Katrina's POV
Habang nakayakap parin kay Jace ay namataan kong umalis na sa pwesto niya si Serina through my peripheral vision.
Akala ko ay nag walk out pero laking gulat ko nang biglang may humatak sa dulo ng buhok ko at pilit akong inilalayo kay Jace.
Buti nalang at mahigpit ang kapit namin ni Jace sa isa't isa. Nang magawa niyang tanggalin ang kamay ni Serina mula sa buhok ko ay pinuwesto na ako ni Jace sa kanyang likuran.
"This is supposed to be my engagement party. OUR ENGAGEMENT PARTY!" Nanggagalaiti niyang sigaw na nagpatigil sa lahat at mataman lamang kaming pinanood.
"Serina, stop. I don't care if what You planned for YOURSELF got ruined because of this. This celebration is for my 18th birthday. And I'll do what I want for tonight."
"I'll marry the girl I truly love and that will never be you." Tuluyang nagsisisigaw si Serina hanggang sa ang mga gwardya na mismo ang umawat sa kanya at inilabas siya mula sa venue.
Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang mapang-hamon na mga titig ng nanay ni Jace. Halata sa kanyang mukha ang galit at ang pilit na itinatagong emosyon.
Lumabas din ito mula sa loob at tuluyan nang nawala sa aking paningin.
"Are you alright?" Tanong bigla sakin ni Jace.
Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.
I felt relieved.
Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang naramdaman ko nang gawin sa akin iyon ni Jace.
Ramdam ko na tunay ang ipinapakita niyang pagmamalasakit.
Nginitian ko lamang siya ng bahagya at matamang tumango.
Inalalayan niya na ako pababa ng stage at dinala sa isang table sa gitna na malapit parin sa kinaroroonan ng entablado.
"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong muli ni Jace.
"O-Oo. Okay lang ako." Sagot ko nalang at nagbigay ng alanganing ngiti. Napabuntong hininga naman siya at kasabay noon ang pagsalitang muli ng host.
Trying to bring back the good atmosphere bago nangyari ang hindi inaasahang gulo.
Nabawasan ang kaba ko nang makita kong hindi na masyadong tumitingin sa amin ang mga naririto.
Pinaupo niya ako roon at nag utos sa isang waiter na dalhan kami ng pagkain.
"Mr. De Guzman." Sambit ko nang mapansin ko ang taong kaharap ko ngayon sa lamesa.
"I'm sorry for the inconvenience, iha. Are you okay?" Mahinahong sabi nito.
"Opo. Pasensya na po kayo kung nakagulo ho ako sa birthday celebration ni Jace——"
"Wala kang kasalanan. Don't worry too much iha, maaayos din ito. You have all the rights to be here. Now that you are going to be my future daughter-in-law. Congratulations for the both of you." Nakangiti nitong sambit sa akin. Ngumiti na lamang ako ng alanganin at tumango.
Alam kong alam din ni Mr. De Guzman ang kasunduan namin ni Jace. Kinausap niya rin ako tungkol rito. Pero bakit parang tanggap na tanggap niya ang lahat bilang isang malaking katotohanan?
Isinantabi ko muna ang mga bumabagabag sa aking pag iisip at pinagtuunan ng pansin ang ibinigay na pagkain ng waiter.
Even though I don't feel like eating anymore, I still managed to atleast take a bite for every dish infront me.
BINABASA MO ANG
Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017
Teen Fiction#Wattys2017 Paano nga ba maging isang good boy ang badboy? Is there any possibility? How about a nerd, into a princess? Magiging kapansin pansin kaya siya? Lahat naman ng tao ay may angking kagandahan. Hindi ibig sabihing nakilala nila tayo sa ganit...