Katrina's POV
Nandito ako sa bahay nila Alliana ngayon. Buti at walang pasok. Swerte talaga tong babaeng to'. Haha.
"What the fudge Katrina?!! Magpapa make over ka sakin na parang kamukha ni Betty La F-- basta ni betty?? Are you out of your mind? Please, tell me the truth and syempre the whole story para hindi ako nagugulat sa mga pinapagawa mo." Irita niyang saad. Eh sa gusto kong ganun ang itsura. Masama ba?? Okay yun para tigilan ako ni blackman. Tutal magiging secretary niya naman ako. Magaling naman akong mag ipon o mag tago ng pera. I can handle it.
I was left with no choice, so kinuwento ko ang buong detalye sa kanya. Bahala na. Sana lang matulungan niya ko.
"Katrina, matagal na talaga kitang gustong i-make over. Ikaw lang talaga itong laging umaayaw." Sabi niya at pilit tinatago ang ngisi. Parang may binabalak.
"Hay nako Alliana. Alam mo namang ibang make over ang gusto ko. Yung worse para layuan talaga ako ni blackman." Sabi ko ng hindi pinag iisipan mabuti ang lumalabas sa bibig.
Basta yun na yun.
"Sorry to say this but-- Tanga ka ba? Kahit pagiging sekretarya niya ay hindi mo mapapanindigan dahil yun na nga. Lalo na pag nag work out ang plano mo. Seriously? I don't know you anymore. Something has really changed." Sabi niya.
Edi wow! Okay! Talo ako. Ah basta, betty kung betty. Gusto ko eh.
" Please, Alliana, gawin mo nalang para sakin? Pleaseeeeeee??" Pagmamakaawa ko pa.
In the end napatango ko parin siya pero pinagbawalan naman niya akong humarap sa mirror o humawak ng salamin. Surprise daw. Tss. Ang kulit din eh.
40 years later. Natapos din niya. Woh!! Sa wakas.
Kaso lang parang iba ata ang pinasuot niya sakin? Ang layo, sa nerdy type. Parang masyadong classy ang dating ng dress. Pero siguro pwede narin para di mag mukhang kaawa-awa.
Sa hair ko, naka curl siya at naka clip ang dalawang gilid. Iba talaga ang ini-imagine ko eh. O baka naman para hindi masyadong haggard tignan. Sige pag bigyan.
Sa mata ko, imbis na mas malaking salamin ay contact lens ang ibinigay niya. Siya na ang nagkabit, buti nalang at nasanay na ko. Minsan kasi ay nagsusuot ako ng clear type nito para hindi ako nakasalamin lalo na pag may formal gatherings kaming pupuntahan.
Sa nails, bagong polish din. At dahil paborito ko ang yellow. Sige pagbigyan narin. Baka asset lang to' para mas pumangit ang outcome.
Ang dami talagang pakulo ng babaeng to'.
At sa mukha ko, hindi ko pa alam. Hindi ko pa nakikita. Another thing, sinuotan niya rin ako ng earings. Ewan ko rin kung anong itsura.
"So, can I see myself now?" Naiinip kong tugon kay Alliana.
"Okay!!" Excited niyang sabi.
Pagkaharap na pagkaharap ko ay halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Sino tong nasa harapan ko? Picture ng kamukha ko?
"Alliana naman! I need a mirror, not a human-size picture of a Goddess." Sabi ko sa kanya at tinignan muli ang nasa harapan ko.
"Seriously Katrina?! Meron bang picture na gumagalaw? And by the way, I deserve a thanks from you for making you.. 'a goddess'!!" Sabi niya at inemphasize pa ang goddess.
Wait.. don't tell me...
"You're definitely looking at your reflection right now. Sabi ko na eh, may tinatago ka talagang ganda!" Sabi niya pa na tuwang tuwa at pumapalak pak pa.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...