H I - hit 26

1.5K 42 4
                                    

Jace's POV

Nasa likod kami ngayon ng university. Kasama ko sina Aris at Ralph.

"That was a WOW. Ang galing niyong umarte. Kinilig ako!" Sambit ni Ralph na hindi mapigilan ang pagngisi.

They were also there. Even Ria and Alliana.

It was planned.

"Sige na Alliana." Pagpupumilit ni Aris.

"No. I can't." Sagot nito na nagmamatigas parin.

"Napaka arte mo talagang babae ka. Pumayag ka na. Wala namang mawawala sayo." Hirit naman ni Ralph. Isa pa tong ugok na to'. Mas lalo lang aayaw si Alliana.

"Bakit niyo ba kasi ako pinipilit? Para kanino ba?!" Sigaw niya.

"Its for Katrina. Mamaya na ang party kaya kailangan ko nang mag rush. You'll just buy her a simple but elegant dress na alam mong babagay sa kanya. And it must be color yellow." Paliwanag ko.

"Napaka demanding mo. Sino ka ba niya ha?! At isa pa, wala na akong oras para bilhan siya. Nakapagbitaw na ko ng salita sa kanya na ako ang mag aayos sa kanya mamaya."

"I'm going to send someone who'll do her make-up. Kaya magagawa mo nang bumili. This is the money." Sabi ko sabay abot sa kanya ng pera. Kinuha niya iyon pero bigla niya lang din binato sa bandang dibdib ko.

"I don't need anything from you, *ssh*les! If it wasn't for my bestfriend, I will never ever do you a favor." Sabi niya at mabilis kaming tinalikuran.

"Shut up." Sabi ko sa kanya. Mas lalo lang siyang natawa, hinayaan ko nalang.

"Acting lang ba talaga iyon? O tinotohanan mo na?" Tanong naman ni Aris.

"What if I say, its all true?" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanila.

Natahimik ang buong paligid namin at tanging paghinga ko lang ata ang maririnig.

"Is that true bro? Or are we just hallucinating? Com'on Ralph, wake me up." Aris

"Bro, nakatulog din ata ako. Wake me up too." Sagot naman ni Ralph.

Nang tignan ko sila ay pareho lamang silang natuod sa kinatatayuan nila at hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala.

"Sh*t. Com'on man. Tell us the truth." Aris demanded.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung tinotoo ko nga ba talaga ang pag p-propose sa babaeng yun.

Basta noong gabing iyon ay napuno ng saya ang dibdib ko nang sagutin niya ako. Inalis ko lahat sa utak ko ang salitang pagpapanggap at inisip kong kahit saglit ay maging totohanan ang gabing iyon. Ang pagkakataong iyon. Na hindi lang isang malaking kasinungalingan ang lahat.

Sa mga sandaling iyon ay nabuhay muli ang Alexander na matagal ko nang ibinaon sa limot.

My heart got purely broken the night she broke up with me. And that night was the last time I saw myself as the old Alexander. That is why I managed to make everyone call me Jace, in that way I could possibly move on from my past.

"Hindi kita mahal. Alexander, hindi kita minahal. Layuan mo na ako. I'm breaking up with you." Dere-deretso niyang saad.

Walang preno.

Sa sobrang sakit ay hindi ko na namalayan ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko.

This is the first time I cried over a girl. Over someone I truly love. Deeply love.

Hidden Identity [COMPLETED] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon