Jace's POV
Bakit hindi man lang niya ko sinabihan?
Ang babaeng iyon talaga!
Sigurado akong nakasalubong niya rin si mommy sa labas ng office. Hindi naman sana niya ginawan ng masama si Katrina, kung hindi ay mawawalan na ng dahilan ang pag galang ko sa kanya.
Ganito pala talaga kapag hulog na hulog na. Sht. Ano bang gayuma ang pinaamoy sakin nun? Alangan namang yung tubig na inabot noon nung maid samin ang may gayuma at pinalagay lang niya. Tss.
Stupid.
Oo na, mahal ko siya at hindi ko alam kung bakit. Wala akong makapang dahilan. Basta mahal ko siya.
Kasabay kong maglakad ngayon si Kael. Pinsan kong ngayon ko lang din nakilala. At nang malaman kong magkakilala sila ni Katrina, nakiramdam na ako. At sa tingin ko ay kailangan ko nang maging mas maingat para kay Katrina.
Uso pa naman ang agawan ngayon. Tss.
"Paano mo nakilala ang fiancee ko?" Tanong ko at inemphasize pa ang fiancee. Syempre, mahirap na.
Nginisian niya muna ako bago mag salita.
"Noong nakaraang dalawang gabi na. Her parents introduced me to her." Doon palang ay nakaamoy na ako ng hindi tama. Anong meron at ipinakilala pa siya ng mga Buenavista kay Katrina?
Well, I know their little secret. Nasabi ko na bang walang kahit na anong impormasyon ang pwedeng maitago sa akin?
She is an orphan, at pinahahanap ko pa kung sino ang tunay niyang mga magulang.
"You're lucky to have Katrina. Take care of her, or else.." biglang sabi ni Kael na ikinalingon ko sa kanya.
Kasabay non ay ang pagtunog ng elevator hudyat na makakalabas na kami.
"I'll make sure she'd be mine." Huli niyang sabi bago naunang lumabas at nakangising umalis.
My hand encircle and turned into a fist. Kung hindi lang siya naunang umalis ay baka nagkita na sila ng kamao ko.
Of course, I would take care of her. She is my life. My happiness, kahit na manhid ang babaeng yun. Mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Katrina's POV
Tinatawanan niya ba talaga ako?
Aish. Nakakahiya talaga ang ginawa ng lalaking iyon. Kainis!
"What are you going to say?" Panimula niya at sa isang iglap ay biglang sumeryoso ang mukha niya.
Ang bilis talaga nilang magpalit ng mood. Talagang may pinagmanahan si Jace.
"Uhm.. about my parents. I.. I just want to apologize for what they're doing right now." Nakayuko kong saad. Tama ba itong ginagawa ko?
"Don't feel sorry about it, as long as you'll stick with my son. There's nothing for you to worry about." Doon ay napatingin muli ako sa kanya. Hay.. hindi ko na talaga alam kung sino ang mas kailangang timbangin.
Naguguluhan na ako.
Matagal nabalot ng katahimikan ang buong silid bago muling nagsalita si Mr. Xander.
"Alam ko na ang balak ng mga magulang mo. I can sue them for that. Pero kung gagawin mo kung ano ang nararapat, hindi ko sila kakasuhan." Ano daw?
"What do you mean?" Taka kong tanong.
"I hope I am wrong pero sa tingin ko ay gagamitin lang nila ang authority ng mga Martinez sa kompanya ko. Kael's mom is my cousin. Of course she would have a big share in my company. Our fathers are brothers. Fortunately, panganay ang ama ko kaya sa akin ito napunta. Nag aalala lang ako sa maaaring gawin ng daddy mo sa pinsan ko. That is why Kael is here. I want to clarify things with him. He said yours and his family are having a partnership. Little business can also cause big trouble." Diretso niyang saad. Inaamin ko, I got offended pero kailangan kong makinig. Kung totoo man ang sinabi niya, wala na akong iba pang naiisip gawin kundi ang maikasal na kay Jace.
Ramdam ko naman na mabait si Kael pero naniniwala parin ako na kung hindi ko naman kilala at mas lalong hindi ko naman mahal, there's no reason for me to marry him. Excluded ako sa business ng mga Buenavista. Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay hanapin ang tunay kong pamilya.
Kahit na parang tinatalikuran ko na ang pagiging Buenavista ko.
This is still for their own good. Our own good.
I don't want them to benefit in a wrong manner. Mabait sila at ayokong mabahiran ng masama ang pangalan nila nang dahil lang sa may gusto silang bagay.
Kung ang pagpapakasal nalang kay Jace ang natitirang paraan, I guess kailangan ko nang turuan ang sarili kong mahalin siya. O hindi na kailangan dahil...
"Thank you for your time Mr. Xander. I'll go ahead." Tinanguan lamang niya ako at ngumiti ng bahagya.
Nang makalabas ako mula sa kanyang opisina, nadatnan ko si Jace na nakahalukipkip sa may gilid ng pintuan.
"Hindi ka bumaba?" I innocently asked.
"Umakyat lang ako ulit para sabay na tayo." Seryoso niyang sabi at bigla nalang akong hinatak at hinalikan sa noo.
Pinamulahan agad ako ng mukha. This man!
Then he hugged me tight as if I'm going to leave him. Ano bang meron sa lalaking to' ngayon?
"Let's go." He declared then held my wrist.
Mabilis kaming nakalayo mula sa kompanya ng mga De Guzman. Sa bilis ba naman ng lakad ni Jace.
Napagtanto kong dinala niya pala ako sa isang coffee shop.
"What do you want?" Tanong niya agad sakin nang iabot nung crew yung menu.
"A Frappe may do." Sabi ko. Bahala na siya kung anong oorderin niya. Hindi naman ako mapili.
Nagulat nalang ako nang may lumapit na crew ulit sa amin. Imbis na siya ang tumayo at pumunta sa counter, siya pa ang pinuntahan. Tamad talaga to' kahit kailan.
Matapos mag order ay agad niya akong hinarap.
"What?" Naguguluhan kong saad. Ang weird niya kasi ngayon. As in, sobra.
"Have you decided?" Walang kagatol gatol niyang tanong. Hindi na ba talaga matututo ng right manners and proper conduct ang lalaking to'?
Hindi muna ako sumagot. Para suspense. Hahaha
Nagtitigan lang kami hanggang sa dumating na yung order namin.
I sipped a little from my glass of coffee before looking back at him.
"I guess so." Sagot ko na kapag pakunot sa noo niya.
"So.. does that mean you now agree on marrying me?" Tanong niya na parang nagpipigil pa ng ngiti.
"Kapag ba sinabi kong I have decided, oo agad?" I then laughed for what I've said. Ang lakas ata ng trip ko ngayon.
"Katrina, I'm being serious here." Sabi niya at talagang seryoso ang mukha niya.
"Oo na. Pumapayag na ako," sagot ko na nakapag palabas na ng malaking ngiti sa labi niya. Tss
"Because I thought its a must." Dugtong ko. Kung anong bilis ng pagngiti niya kanina, mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagsimangot niya ngayon.
Totoo naman kasi. Hindi naman siguro siya masasaktan dahil wala naman kaming mas malalim na attachment sa isa't isa.
Wala nga ba?
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...