Vote and Comment
Katrina's POV
Our proposal went smoothly and successfully. Buti nga at hindi ako na-distract kanina sa mga naalala kong nangyari kagabi.Sa mansyon na ako nila Jace nakitulog. Sabi ng parents niya, lagi naman akong welcome doon.
"I've finished the powerpoint already. Need a hand?" I said. Nilapag ko ang laptop ko sa study table niya sa kwarto.
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy parin sa ginagawa niyang produkto.
Nasabi ko na ba sa inyong may angking galing din pala si Jace pagdating sa arts? Nakakamangha.
Lumapit pa ako sa gawi niya at pinagmasdan siya habang busy-ng busy sa ginagawa niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang mapaisip. Gusto kong maalala niya ako. Gusto ko ulit marinig mula sa kanya na mahal niya ako at hindi niya rin ako iiwan. Pero sa kabilang banda ng utak ko ay sumasalungat na ito at nawawalan na ng pag asa.
'Pahihirapan mo lang siya kung magpupumilit ka.' Sabi ng utak ko.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Alam kong isa lang ang isinisigaw nito. Si Jace.
Hindi naman masama ang mangarap diba?
Napabuntong hininga ako.
"Sorry.." napaangat muli ang tingin ko sa kanya. Nagsalita ba siya? Tama ba ang narinig ko? Sorry?
"B-Bakit?" Nautal kong tanong. Hindi kasi ako sigurado. Baka nagha-hallucinate lang ako dahil kanina ko pa siya iniisip.
"I shouldn't have said those things. Did I hurt you?" Pormal niyang sinabi iyon pero humaplos iyon sa puso ko. Nagising na naman ang pag asa sa kaloob looban ko.
Hindi ako agad nakapag salita. I want to cherish the moment. Eight months niya akong binalewala. Pero nag aalala rin pala siya sa nararamdaman ko. Hindi ko napigilang kiligin. Oo na, walang dahilan pero kung ikaw ang nasa pwesto ko ganito rin sigurado ang mararamdaman mo.
Lumipat ang mga tingin niya sa akin. Napasinghap ako. Inilapag niya ang hawak niya sa sahig at mataman akong tinitigan.
"Who am I to you?" Tanong niya na nakapag pataas ng balahibo ko. Hindi ko pa nasasagot ang una niyang tanong pero may kasunod na agad.
"Ah.. ehem.. " ano bang dapat kong sabihin? Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba.
Nasa tapat kami ng veranda niya. Pero nanatili kaming nasa loob ng kwarto. Madilim na ang paligid pero maliwanag parin sa gawi namin dahil sa bilog na bilog na buwan. Nakatingin lang ako sa kanya habang medyo nakaawang ang bibig.
Gusto kong sabihin sa kanya na oo, I was hurt pero okay lang sa akin ang lahat dahil naiintindihan ko siya. Gusto kong isatinig na siya ang lalaking mahal at minamahal ko hanggang ngayon. Ang tinitibok ng puso ko at ang nag iisang tao na laging umookupa ng isip ko.
Marami akong gustong sabihin pero isa lang ang lumabas sa bibig ko.
"Jace.." napapikit siya. Its like he's meditating. Pamilyar ba sa kanya ang pagtawag ko?
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...