Jace's POV
[Alexander?] Bungad ni dad nang sagutin niya ang tawag ko. Nasa airport ako ngayon at halos kararating ko lang. Pagod ako at gustong gusto ko na agad mag pahinga sa mansion.
"Dad, I've arrived." Simpleng sabi ko. Pormal akong makipag usap sa kahit na sino. Kahit sarili ko pang ama, ganito ako.
[Welcome back iho. Anyway, I'm going to send your car there. Keep safe.] Sabi niya.
"I will." Yun lang at binabaan ko na siya ng telepono.
Sanay na naman si dad sa ganito kong pakikitungo. Sa ibang pagkakataon, dapat pa nga akong magpasalamat dahil kinakausap niya pa ako at kahit katiting ay wala man lang akong galit na nakikita sa kanya tuwing nakikita niya ako o nakakasama.
Pero hindi na ako yung tipong Alexander na nakilala niya noon. Yung Alexander na lagi niyang binibigyang puri tuwing nakikitaan niya ng kamanghaan. Yun bang tuwing nakikita niya na ako na naman ang pinaka magaling sa klase. Siya lang. Siya lang ang tanging ama na napagtimpian ako simula nang magbago ako.
Ngayon, panghihinayang na ang nakikita ko sa mga mata niya. Kahit pa ngumiti siya sa akin, iba yung pakiramdam. Hindi lang simpleng ngiti ang inilalarawan niya tuwing nakikita ako o nagkakasama kaming dalawa. Totoong kasiyahan at walang halong kaplastikan.
Tss. Naalala ko na naman ang mga isa sa pinaka masakit na salitang binitawan ng nanay ko noong naabutan ko silang mag usap.
"Hindi mo naman kailangang sigawan ang bata Alexa. Anak parin natin si Jace." Pangaral ni daddy kay mommy.
"Wala akong pakialam. Kasalanan niya yon'. At isa pa, dinidisiplina ko lang siya. Wala namang masama sa ginawa ko." Inis na sabi ni mommy.
"Oo nga pero sana naman sinabihan mo man lang siya ng maayos. Yung hindi maiiyak yung bata nang ganoon." Sabi ni daddy sa tonong may gusto siyang ipaintindi kay mommy.
"Anong gusto mong gawin ko?! Makipag plastikan sa anak mo?? Ha?! Na kahit nanggagalaiti na ako sa kanya, na kinukunsinti mo naman, malumanay ko parin siyang kakausapin? Yun ba ang gusto mo?!"
Umiling iling nalang ako at pinilit na iwaksi sa isipan ko ang mga masasamang ala alang iyon. Napayuko ako at kinalikot na lamang ang hawak kong cellphone. Siguro kung maospital man ako, baka patuluyan pa ako ng nanay ko kaysa gumastos ng malaki maipagamot lang ako. Tss.
"Sir Alexander Jace?" Naiangat ko ang aking ulo nang marinig ang marahang tanong na iyon mula sa isang hindi kilalang lalaki.
"Ako nga. Sayo ko ba kukuhanin ang kotse ko?" Pormal kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang napakunot ang kanyang noo at tumingin ng bahagya sa akin.
"Ah opo. Hindi niyo na po pala ako naaalala. Sa bagay ilang taon din po kayong nawala." Sabi niya. Pinasadahan ko lang siya ng tingin at kinuha sa kamay niya ang susi. Nakaangat na kasi iyon kaya hindi na ako nag atubiling itanong pa sa kanya kung pwede ko na bang kuhanin.
Nakita kong nakaparada sa tapat ng airport ang Cabriolet. Tinalon ko nalang ang pagsakay doon at sinimulan nang mag maneho.
Makalipas ang limang taong pananatili ko sa America, si dad lang ang nakakausap ko. Minsan niya na akong dinalaw roon pero hindi din naman siya nagtatagal.
Siya mismo ang pumilit. Oo, pumilit sa akin na manatili doon at iwanan ang lugar na ito. Sinabi niyang mas makabubuti kung sa America ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko bilang isang First year high school student at doon na magtapos.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...