama na ang isang araw na maaalagaan ako ni Jace ng hindi siya nagrereklamo. Thank you Papa God.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.
"O-Oo.. after.. b-breakfast.." aish. Voice please, nandito si Jace kaya dapat malakas ka na rin. Kaya natin to'.
"That's good. Sige, magpahinga ka na. Babantayan kita." Sabi niya at ngumiti ulit. Unti unting nangilid ang mga luha sa mata ko. Totoo ba ito? Shocks. Hindi ako nakapag handa.
Tumayo siya ulit at parang may kinuha sa side table ko. Tissue. Anong gagawin niya diyan?
"You're too emotional. Huwag mong iyakan ang mga ginagawa ko para sayo. Alam kong wala pa sa kalahati nito ang mga ginawa mo para sakin. And I thank you for that." Sabi niya sabay punas ng tissue sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
I can see amusement in his eyes. Iba ang nakikita ko ngayon sa mukha niya. Iba yung ekspresyon na lumalabas mula roon. He looks happy. Hindi napipilitan.
"W-Wala iyon.." mahal lang talaga kita. Gusto ko sanang idagdag kaya lang nakakapanghina talaga ang pagsasalita.
"Gigisingin nalang kita kapag kakain ka na. Dito lang ako, hindi kita iiwan." I wanted to cry more because of the memories we had back then.
I reached for his hand then intertwined it with mine. Hindi naman siya nag react at hinayaan lang ako. I closed my eyes with the thought, kakayanin ko ang lahat basta kasama ko si Jace.
I eventually fell into a peaceful sleep.
Jace's POV
I know. I can feel that Eunice is someone else. Nararamdaman kong may halaga talaga siya sa akin at alam kong kailangan kong paghandaan ang araw na maaalala ko na ang lahat.
Habang pinanonood ko siyang matulog ng mahimbing at yakap ang kamay kong nakabuhol sa kamay niya, nahihinuha ko nang may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya. Just like the feeling I keep on avoiding when a certain 'Katrina' enters my mind.
Malakas ang kutob kong iisa lang sila. But why keep her identity hidden? O ako lang talaga ang napaglipasan ng panahon. Ako lang siguro ang hindi nakakaalam.
I remembered myself. Oo nga pala, kahit ang sarili ko ay hindi ko parin pala talagang kilala. Hindi man nila sabihin sakin pero ipinararamdam naman nilang may kulang sa pagkatao ko. That was all unintentional. I know. I should know. Ako lang talaga tong pilit na umiiwas sa nakaraan.
My mind was filled with 'what if's'. Paano kung iyon ang maging dahilan para may masira ulit sa pamilya ko? Paano kung iyon ang dahilan kung bakit may masasaktan na naman ako? Paano kung may kapalit ang lahat ng kasagutan sa mga katanungan ko? Paano kung.. hindi ko kayanin ang lahat ng malalaman ko?
I caressed her face using my other free hand. Mula buhok hanggang labi. Tinitignan ko kung magkakaroon ba ito ng epekto sa akin. Gusto kong malaman kung parte ba talaga siya ng mga magagandang alaala ko sa nakaraan. I closed my eyes.
Pero kabog lang ng dibdib ko ang nag iba at bumilis lamang ito. The impact didn't reach my head.
Even though I don't want to remember it all, maybe its already time to accept that Eunice was part of my past. And I should make a move on remembering every single memories we had together.
------------------------
Vote and Comment
Short update. Sana magustuhan niyo parin. Mahal ko kayo! ❤
-L
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...