H I - hit 22

1.3K 36 18
                                    

Third-person's POV

"Don't you ever dare."

Napalitan ng ngisi ang seryosong mukha ni Steifen. Bigla itong nakaramdam ng inis na hindi niya naman karaniwang nararamdaman sa ibang tao.

"Why not?" Sagot nito sa lalaking halos mag apoy na sa galit.

Well, no other than Jace. Hindi nito alam kung bakit ganito kaagad ang galit na naramdaman nang maabutan ang dalawa na muntik nang maghalikan.

Dahil ba sa ito ang kanyang contract girlfriend?

O unang halik?

O dahil sa siya ang unang halik ng babae at ayaw niyang may iba pang pumangalawa?

Natuod ng bahagya ang babae sa kinatatayuan nito at tila napapaisip na sa mga muntik nang mangyari.

Hindi nito alam kung matutuwa o manghihinayang sa naudlot na paghalik ng lalaking kanyang nagugustuhan.

"Because.. she will always be mine. Mine and mine alone." Matigas na ganti ni Jace.

"Nope.. and will never be. Did you heard what she just told you a while ago? She likes me.. and I also truly like her. Well, love. And I guess.. even though your contract is still going on, she'll definitely say yes if I ask her to be my girl. Don't worry, I will be 'not that' against your deal but do expect that I'll give limits." Mariin at diretsong sagot ng binata.

Mabilis na sinugod ni Jace ang nasabing lalaki at walang sabi sabing sinuntok ito na ikinatumba ng binata.

Hinatak niyang muli ito patayo at inambagan ng suntok subalit nakailag na ito at siya naman ang tinamaan ng kamao.

Nang bumalik sa huwisyo ay agad niyang pinigilan ang nagsusuntukang mga lalaki.

Hindi niya rin aakalaing ganito na kakampante sa kanya si Steifen kung kaya't agad din siyang nakaramdam ng pagka turn-off rito.

Nairita naman siya agad sa unang nanugod na lalaki sa pagmamalaki nitong kanyang kanya lamang ang babae.

Hindi siya makapaniwalang nag aaway ang mga ito nang dahil sa hindi maunawaang dahilan.

Mabilis naman niyang napigilan ang dalawa at tinitigan ang bawat binata.

May putok sa kaliwang bahagi ng labi ang binatang unang nanugod at mayroon namang sugat sa may bandang kilay ang binatang inglesyero.

"Itigil niyo na to'! Wala kayong parehong mapapala sa akin. My goodness.. Steifen, I never thought you'd be acting like this. At ikaw, wala kang karapatang angkinin ako. Please stop this nonsense. You will only gain nothing. Don't you two ever bring up a fight again. Mahiya kayo sa may-ari ng lugar na tinitirhan niyo. " Matigas at walang tigil na sabi ng dalaga sa parehong nagpipigil na mga binata.

naunang umalis si Jace sa lugar ngunit bago lumisan ay nagbigay ito ng tinging babala sa kaaway na lalaki. Hindi naman umurong sa titigan ang nasabing binata at parang tinatanggap nito ang hamon sa mga mata ni Jace.

Hindi makapaniwalang tinignan muna ni Katrina ang natirang lalaki at agad din itong nilisan at dumaan sa kabilang gilid ng lugar.






















-------

Short update ulit. Hahaha naganahan ako sa unang taong nag comment sa nauna kong in-update. Hihi

Dedicated to' sayo @BritneyKayCaballes

Lovelots.

Sa susunon po ulit!!

Keep on inspiring me. Haha Comment lang kayo ng comment.

~L

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon