Katrina's POV
'OMD! Nabalitaan niyo ba?' Hiyaw na bulong ng babaeng nakasandal sa pader.
Nasa cafeteria kami ngayon. Kasama ko na si Alliana. Nakakainis nga kasi hindi niya kinuwento sakin yung tungkol sa nangyari kahapon.
'Ang alin? Yung engagement party ba? Grabe talaga no'?' Sagot nung isa.
'Oo!! Eh diba may girlfriend si Jace? Bakit ipagkakalat pa ni Serina the bitch yung balitang yun?'
'Feelingera talaga yung palakang yun! Pero mukhang totoong mangyayari eh.. Kumpleto ang invitation at pati resort na pupuntahan nila ay ipinangalandakan niya.'
Alam na kaya ni Jace yung tungkol dito?
Tss. Kung hindi ko pa narinig sa iba, hindi ko pa malalaman.
'Sa bagay, parang acting lang naman yung ginagawa nila nung babae. Hindi naman sila laging magkasama.'
Muntik na kong mapalingon sa kanila nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.
So ibig sabihin, parang wala ring kwenta itong mga ginagawa namin?
Hindi ba pwedeng nag aaral lang talaga kami?
'I agree, girl. Pakita nga lang ata kasi knowing Jace, yes he's a very talented and intelligent person pero sa kabila ng lahat ng iyon, tamad siya. Hindi niya trip ang mag aral ng mag aral.'
Shocks. Why are they making a point? Teka, sinasadya ba talaga nilang iparinig sakin to'? Argh.
"Huy. What happened?" Tawag sakin ni Alliana.
"Tsk." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi dapat ako ang nomomroblema dito eh.
Si blackman dapat because in the first place, siya ang may balak nito at hindi ako.
Well, hindi ko rin naman naisip na pwede rin palang maging ganun ang tingin nila sa amin. Pero kahit na. Nakakabwisit talaga siya!!
"Let's go na. May next class pa ko." Aya sakin ni Alliana.
Tss, ayaw pang sabihin na makikipagkita na naman sa lalaking nakabanggaan niya kahapon. Hmp.
Humiwalay na siya sakin ng daan pagkatapos bumeso at nagpaalam. Habang naglalakad ay iniisip ko parin yung mga narinig ko kanina. Nakakabagabag talaga.
"Hey."
"Ay palaka." Gulat kong saad nang may biglang bumungad sa gilid ko.
"Yes I'm a prince but not a frog." He said, smirking.
"Do I care? Chaka bakit mo ba ko sinusundan?" Inis kong tugon sa kanya. Ugh.
"I have to tell you something important." He said.
"You know what angel-in-disguise, kung tungkol na naman yan sa mga kalokohan niyo. Itigil mo na. I am not interested to hear it." Sabi ko at mas binilisan ang lakad.
"Wait. Its Aris, and this is really important. You need to pack up your things. We're going away for 5 or more days."
Muntik na siyang mabangga sa akin nang bigla akong mapatigil.
"What did you just say?" I hissed.
"I knew it. Hindi parin pala niya sinasabi sayo."
"What do you mean? Anong aalis?"naguguluhan kong tanong.
"I guess nakarating narin sayo ang mga kinakalat ni Serina. The supposed to be engagement party of them both will be held this Sunday. Which is also his birthday. Meron pa kaming isa pang problema, pero mas maigi sigurong siya na ang magsabi sayo. Don't worry, we'll talk with Alliana para ma-excused tayong apat or maybe bring her para walang problema." Nangunot lang ang noo ko sa mga sinabi niya.
Marami namang paraan para hindi matuloy yung engagement party nila. Bakit kailangan pang umalis kami?
"Aish. After class pumunta ka sa likod ng university. We'll explain everything to you. Isama mo narin si Alliana." Yun lang ang sinabi niya at mabilis na pumanhik sa ibang daan.
------------------------------------------------------------
Short update. Peace guys!!
Gusto ko sana ng maraming comments para sa next chapter.
Hindi naman required pero mas maganda parin kung susundin niyo.
Ganito nalang, kung sinong may pinaka maraming comments sa kanya ko ide-dedicate yung next chapter. Yun bang aabot ng 20. Haha. Lovelots.
Aasahan ko yan ah. ^_^
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...