Katrina's POV
"What now?!" Bulyaw ko sa sarili ko. Nasa loob ako ng kwarto ko ngayon.
I don't have any other choice, hindi ko talaga makukuha sa pagmamakaawa o pagluhod si Mr. Xander. Yun ang pangalan ng tatay ni blackman.
Nabibwisit ako ngayon. Paikot ikot lang ako dito sa kwarto ko, nag iisip. Kahit wala namang paraan na pumapasok sa kokote ko. L*tche!
Nakakabanas!! Malas talaga yang blackman na yan eh. Pwede pa sana kung punuin nalang nila ako ng trabaho, wag lang ma-involve sa tulad niyang peste sa buhay. Mas peste pa siya sa mga daga, ipis, butiki at marami pang iba. Ang kaibahan lang, higante siya!!
siguro ipis din yun na nag transform lang tapos naawa bigla si Mr. Xander and at the same time baka natakot dahil yung ipis biglang lumaki at naging higante. Bwisit siya!!
"AuGhhhhhh!!" Sigaw ko nang makalapit sa mini minion pillow ko. Naibato ko pa tuloy sa kung saan. Naiinis ako!! Kung bakit pa kasi hindi nalang sila makuha sa pakiusap. Lahat nalang pahirapan.
Mga tao talaga ngayon, imbis na tumulong o umintindi, mas lalo pa nilang pinapahirapan yung tao at iniisipan ng masama. Taking advantage. Mga kutong lupa sila. Sana matiris din sila ng mga mabubuting tao para naman mabawasan na ang human pollution sa bansa natin.
Oo na!! Alam kong walang ganyan. Sabi nga nila, Imagination mo ang limit.
Kung dadaanin ko ang lahat sa iyak, dabog, galit, at too much thoughts, baka madatnan nalang nila akong nakalupasay dito at lumalangoy na parang shokoy. Ang kaibahan lang, walang tubig dito at para pa akong nag ba-back stroke. Just great.
"KATRINA!!!!!!!!!!!!!" Anak ng tinapa!! Sino ba yun--
TUGSHHH--
"Araaaayyy... ang sakit!! Ouch! Shit... awww.. " ayan, si Alliana pala. Isa pa to'. Hindi na natutong kumatok. Kung sa kanya ko nalang din kaya iuntog si blackman para pareho silang matauhan. But in the second thought.... wag nalang.
"Ilan nahuli mong ipis? May daga ka rin bang nakita? O baka naman dahil sa gulat sayo pati butiki nalaglag at nasalo mo?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
"Yuuuckk!! Kadiri ka, ano ba?! Chaka.. aww.. bakit hindi mo nalang.. ishhh.. b-bakit di mo nalang kaya ako tulungan no'? Aray!" Sabi niya na halos mag mukhang nilunod sa suka dahil sa asim ng mukha niya.
At dahil naawa ako bigla ay tinulungan ko nalang siyang tumayo at napailing nalang ako nang maisip kong... oo nga pala, may saltik din tong si Alliana tulad ko. Arghh..
"Arayyyyy.. shit na unan yan!! Alam kong paborito mo ang minions pero HELLO!! Kailan mo pa naisip gawing door mat ang unan na yan?! And to think of it, may nakita ka na bang door mat na ganyan kalapad at laki? Argghh.."
"Hindi ka kasi kumatok!! At yan ang parusa mo, nadapa ka nang dahil sa ka-OA-yan mo!! See what happened? I hope you learned your lesson. At sana ilabas mo narin sa kwarto ko ang mga nahuli mo, please lang. Alam mo namang walang namamahay na peste dito sa mansion namin diba? Ughh.." sabi ko sa kanya at sa huli ay medyo nandiri din. Ano ba tong mga pinagsasasabi ko?! Alam ko na kung saan kami nagkasundo ni Alliana, kung OA siya, ako naman exaggerated. Argh. Feeling ko pareho lang din yun.
"WTF!! Katrina!! Nababaliw ka na." OA niyang sabi. Umirap nalang ako at pinanuod siyang paika-ikang naupo sa gilid ng kama ko sabay taas ng dalawang paa niya at masahe sa kanang binti niya. Tsk.
"What brought you here? Alam mo namang badtrip ako ngayon at ayoko ng istorbo--"
"So you're now calling me ISTORBO!! Unbelievable! " okay, oo na. I hit the mine spot.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...