38

1.5K 41 3
                                    


Katrina's POV

Dalawang taon na ang nakalipas.

Bumaba ako sa kotse at binitbit ang bulaklak na dala ko.

Naglakad pa ako hanggang sa marating ang kinaroroonan ng puntod niya.

"Sayang talaga.. hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataong magkausap." Sabi ko kahit alam ko namang hindi sasagot ang kinakausap ko.

Hinawakan ko ang lapida niya at hinawi ang alikabok. Nilapag ko sa gilid nito ang bulaklak na dala ko. May nakasindi kasing kandila sa gitna. Siguro ay mayroon nang nanggaling rito.

Tumayo na ako makaraan ang ilang minuto.

Umalis ako sa lugar na iyon at mabilis na nakarating sa isang subdivision. Pumasok ako sa loob ng isang mansyon.

Dumeretso muna ako sa kusina upang maghugas ng kamay.

Pagkatapos ay pumunta sa isang kwarto sa ikalawang palapag.

"Nandito ka na naman. I told you not to come here. Ayokong makakita ng pangit dito." Naiinis niyang saad.

"You're still the blackman I've known." I said then chuckled.

"Huwag mo nga akong tawagin ng ganyan. Kung hindi ka lang babae baka nasapak na kita." Sabi niya at inirapan ako.

"Com'on Ander. Aren't you used to see me every now and then?" Pang aasar ko pa.

Bumalik sa ala ala ko ang mga nangyari noong nakaraang dalawang taon.

"He's in coma." Anunsyo ni Aris.

Simula noon ay hindi ko na inisip ang sarili kong kalagayan. Binantayan ko si Jace at umasa akong gigising siya isang araw.

"Its been four months now. Hindi ka parin ba--" I cut him off.

"Steifen, how many times do I have to tell you that I'm okay this way? I'm taking meds. You don't need to worry." Sabi ko. Napabuntong hininga lang siya at naupo sa sofa.

Ayaw man nila Aris at Ralph na bumalik sa Pilipinas, kaya lang ay kinakailangan.

Si Alliana naman ay sinamahan si Ria na bumili ng pagkain. Simula kasi ng araw na una kong nakitang nakahiga rito si Jace ay hindi na ako umalis.

Ilang beses lang akong lumabas upang kumain o di kaya'y bumalik sa kwarto ko upang maipatanggal na ang dextrose at makapagpalit ng damit.

I never failed from reminding Jace that I will never leave his side no matter what happen.

Dumating din ang mga oras na sobrang nanakit ang ulo ko dahil hindi ako nakainom ng gamot. Buti nalang at wala sila kaya nagawa ko pang itago ang mga nangyayari sakin sa nakalipas na anim na buwan.

I take meds regularly. Hindi daw pwedeng necessarily. I should take care of myself. Kailangan pa ako ni Jace.

"Jace.. mag iisang taon ka nang nakahilata diyan. Mamaya dumikit na yang likod mo sa kama, sige ka. Gising na kasi." Kausap ko sa kanya. Unti unti na namang lumabas ang mga luha sa mata ko.

Hindi ko mapigilan eh. Pero madali ko ulit iyong pinunasan. Hindi naman siya magigising kung iiyak ako ng iiyak. Chaka ayaw niya akong nakikitang ganito. Dapat akong maging aware doon.

Dumaan pa ang isang buwan. Exactly 1 year na. Comatose parin siya.

Dumating ang oras na tinanong na ng doktor si Mr. Xander kung ipapatanggal na ang machine na siyang nagbibigay buhay pa sa kanya. Muntik nang mawalan ng pag asa ang tatay niya pero nakiusap ako.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon