H I - hit 30

1.4K 43 0
                                    

Katrina's POV

The next thing I knew, wala na akong kaharap at mag isa na lamang akong nakaupo sa lamesa namin.

Bastos talaga ang lalaking yun. Ano bang problema niya?

Eh totoo naman kasi diba? Hindi niya ako mahal at hindi ko rin siya mahal kaya iyon ang isinagot ko.

Nanatili muna ako sa loob at matamang nag isip. Kung totoo man ang mga sinabi kanina ni Mr. Xander, ibig sabihin ay magkakaroon parin kami or basically, ang mga magulang ko ng authority sa kompanya nila kapag kasal na kami.

So what's the point of marrying Kael kung yung mismong anak na ng may ari ang pakakasalan ko?

Ano bang tumatakbo sa mga isip nila?

Parang gusto ko tuloy bawiin ang mga salitang kakasabi ko lang kanina. I just thought its a must. Pero parang hindi pala.

They're one of the best businessmen around Their world. Sigurado akong pumasok narin sa isip nila ang tungkol rito.

And if that's the case, why would they refrain me from marrying him? From marrying Jace?

Napuno ng tanong ang isip ko. Iba talagang dumiskarte ang mga negosyante. Hindi ko sila maintindihan.

I just hope Mr. Xander is wrong about them.

Tuluyan ko nang nilisan ang coffee shop at pumara agad ng cab. Kela Alliana parin ako dederetso. Babalik lang ako doon kung kinakailangan o mayroon kaming dapat pag usapan.

Pagkarating ko sa bahay nila Alliana ay nakita ko agad sa harap nito ang kotse ng mga magulang ko.

Mabilis akong nagtago sa likod ng isang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila Alliana. Anong ginagawa nila rito?

"Nasaan ang anak ko?" Seryoso ang pagkakatanong ni daddy sa kanya. I just hope wala diyan sina tita dahil baka magkaroon pa ng gulo.

"She's not here." Sagot ni Alliana. Sa itsura ni daddy ay hindi siya naniniwala.

"Hon please, bukas nalang natin ulit balikan si Katrina." Pagsusumamo ni mommy. Thanks mom.

Malalim ang naging pagbuntong hininga ni daddy bago tuluyang nilisan ang lugar. Nang masigurado kong wala na sila ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nakita naman agad ako ni Alliana.

Pag-aalala agad ang binungad ng mukha niya sa akin.

"They were here." Sabi niya. Tumango lamang ako at niyakap nalang siya.

"Sorry talaga Alli. Paano ba ako makakabawi sa lahat ng tinulong mo sakin?" Nanlulumo kong saad sa kanya. Agad na tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko nang bumalik sa isipan ko ang mukha ni daddy. Natatakot na ako sa kanya.

"I will always be here for you. No matter what. Hanggat may maitutulong ako sayo, huwag kang mahiyang magsabi sakin. I love you bestiee." Naiiyak niya ring saad.

I'm really grateful to have a bestfriend like Alliana. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala siya.

Pagkakalas namin sa yakap ay siya namang dating ng isa pang magarang kotse.

"Jace?" Taka kong sabi sa sarili. Iniwan niya na ako kanina ah? At paano niya nalamang dito ako dumeretso?

Bumaba siya mula sa loob at nakasimangot akong hinarap.

Jace's POV

Sa inis na naramdaman ko dahil sa sinagot niya, iniwanan ko siya doon.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon