H I - hit 21

1.5K 41 20
                                    

Katrina's POV

Tsk. Ano ba yung ingay na iyon?

"Katrina.." may tumatawag sakin?

"Katrina.. tumayo ka na diyan." Tss, sino ba kasi iyon?

"Katrina! Pinapatawag ka na nila, alas dyes na. Kapag hindi ka pa tumayo diyan malalagot ka sakin." Bahala nga siya. Ingay ingay masyado. Hindi naman maintindihan ang sinasabi niya.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng basa sa may labi ko. Shocks, naglalaway ba ko? Oh no.. ngayon lang to' nangyari sakin.

Biglang nagising ang diwa ko nang may gumalaw sa may bandang labi ko. Pagkadilat na pagkadilat ay bigla akong naduling sa lapit ng... mukha ni blackman.

Bigla ko siyang naitulak at napaupo ng deretso sa kama. Nakita ko ang bahagya niyang pag ngisi. Impakto talaga. Argh.

"Who are you to do that?" Sumbat ko sa kanya.

"What? The kiss? Kanina pa kasi kita ginigising and yet parang wala kang naririnig. Tumayo ka na diyan at mag hilamos ka na. Bilisan mo nang makababa ka na agad. And another thing, mag toothbrush ka ah." Huli niyang sabi bago ako iwanang nakanganga sa kama.

Ang kapal ng mukha.

Bigla tuloy akong na-conscious. Hindi ko namalayang binugahan ko na ang aking kamay ng hangin at dahan dahang inamoy ito.

Bwisit na blackman. Hindi naman mabaho ah.

Wala naman siyang sinabi.

Bakit ka affected?

Utang na loob, bwisit talaga!!

~=~

"Good Morning po." Bati ko kay lola sabay tingin din sa mga kasama ko.

"Magandang umaga naman sa iyo iha. Umupo ka na't makapag simula na tayong mag umagahan."

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang maasiwa sa presensya ni Jace. Feeling ko kasi tinititigan niya ko. Aish.

Katapat ko siya, pinagigitnaan nina Aris at Ralph.

Katabi ko sa kaliwa si Steifen at sa kanan nama'y si Alliana. Sa kanan ni Alliana naupo si Ria.

"Water?" Alok sakin bigla ni Steifen. Tinanguan ko lang siya at hinayaang lagyan niya ng tubig ang baso ko.

Nang maiabot niya na sa akin iyon ay ininuman ko na agad ito at inilapag sa lamesa pagkatapos.

Nang lagyan niyang muli ito nang laman ay bigla itong kinuha ni Jace at inisang lagok ang tubig na laman. Mismong itinapat ang labi sa pinag inuman ko.

Nananadya ka talaga ah. Humanda ka sakin mamaya.

"Pasensya— I mean, I'm sorry.. Steifen. I—"

"No need to explain, Katrina. Its okay. Don't worry." Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya masigla ko muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos ng umagahan ay tinulungan ko na si lolang ayusin ang lamesa. Umakyat nang muli sina Alliana upang makaligo na at makapag handa para sa kanilang pagliliwaliw.

Nawalan ako ng ganang sumama dahil sa isipin ko palang na makakasama ko si Jace ay nakakainis na.

Pinigilan na ako ni lola nang makitang magsisimula na akong mag hugas ng mga pinagkainan. Kahit naman papaano ay marunong ako sa mga ganito.

Umakyat na lamang agad ako at mabilis na tinungo ang banyo upang makaligo.

Oo nga pala. Baka nandito na naman ang lalaking yun at mas malala pa ang mangyari sakin. Sinigurado ko nang walang kahit na sino mang nasa loob ng banyo.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon