Jace's POVNang magising ako ay nadatnan ko na lamang ang sarili kong nakahiga sa kama ko. Nandito na ako sa mansyon.
Bumangon ako upang umupo. Kinuha ko sa side table ko ang phone ko. Naiwan ko pala to' kahapon. Teka? Sinong nagdala sakin rito?
Iba na ang suot ko. Naaalala ko pa nung nagbihis ako ng jersey upang mag basketball.
Its already 9 am in the morning. Bumaba na lamang ako para itanong narin kung sino ang nag uwi sakin sa mansyon.
"Anak! Goodness, Jace. Pinag-alala mo kami. How do you feel? Okay ka na ba? Ha?" Histerikal na saad ni mommy nang makalapit agad sa akin. Parang kabute ang mga kamay niya dahil sa hindi ito mapakali. Hinawakan niya ako sa mukha ko na parang ang lala ng nangyari sakin.
"Mom.. Mom! Okay lang ako. Sorry if I made you worry." Sabi ko at hinalikan siya sa noo. Naging mahinahon na siya pagkatapos noon.
"Com'on. Let's eat breakfast. Susunduin sana kita sa taas pero bumaba ka na pala." Sabi niya habang nakayakap sakin at iginigiya ako papuntang dining room.
Nang makaupo ay napansin kong tatlo lang kami sa lamesa. I automatically faced mom to ask her..
"Si Eunice?" Napangiti silang pareho sa naging tanong ko. At doon ko lang din napagtanto kung sino ang taong hinahanap ko. Why would I even ask where she is? Hindi naman siya nakatira dito so natural na wala siya. Tss. Stupid me.
Hindi lang siguro ako nasanay? Ugh. What a lame excuse.
"Just... nevermind." I said to hide my embarrassment.
I started eating my breakfast.
"She was the one who brought you here last night. We tried to reach you but you won't answer your phone." Paliwanag ni mommy.
"I left it in my room." Sabi ko.
"And that is why I called her for help." Bigla akong napatingin kay mommy. Bakit siya pa? Inisip din ba nila na magkasama kami? No way.
"She told me that you're already with her so I don't need to worry. Nang makarating kayo ay basang basa siya dahil malakas ang ulan kagabi. You were also wet but from sweat." Hindi ako nakapag salita mula sa mga sinabi ni mommy.
Baka nagkasakit din yun nang dahil sa akin. Tss. That stubborn girl.
"She told me that you were all alone by yourself in the middle of our court. Buti nalang at nakita ka agad niya. You should thank her for helping you. Kaya lang--" napatigil si mommy nang mag ring ang phone niya. Si daddy naman ay tumayo na at nagpaalam sa amin upang pumasok na sa trabaho.
I was left with no one else in the room. Tinapos ko nalang ang pagkain upang makapag ayos na ng sarili.
Umalis agad ako at tumungo sa bahay ni Eunice. Siya lang ang nakatira doon dahil sa America naman namamalagi ang mga magulang niya at kapatid. Malayo layo rin ito mula sa mansyon namin at isa rin iyon sa dahilan kung bakit gusto ko siyang tumigil sa pag aasikaso sa akin. It is really a hassle in her part but she still insisted.
I parked my car infront of her house. Bumaba narin ako at pumasok na sa loob. Kilala naman ako ng gwardya kaya okay narin. This is just my second time in her house. Kung ako lang ay ayoko talagang pumunta rito pero dahil sa hindi ko rin mapigilan ang pag aalala, minabuti ko nang bisitahin siya. Afterall, I owe her for helping me out last night.
Aayain ko nalang siyang pumunta kay doktora ngayon. Without hesitation.
Bumungad sa akin ang malinis at simple pero eleganteng kabahayan. In short, maganda. Hindi ko na ide-describe. Umakyat ako patungong kwarto niya. Ito palang rin ang unang beses kong makapasok sa kwarto niya o makaakyat dito sa ikalawang palapag ng bahay niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...