H I - hit 28

1.4K 36 0
                                    

Katrina's POV

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang magkaroon kami ng dinner with the Martinez'.

Nasa bahay ako nila Alliana at hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung babalik pa ba ako doon o lalayas nalang.

Nararapat bang sundin ko ang gusto nila kapalit ng pag aaruga nila sa akin? Utang na loob ko pa pala ang pagtanggap nila sakin bilang anak.

Flashback

(The day before I went to Alliana's house)

"Gusto kong hiwalayan mo ang lalaking iyon ngayon din." Sigaw ni Dad nang malaman niya ang tungkol sa nangyaring fake proposal ni Jace para sakin.

"Dad.. ginagawa ko po ito para sa inyo.." nagngitngit ang mga panga ni daddy at parang pinipigilan nalang ang sarili niyang lumapit sa akin.

"Ang gusto kong gawin mo ay hiwalayan ang lalaking iyon! Ipapakasal kita sa anak ng mag asawang Martinez kaya dapat lang na wala kang sabit." Nanggagalaiti niyang saad.

Bakit ba hindi nila ako maintindihan? Para sa kanila naman tong ginagawa ko eh. I'm doing this to regain our--THEIR company back.

"Anak please.. iyon lang naman ang hinihingi namin sayo.. " pasusumamo ni mommy. Oo nga naman. Iyon lang naman ang hinihingi nila sakin. Bakit nga ba hindi ko magawa?

If it isn't for the company, then it just means that I already fell. Alin lang sa dalawa ang rason. And I'm not sure about it yet.

Hindi ko pa kaya.

"Kung ang kumpanya lang naman na kinuha nila ang dahilan, then you must get yourself out of it. Hindi na kami aasa sa mga salita nila." dere-deretso niyang saad.

"But you have their word." Pagmamatigas ko parin.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong mapaupo sa sahig at naramdaman ang pagmanhid ng kaliwang pisngi ko. And eventually, a tear fell down on my face.

"Kailan pa naging matigas ang ulo mo? Pati kami ay sinasagot mo na. Mahirap bang gawin ang gusto ko? O kaya naman ay mahal mo na ang lalaking iyon?!" Todong sigaw ni daddy sa harap ko.

Sa sobrang takot ko ay hindi agad ako nakapag salita agad.

"To tell you frankly, we accepted you as our child because we needed one. Because you have to HAVE a purpose in my family." Sabi niya habang tinuturo turo ako. Wala akong nagawa kundi ang yumuko at umiyak ng umiyak. Dahil lang dito ay parang bigla nalang siyang nag transform at hindi ko na makilala.

He never raised his hand on me. He's been a loving father. But unlike now. Sa isang iglap lang ay hindi ko na makita sa kanya ang daddy ko. He's different now.

"D-Dad.. y-you made me accept h-his proposal. We have a c-contract. I just can't leave t-that behind. I-I'd be sued." Umiiyak kong paliwanag sa kanya.

Marahas siyang bumuntong hininga at umalis nalang bigla habang si mommy naman ay naiwan sa harap ko.

Awa ang nakita ko sa mga mata ni mommy. I can feel her sympathy but I could still see something else in her eyes, hindi ko lang sigurado kung tama ba ang nararamdaman ko.

She looks at me like.. feeling sorry. Yung tingin na parang ang laki ng naging kasalanan niya.

"M-Mom.." nilapitan niya ako at agad na niyakap. She then cried with me and whispered, I'm sorry.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon