Katrina's POV
Limang araw na ang nakalilipas at Friday na naman ngayon. Napakabilis dumaan ng mga araw.
Nag dilang anghel si Alliana dahil meron nga akong dapat na asahan pag umuwi ako galing sa kanila.
Pero hindi ito sulat o kumpirmasyon na wala na talaga sa amin ang kompanya kundi isang balita na mas lalong nakapag pakaba sa akin.
Gusto daw akong makausap ni Mr. De Guzman na head ng De Guzman Group of Companies na una kong narinig mula kay angel-in-disguise last week.
Ayoko parin mag assume na tototohanin nga talaga nila ang kanilang banta pero hindi ko rin mapigilan ang mangamba at maging kabado.
Last monday nga ay nang-galing na kami sa company na iyon at doon ko rin nakumpirma na totoo ngang anak ng may-ari no'n ang pesteng nagnakaw ng halik sa akin last week. Argghh.. bakit ko pa inalala yun?! Bwisit. Hanggang ngayon ay inis na inis parin ako sa tatlong kumag na yo'n.
Hanggang ngayon rin ay hindi ko maalis-alis sa isip ko ang napag-usapan namin ng daddy niya.
Ako lang ang pinapasok niya sa kanyang opisina. Naiwan naman sa labas no'n ang mga magulang ko kasama ang kanyang sekretarya. Nag-hesitate pa nga si mommy kung papayagan niya ako o hindi pero sa huli ay pinapasok niya parin ako.
Pero nang mapagtanto ko ang magiging trabaho ko ay parang biglang nag rambol ang iba't ibang emosyon sa kaloob-looban ko. May pagkainis pero nahahaluan ng awa at guilt sa hindi ko malamang kadahilanan.
Hindi ko aakalaing ganoon pala kahirap ang mga pinagdaanan ni Blackman-- este ano.. hindi ko alam ang pangalan niya eh. Tss.
Sa mga piling detalyeng isiniwalat sa akin ng kanyang ama ay biglang nanumbalik sa akin ang hinihingi niyang pabor, kung 'hingi' man ang tawag sa ginawa ni blackman at ng mga kaibigan niya.
Ayokong maawa sa kanya, but I can't help it. Hindi ko maimagine ang sarili ko kung ako man ang nasa sitwasyon niya. Maswerte siya sa kanyang ama dahil nanatili itong nasa tabi niya hanggang ngayon.
Hindi ko lubos maisip na magagawa siyang tratuhin ng ganun ng sarili niyang ina--
"Katrina Isabel, lumilipad na naman ang utak mo? Ano bang nangyayari sayo?" Nababahalang tanong ni Alliana. Hindi na ako nagulat sa kanya dahil habang nag iisip-isip ay pinakikiramdaman ko rin siya. Pinipilit kong umaktong normal, tulad ng aming nakagawian. Pero nahalata niya parin ako.
"Wala to'." Nang masabi ko na ang sagot ko ay mas na-realize kong pinabigat ko lang lalo ang sitwasyon. Para kasing kinompirma ko na sa kanya na meron nga akong malalim na iniisip.
Tama nga ang kasabihang, nasa huli ang pag sisisi.
"Katrina, pwede mo naman akong sabihan sa kung ano man ang bumabagabag sayo. Makikinig ako." Sabi niya at bumuntong hininga. Napatungo naman ako at inisip kung magsasalita ba ako o mananatiling tahimik?
Sa huli ay hindi ko rin napigilan ang sarili ko at napatanong ako bigla sa kanya.
"Pwede mo ba akong samahan mamaya? May kakausapin lang ako." Sabi ko ng hindi parin nakatingin sa kanya.
"My Goodness Katrina.. mamamatay ako sa curiosity nito dahil sayo." Sa ibang pagkakataon ay baka asarin ko siya dahil sa mga OA na pinagsasasabi niya pero kahit isang salita ay wala na akong naidugtong pa sa sinabi niya.
Mabilis na dumaan ang oras at eto na nga kami ni Alliana. Naglalakad na.
Papunta kami ngayon sa bakod ng University kung saan alam kong tinatambayan nila blackman. Hindi ako sigurado sa gagawin ko ngayon, pina-practice ko na nga ang sasabihin ko kung sakali eh. Sana lang talaga ay tama itong hakbang na gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...