Jace's POVPagkasara pa lamang ng pinto ni Katrina ay humarap na agad ako kay Steifen at nagsalita.
"How is she?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Nilingon niya ako ng bahagya at namulsa sa pantalon niya. Sumandal siya sa pader at parang walang balak magsalita.
"What is happening to her? May.. sakit ba siya?" Napatigil ako saglit sa pagsasalita nang sasabihin ko na ang salitang 'sakit'. Hindi naman siguro iyon ang dahilan.
Sa tagal niyang namalagi rito, alam kong nakakaintindi at nakakapagsalita na to' ng tagalog. Ang hina naman ng utak niya kung hindi.
"She's fine. Kailangan niya lang kumain pa ng mas maraming healthy foods. Ilalabas ko siya dito mamayang umaga. So you better leave and go home. I'm the one incharge of her. Ako na ang bahala." Sabi niya at tinalikuran ako. Kung wala lang kami sa ospital ay nasapak ko na yang Steifen na iyan. Ang yabang.
Marahas kong naisuklay ang kamay sa buhok ko. Siguro nga ay kailangan ko ring magpahinga. Babalik ako dito mamayang umaga.
Madaling araw na kasi nang mapagpasiyahan naming hayaan muna si Katrina upang makapag pahinga ito ng mas maayos. Maaga naman siyang nakatulog kagabi. Baka lang maistorbo namin kaya kami lumabas.
Nang marating ko ang condo ko ay diretso agad ako sa kwarto at humilata sa kama ko.
Bigla kong naalala ang mga huling salitang sinabi ni Katrina sa akin. Hindi na namin iyon muling napag usapan sa ospital dahil mas nanaig ang pag aalala ko para sa kanya.
Napangiti ako ng wala sa oras. Ibang klase talaga ang babaeng iyon. Ginawa niya akong baliw. Baliw na baliw sa kanya.
Kung hindi siguro nangyari iyon kagabi sa kanya ay baka kami na sa mga oras na ito. Yung totoo at hindi pagpapanggap lang. Ang sarap sa pakiramdam na malamang mahal ka rin pala ng taong minamahal mo.
Pero kung hindi man ay sisiguraduhin ko parin na sa akin ang bagsak niya at hindi sa kung sino sino lang. Afterall, she's mine. And will always be mine.
Nakatulugan ko na ang pag iisip sa kanya. Nang magising ako ay alasyete na. Mabilis akong naligo at nagbihis upang mapuntahan na si Katrina.
Seven-thirty na nang makarating ako sa ospital. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil para akong kiti kiti na kinakabahan. Ewan. Hindi ko alam. Basta ang gusto ko ay makita na siya. Mapapanatag na ang loob ko sa ganoon.
Tumigil ako sa harap ng pinto niya at nang bubuksan ko na ito ay inunahan ako ng ilang mga nag sisilbi sa ospital.
"Excuse me po." Tatlo silang naunang pumasok sa loob. Ano naman ang gagawin nila doon? Dali dali rin akong pumasok sa loob upang madatnan na..
"Teka... m-miss nasaan yung pasyente dito? Nasaan si.. Katrina?" Mula sa pagkagulat ay natigilan na lamang ako.
"Pasensya na sir, hindi po namin alam. Magtanong po kayo sa may service area--" hindi ko na siya pinatapos at mabilis na umalis at tinakbo ang service area sa gitna ng ospital.
"Excuse me.. excuse-- Katrina Buenavista, nasaan siya? Bakit wala na siya sa kwarto niya? Saan niyo siya nilipat? Nakalabas na ba siya? Why didn't you informed me? Sagutin niyo ko! Nasaan na siya?!" naisigaw ko na ang huling tanong ko dahil sa frustration. Gusto ko siyang makita. Gusto ko na siyang makita ngayon na.
"Sir, huminahon po kayo. Ms. Katrina Buenavista has left three hours ago. Kasama niya ang kanyang kapatid na si Mr. Steifen Cortez at dadalhin niya po ang pasyente sa America upang maipagamot due to brain cancer. Excuse me." Tinalikuran na ako nung nurse.
Why?
Anong.. anong brain cancer?
Pinaglololoko ba nila ako?
She won't be.. Hindi. Hindi totoo ito. Wala siyang sakit. Hindi pwede. Bakit?
Bakit hindi niya sinabi sakin?
"Arrrgghhhhhh!!" I shouted with all my might. Why? Katrina..
"Jace.." may boses babaeng tumawag sa pangalan ko.
"Alliana.." nasambit ko. Mabilis niya akong inabot at niyakap ng mahigpit. Hindi ko namalayan ang tuloy tuloy na pag agos ng mga luha ko.
Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan mahal niya na ako? At bakit kailangan pa siyang ilayo sa akin ni Steifen? That a**ho*e!
"Pupunta ako sa America." Desidido kong saad habang nakayakap parin sakin si Alliana. Nang mag angat ako ng tingin ay nasa likod lang pala niya ang mga kaibigan ko.
"Steifen informed us by mail. Sorry kung ngayon lang kami nakapunta. We didn't know." I didn't know either. Hindi ko alam na may sakit na pala siya. Why does this have to happen so fast?
Humiwalay na ako kay Alliana at mabilis na dinial ang numero ng tatay ko at nagpadala ng private plane.
"Sasama kami." Alliana stated while still crying. Tumango nalang ako at dumeretso na sa kotse ko.
"Gagaling siya. Magtiwala ka lang." Paalala ni daddy bago kami umalis. Habang nasa himpapawid ay hindi parin ako mapakali. Gusto kong bilisan pa nila para madali kaming makarating. Kaya lang baka hindi kami umabot kung gagawin ko iyon. Masyadong delikado ang gusto ko at maaaring mapahamak ang mga kaibigan namin ni Katrina.
Ayokong magalit siya sakin kapag napabayaan ko ang mga taong mahahalaga sa kanya.
Katrina.. bakit mo tinago ang sakit mo mula sa amin? Sa akin?
Alam mo na naman na mahal kita. Handa akong lumaban para sa ating dalawa. Sabay tayong lalaban. Sabay nating lalabanan ang sakit mo. Sabay tayong gagaling. Sabay nating lalasapin ang kinabukasan. Alam kong gagaling ka, pero hindi ba mas madali kung pareho tayong lalaban para sa isa't isa?
Yumuko ako upang itago ang pag iyak. Ngayon lang ito nangyari sa akin. At kapag nagtagumpay na tayong dalawa sa pakikipaglaban. Sisiguraduhin kong hinding hindi na ito mauulit. Hindi na kita hahayaang masaktan.
Aalagaan kita at mamahalin ng tapat at sobra sobra. Because you are my life.
God.. I know I've dove a lot of bad things. At ngayon lang po ako nakapag dasal sa Inyo ng mataimtim.
Nakikiusap po ako.. pagalingin Niyo po si Katrina. Huwag Niyo po siyang pababayaan. Please give her another chance to live.
Please give me a chance.. to be with her. Forever.
I rely onto You, oh Lord. Ito lang po ang hinihiling ko sa Inyo. Sana po ay mapagbigyan Ninyo ako sa kabila ng kakulangan ko sa Inyo.
In Jesus mighty Name I pray.. Amen
Gagaling ka Katrina. Tumingala na ako sa Kanya. Naniniwala akong pagagalingin ka Niya.
Hintayin mo ako, pag dating ko sa America ay sabay nating lalabanan ang sakit mo. Hinding hindi kita isusuko.. So please, lumaban ka rin para sayo.. sa atin.. sa Akin.
Wait for me. Malapit na ako.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...