Katrina's POV
Kahit na inaantok pa ko, bumangon parin ako..
Kailangan kong tapusin tong thesis ko kundi lagot na naman ako sa professor namin.
Last time na hindi ako nakapag pasa halos sumabog na siya sa galit sakin eh.
Isang beses palang naman yun nangyayari pero kung maka react naman si prof. kala mo ang dami kong nagawang mali.
Running for Suma Cum Laude daw kasi ako, sinumbat pa niya sakin yung rank ko sa dean's list.. dapat daw i-maintain ko ang first.. hindi ko rin daw dapat pinapabayaan ang studies ko.. eh hindi ko naman talaga pinapabayaan, sadyang na-late lang ako ng gising dahil ginabi na ako ng uwi galing sa company namin.. buti nga from the bottom to the top ang training ko dahil kung nag start agad ako sa gitna or sa mas mataas na rangko, hindi na talaga ako magkakaroon ng pahinga..
Sakto pang first period namin si prof. ayan tuloy..
-
Nang mapatingin ako sa wall clock ko dito sa kwarto, mas lalo lang akong nanlumo..
Isang oras nalang ako makakatulog ulit.. buti nalang tapos ko na yung thesis.
Makakatulog pa kaya ako nito?
hayy.. minabuti ko nalang na lumabas na ng kwarto.. magtitimpla nalang ako at iinom ng kape para di ako makatulog mamaya sa subject ni professor.
Dahan dahan lang akong bumaba sa hagdan.. glass-type tile pa naman ang hagdanan dito sa mansion.. baka magising ko sila..
Last ten steps nalang at mararating ko na ang baba.. napahinto lang ako nang may marinig akong nag uusap..
"Pero Karlo.. paano na tayo? Ano nang mangyayari sa atin? Ang kinabukasan ni Katrina? Hindi ko kayang isugal ang kompanya.." parang nanghihinayang na sabi ng babae.. alam kong si mommy iyon.. siya lang naman ang tumatawag kay Daddy ng Karlo.. Karlito ang kabuuan ng pangalan ni Daddy..
Ayoko sanang mag eavesdrop kaso lang may narinig na ko eh.. there's this sudden kind of urge inside me na para bang kailangan ko rin malaman ang tungkol sa pinag uusapan nila..
What about them? Me?? The company?
Anong meron? Anong nangyayari at bigla nalang ata silang nag usap ng masinsinan? I never got even a slight chance to witness them talking like what's happening right now.
Ngayon ko lang sila nakita at naabutang nag uusap ng ganyang ka-seryoso..
"There's only one way we can get it back Iyana.. at si Katrina lang ang pwedeng tumulong satin.." Nagbabakasakaling tugon ni daddy.. now what? Anong kailangan kong gawin? And wait- what are they talking about??
"Karlo!! Hindi ako papayag. Nasa atin pa ang kompanya, at kung mangyari mang mawala satin iyon, mas lalong hindi ko ipapasa sa anak natin ang obligasyon at responsibilidad maibalik lang ang dapat sa atin.. we can do this.. right? There is still another way.. Karlo.. please.. no.." natataranta at di mapakaling sagot ni mommy..
I can't see their reactions pero base sa naririnig ko.. parang nai-imagine ko narin.. so now, kompanya pala namin all along ang pinoproblema nila..
At sabi nga ni Daddy, may magagawa ako.. I know I can do this.. I think?
Afterall, last thesis na namin tong tinapos ko.. medyo easy-easy na ulit kami sa school.. malapit narin ang holiday vacation namin.. para bang sumasakto talaga ang panahon sa akin..
I just hope that there will be no emotional or personal attachments involve in this task.. I guess wala naman akong dapat ipag-alala kung magtatrabaho ako para lang maibalik ang company kila mommy..
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...