20-The Caileach

735 53 0
                                    

LINO'S POV

Nandito na kami sa kabundukan ng Villamore para sa misyon namin. Tinulungan naman kami ni Rob na makarating dito gamit ang portal na ginawa niya.

"Lino! Totoo bang enchanter ka talaga?" biglang tanong sa akin ni Bianca. Napalingon ako dito ng may pagtataka.

"Actually Bianca hindi ko pa din tlaga alam ang ibig sabihin ng enchanter." may alinlangang kong sabi sa kanya.

"Well, Lino, pag enchanter ka, it means you have the gift of attaching and detaching magic from anything or anyone." sabi ni Albert. Ah yun pala pag sinabing enchanter. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Ibig sabihin din non bunso, you have the ability to cast any spells from any element. Depende nalang sa mana mo and imagination mo." biglang singit ni Sean. Napangiti ako dito bilang tugon. Grabe naman sa bunso. Pero ang comfortable naman nung bunso niyang tawag.

"So basically pala lahat kaya mong gawin?" tanong ni Carlo. Napaisip naman ako sa tanong niya. Ganun ba ibig sabihin non?

"Actually hindi ko talaga alam Carlo e." sagot ko. Iimik pa sana ako nang biglang nagsalita si Troy.

"No, he can't." sabi ni Troy. "There are still underlying limitations sa isang Enchanter. Such as resurrecting someone who was already dead and other things alike that can alter the balance of life and death." dagdag niya. Napatingin ako dito.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Hindi pa rin pala namin kasama si Sophia kasi hindi pa din siya magaling sabi ng healer. Sana gumaling na siya at matapos na itong misyon na ito. Naagaw naman ang atensyon namin ng biglang nagsalita si Sean.

"May idea na ba kayo kung paano naten makikita yung kristal? Ang sabi lang sa atin, ito ang lokasyon pero walang sinabing kung saan dito." Tanong ni Sean 

"Let's use your magic, Sean. Pati ikaw Albert. Use the vibrations of air and earth para mahanap yon." sagot ni Troy. No doubt isa siya sa pinakamagaling na strategist dito sa group. Parang lahat alam din niya.

Nagconcentrate naman sina Albert at Sean. Nakita kong naglalabas sila ng energy. Ang ganda ng aura nila. Lumingon naman ang mga ito kay Troy at umiling. It means wala silang nakita.

"Tutulong din ako!" pasigaw kong sabi at nagtaas pa ako ng kamay. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa ginawa ko.

"Ang cute mo talaga, Lino! Hahaha!" sabi ni Bianca. Okay heto na naman po sila. Aasarin na naman nila ako.

Tinignan lang ako ni Troy at tumango. Yes! Payag siya. Kaagad kong pinikit ang dalawa kong mata at nagcast ng enchanments sa kalawakan. Minulat ko ang mga mata ko at nakikita ko na ang lahat mula sa himpapawid. Hinanap ko ang kristal na pinakita sa akin ni Lola Ellah gamit ang mata sa kalawakan pero wala naman akong nakita.

Kung hindi ko makita sa himpapawid, baka matulungan ako ng mga mata ng mga hayop dito sa lupa at lupa mismo. Binuka ko ang aking mga braso at itinuon ng mas maigi ang aking kanang paa.

TROY'S POV

This kid can do a lot. Ngayon, he is trying to search the crystal using his magic. Naglalabas ng liwanag ang mga palad nito habang nasustain niya ang mata sa kalawakan. I sense na nagbago rin ang amount ng magic sa paligid at sa lupa. Amazing!

Maya-maya lang, napansin kong nag-iiba ang kulay ng mga mata ni Lino. Ang kanang mata nito ay nagiging combination ng black and red. What's happening?

"Shit Lino!" sigaw kong sabi dito. Tumakbo ako dito palapit at hinawakan ang dalawa nitong balikat at niyugyog.

"Whats happening, Troy?" pasigaw na tanong ni Albert. Naramdaman ko namang nagsilapitan sila samin ni Lino.

"Fuck I don't know!" sagot ko dito. Hinawakan ko ang ulo nito gamit ang dalawa kong kamay at sinubukang basahin ang isip nito. But still, bigo ako.

This is the first time I've seen such thing. Anong gagawin ko? Anong gagawin namin?

LINO'S POV

Nakikita ko lahat pero wala pa ring kristal na sinasabi ni Lola Ellah. Ititigil ko na sana ang magic ko ng makaramdam ako ng ibang enerhiya. Para ako nitong hinihigop hanggang sa magdilim ang aking vision. Sa isang iglap lang, napunta ako sa isang lugar.

"Hello! Troy! Asan kayo?" sigaw kong tanong.

"Ikinagagalak kong makita ka, Lino" sabi ng isang tinig. Hinanap ko kung saan ito nagmumula.

"Nasan ka! Sino ka?" sigaw ko. Dahil wala akong makitang ibang tao dito. Mula sa alikabok mula sa lupa na dinadala ng hangin paitaas ay naging matandang babae ito. Tumingin ito sa akin.

"Ako ang Caileach, ang gatekeeper sa spiritual realm. Sa palagay ko makakatulong ako sa iyong problema." sabi nito sa akin.

"Hinahanap ko ang kristal. Yung Phoenix's eye po kung tawagin." magalang na sagot ko dito.

"Bakit niyo ito hinahanap?" tanong nito sa akin.

"Sabi po sa amin, kailangan po namin itong sirain upang mawala ang sumpa sa Villamore at hindi ito magamit sa kasamaan." sagot ko dito.

Napatawa siya sa aking tinuruan. Bakit siya natatawa?

"Walang sumpa sa Villamore. Ang nangyayari lang ay pinalalabas lang nito ang tunay na kulay ng mga tao sa bayang ito. Kung masama ka, magiging permanente kang masama at gagawa ka ng masama habang buhay." sagot niya. Nagulat ako. Ibig sabihin, mali lahat ang pagkaka-alam nila tungkol sa kristal.

"Ano pong gagawin namin sa bagay na yon?" sunod kong tanong. Napatawa ulit ito sa aking sinabi. Mali na naman ba?

"Bagay? Hahahaha! Ano ang gagawin niyo sa tao na yon." sagot niya. Ano? Tao? Akala ko ba kristal?

"Bakas sa mukha mo ang pagtataka. Ang lugar kung nasaan kayo ng mga kaibigan mo ay sagrado. Kilala mo ang Phoenix. Nakasalamuha mo na siya. Nakausap." sagot niya at biglang nagsnap ng daliri.

"T-teka may tan- ahhhhhhhhhhh!" sigaw ko dahil bigla nalang ulit ako hinigop ng kung ano. Idinilat ko ang aking mga mata.

"Lino!!" sabay sabay nilang sigaw sa akin. Pero mas nagulat ako dahil sa yakap ni Troy sa akin. Ang sarap sa pakiramdam.

--------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now