H I - hit 33

1.2K 35 1
                                    


Jace's POV

Sa wakas at nailipat narin si Katrina sa isang private room.

She's currently unconscious. Kung titignan ay parang mahimbing lang siyang natutulog.

Hindi parin kayang pumasok sa sistema ko ang mga narinig ko kanina mula mismo sa mga bibig ni Steifen. He courted her, right? How come they've become siblings?

Nakapangalumbaba ako sa gilid ng kama ni Katrina. Naguguluhan ako. Isama pa doon ang naging approach ng doktor kanina.

Bakit hindi niya nalang sinabi samin doon mismo? Kung kinakailangan niyang kumausap ng interrelated kay Katrina, that only means one thing.. her condition is confidential. May sakit siya?

No. Hindi maaari.

Iwinaglit ko ang mga bumabagabag sa isip ko at naghintay nalang na pumasok dito si Steifen. I need to know something. Katrina would be my wife afterall. I'm responsible for my wife.

Napaangat ako ng tingin nang makaramdam ako ng kaunting pag haplos.

"Katrina.. ano.. may masakit ba sayo? Kamusta na ang pakiramdam mo? Teka, tatawagin ko lang ang doktor mo.." hindi na ako nakalakad paalis nang bigla niya akong hawakan.

"Ayos lang ako. Dito ka nalang." Tinignan ko pa siya saglit pero hindi ko rin natiis at naupo ulit sa tabi niya.

"Mas gusto kong nandito ka sa tabi ko." Sabi niya. She looks so helpless and pale. But managed to smile even a bit.

Hinawakan ko ang kamay niyang walang nakatusok na karayom.

"I won't leave. Mananatili ako kahit saan basta ikaw ang kasama ko." Pagpapanatag ko sa kanya. Ang munti niyang pagngiti ay napalitan ng mahihinang tawa.

"What's so funny?" Nangingiti ko na ring saad.

"You. The best known for being a badboy and our campus' heartthrob gave a very cheezy line." Sabi niya habang tinuturo ako at hindi parin tumitigil sa kakatawa.

I just laughed at her thought. Tama naman siya. Hindi ganito ang isang badboy. Pero kapag siya na ang involve, kahit ano gagawin ko mapasaya lang siya.

Sa kalagitnaanan ng pag uusap namin ni Katrina ay siya namang dating ni Steifen. Nauna akong tumingin sa kanya at nasilayan ko ang pagkaseryoso sa kanyang mukha. Pero nang mapaharap na si Katrina sa kanya ay napalitan ito ng ngiti na para bang napakadali lamang nitong magpalit ng damdamin.

"How are you?" Bungad niya kay Katrina.

Umayos ako ng upo sa stool at inobserbahan ang mga kilos ni Steifen. Kailangan kong makahanap ng butas para makausap na siya.

"I'm fine, thank you. Kayo lang ba ang nandito? Nasaan sila?" Sagot niya at pinalipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"We know you don't want them to get worried at you. But eventually, I'll let them know you're here." Bahagya lamang siyang nginitian ni Katrina. Lumapit siya kay Katrina at pinagmasdan ito ng mabuti habang wala ang tingin nito sa kanya.

Napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang humarap sa akin. His lips flattened and I know he's aware of what I'm intending to do.

I want the truth. And I want it now.







-----------------------------------------------

Pasadahan niyo muna si Author. Haha

Short updates muna ako. Hihi

At dahil bakasyon na, baka mas madalas na ang update ko. Ginaganahan na ako kasi nasa gitna na ako ng story. Hahaha yes gitna palang po ito.

Sana hindi kayo magsawang maghintay at basahin ang mga updates ko.

Tumatanggap po ako ng FAQ's kaya comment lang kayo guys!! I'll answer as much as possible.

Lovelots.

~L

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon