Epilogue

3K 70 15
                                    

#Wattys2017

Jacob's POV

Sa wakas. Graduate na ko sa high school. Wala ng maghahabol sakin. Wala nang bubuntot kapag dadating ako o uuwi ako. Wala narin akong iisipin. Hay grabe.

Sana lang ay hindi tulad dito ang university na papasukan ko. Sana wala ng mga aaligid na babae.

"Broooo! Hahaha" sigaw ni Phelix sabay bro fist sa akin. Napangisi nalang ako sa kakulitan niya.

"Ano ba Phelix?! Ang ingay ingay mo!" Reklamo ng pinakapangit kong kapatid. Si Xandra. Tss.

"Jacob!" Napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Aish.

"Bakit?" Nababagot kong tanong. Hindi ba talaga ako titigilan ng babaeng to'?! Pati ba naman sa huling araw ko dito sa school. Naman!

"Gusto lang sana kitang i-congratulate. Chaka.. ito nga pala.. para sayo." Nang tignan ko siya ay pinamulahan siya ng mukha. Inabot ko ang binibigay niya sakin.

"Salamat." Sabi ko nalang at tinalikuran siya. Sa lahat ng babaeng nangungulit sakin, pangalan niya lang ang tangi kong naalala. Antonielle Seleste. Sounds like a man. Whatever.

"Teka lang.." tuluyan nang kumulo ang dugo ko pero pinigilan kong harapin siya dahil baka kung anong masabi ko.

"May.. sasabihin pa sana ako." Kunot noo akong humarap sa kanya. Bigla naman siyang parang natakot.

"Bilisan mo." Angil ko. Sayang ang oras ko. Isa pa, gusto ko nang umuwi.

"May.. ako..ano-- may.. ano.. gusto.. uhm.." napapikit ako sa inis. Sinasayang niya talaga ang oras ko. Nakakairita na.

Tinalikuran ko na siya at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.

Zeke's POV

Ga*o talaga yun si Jacob. Hindi uso sakin ang tumawag ng kuya kaya Jacob lang. Wala naman siyang pakialam eh.

Kita mo yang lalaking iyan. Paiyak na si ate Anton oh. Bakit ba sobrang init lagi ng ulo no'n? Ganyan ba kailap sa mga babae si Daddy noon? Buti pa ko.

"Zeke! Congratulations." Bati ng isang babae kasama ang mga kaibigan niyang mangisay ngisay na nang makita ako. I smirked. Ang gwapo ko talaga.

Salamat sa nanay ko dahil dyosa siya ng kagandahan at ako naman ang prinsipe ng kagwapuhan. Si daddy daw ang hari eh.

Marami raming babae pa ang sumunod na bumati sakin at lumapit. Muntik ko nang makalimutan na graduation ng kapatid ko ngayon at dapat na kaming umalis para sa handa nila ni Phelix.

"Sige, alis na ko." Sabi ko pa sabay ngiti sa kanila.

"Ahhhh..awww..." sabay sabay na sabi ng mga babae at naghampasan pa. Yung isa nahimatay. Hay grabe.

Patakbo akong lumapit kay Alliara. Oo nga pala, dapat ako ang Top 1 eh. Inagawan ako ng pwesto. Tss.

"Hoy. Anong ginagawa mo diyan?" Panggugulat ko sa kanya.

"Ano ka ba naman?! W-Wala.. bakit ba?" Hindi siya mapakali at pabalik balik ang tingin doon sa tinititigan niya kanina.

Kinuha ko ang kamay niya at hinatak na siya paalis sa lugar na iyon. Baka mabulag siya ng lokong iyon. Ang sakit kaya sa mata. Bwisit!

Pati ako nahawa sa init ng ulo ng kapatid ko. Tss.

"Pwede ba Zeke! Dahan dahan!" Angal ni Alliara na sinunod ko naman pero mas hinigpitan ko yung kapit ko sa kamay niya. Para hindi makawala.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon