H I - hit 12

1.8K 42 0
                                    

Katrina's POV

"Arghh!! Bwisit kang blackman ka! Impakto ka! Bul**hit ka! " pagwawala ko sa loob ng restroom.

Eh nakakainis na siya eh!

Kung hindi ko lang narinig yung sinabi niya kaninang babae yung pupuntahan namin, maiisip ko nang baka ipalapa niya ako sa mga kasing pangit niya.

Author: Kung siya na ang basehan ng pangit ngayon, siguradong wala nang lalaking single ngayon. Aww.

Tumigil ka nga author!! Isa ka pa eh.

Author: Sorry naman. Okay back to the story. ;)

"Matagal ka pa ba diyan? Ano bang ginagawa mo? Napakabilis lang magbihis oh!" Argh. Siya na naman.

Bading siguro to'? Ang ingay masyado eh. Daig pa ang chismosa.

"Tapos na ko! Ayoko lang magpakita sayo dahil baka gahasain mo ko." Biro yun pero in a way na nagagalit na ko. Peste siya.

"Asa ka!" Sagot naman niya.

Ha! Asa pala ah. Tignan ko lang kung hindi bubuka yang bibig mo kapag nakita mo na ko. Bwisit ka.

After 15 minutes na pag aayos. Lumabas narin ako sa wakas.

Mabuti at walang blackman na bumungad sa akin.

Pagdating ko sa sala ay nakaupo na siya sa may sofa.

"Hoy!" Sigaw ko.

Sumulyap lang siya ng dalawang segundo. Pero kalaunan ay napabaling muli sa akin. Hahaha. What a face blackman. Akala mo ah.

"Asa pala ah." Bulong ko.

Bigla naman siyang umiwas ng tingin sabay tayo at bigla akong hinatak.

"Ang pangit mo parin. Siguro kaya ka nagtagal sa restroom para magpa-pangit. I'm impressed. " sabi niya sabay ngisi. Bigla namang namula ang mukha.

Iniinis niya talaga ko ah. Impakto siya.

Pagdating sa parking lot ay pinagbuksan niya ko ng pinto sa shotgun seat.

Sorry blackman, hindi ako diyan uupo.

Bumaling ako sa likod na bahagi ng kotse at doon pumasok. Nakita ko namang nairita siya sa ginawa ko. Ang sarap sanang humalakhak kaso lang baka mas lalo siyang magalit at ibato ako sa kung saan.

"Maswerte ka nagmamadali tayo. By the way, please act like a well-mannered person once we reached our destination." Sabi niya sabay paandar ng kotse. Aba! Ano tingin niya sakin? Tulad niyang bastos at hindi marunong gumalang?! Ang kapal ng mukha! Ha!

Ni hindi nga siya gentleman tapos sasabihin niya saki-- wait.. pinagbuksan niya ko ng pinto kanina ah.

Argh. Basta! Ganun parin iyon.

--

"Heeeey!! Good to finally see you! *mmmmuah*" masiglang bati ng isang babae pagkabukas ng pinto.

Nandito kami ngayon sa isang condomenium.

Naunang pumasok si blackman kaysa sakin. Tss. Bahala siya, hindi ako papasok sa loob kahit ano pang gawin niya unless yung mismong babae ang gagawa no'n.

"Oo nga pala, I have someone with me." Argh. Bwisit ka talaga. Akala ko nakalimutan na niya ko, di pa pala.

"Oh! Okay, let her in." Kasabay non ay ang pagdungaw ni blackman sa pinto.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon