LINO'S POV
"Bakas sa mukha mo ang pagtataka. Ang lugar kung nasaan kayo ng mga kaibigan mo ay sagrado. Kilala mo ang Phoenix. Nakasalamuha mo na siya. Nakausap."
"Yan lang ang mga clue na sinabi niya sakin." sabi ko sa mga kasama ko ngayon na seryosong nakikinig sa akin.
"May ideya ka na ba Troy? Usually ikaw ang nakakasagot sa ganyang bagay." sabi ni Albert. Lumingon naman si Troy dito at bumaling muli sa akin.
"Realtalk. Wala. Because the riddle is not meant for us, but for Lino." sagot niya. Napatingin naman ang lahat sa akin. Kahit ako nagulat sa sagot niya. "If you guys listened very clearly, nakausap na ito ni Lino, that by itself is a clue." dagdag niya. Lumingon muli ito sa akin at pinuntahan ako.
"Lino, listen to me. Look closely of what had happened these past few days and surely makakakuha tayo ng clue." mahinahon nitong sabi sa akin. I know hindi ko dapat ito iniisip pero habang natingin ako sa mata ni Troy, parang nahihipnotismo ako.
Bumalik agad ako tamang pag iisip at ginawa ang sinabi ni Troy. Sagradong lugar. Nakausap ko na. Isip Lino. Isip!
Huh? Bakit hindi ko ito agad naisip. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at naging kampante. Actually lahat kami.
"Alam ko na." sabi ko sa mga ito. Nagliwanag naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko. Bakas ang galak sa mga mukha nila.
"Talaga? So ano? Paano? O sino?" Sunod sunod na tanong ni Sean sa akin. Seryoso lang akong tumayo at naglakad. Pinalutang ko ang isang kahoy at pinatalas na parang isang kutsilyo. Hinawakan ko ito. Nagtaka naman ang mga kasama ko. Lumingon naman ako sa mga ito.
"Sabi ng Caileach, sagrado ang lugar na ito. Ibig sabihin lahat ng sagradong lugar ay may kapalit na sakrisipisyo." sabi ko. Ibinuka ko ang aking kaliwang palad at gamit ang aking kanang kamay ay hiniwa ko ito nang malalim. Dumaloy ang madaming dugo mula sa aking palad. Nag-alala naman ang mga kasama ko.
"Lino! Fuck! Ano ba?" seryosong tanong ni Troy. Tinignan ko lang ito nang seryoso. Sinagot ko ito.
"Para makakuha ng daan sa isang sagradong lugar, lalo na kung ito ay kuta ng kalaban, kailangan manghina ang nagbabalak." sabi ko dito. Pinalakas ko pa ng daloy ng dugo.
"I call upon, ELLAH" malakas kong sigaw. Bakas sa mukha ng mga kasama ko ang bigla.
"Ano? Si Tandang Ellah?!" halos sabay-sabay nilang sagot sa akin. Maya-maya pa ay lumiwanag sa harapan at inilabas si Lola Ellah.
"Binabati ko kayo mga bata. Hindi ko inaasahang mabilis niyong matutuklasan ang lihim ko." sabi ni Lola Ellah.
"Kung ganon, Tandang Ellah, ikaw ang Phoenix?" sabi ni Albert. Ngumisi lang si Lola Ellah sa narinig niya. Lahat naman kami ay naghihintay ng kasagutan. Humugot muna ito ng hininga bago nagsalita.
"Bakit hindi natin tanungin si Lino?" sagot niya. Seryoso ko lang siyang tinignan. Ramdam ko ang kaliwa kong kamay na sobrang manhid na.
"Siya ang Phoenix." sagot ko dito. Napapalakpak lang si Lola Ellah sa mga nabanggit ko.
"Pero di ba ibon yon? Bakit siya naging tao?" tanong ni Bianca.
"Dahil ang sumpang binigay ni Poneros ay gawing tao ito. Kaya nung naging tao ang natitirang Phoenix, nakisalamuha ito sa mga tao at nakita na ang tao ay may mga masasamang hangarin sa iba. Kaya kanyang inilalabas ang masamang hangarin na ito sa mga tao. Kaya nagbabago sila na dating mabait, ngayon masama na." mahabang sabi ko dito.
"Kelan mo pa nalaman?" tanong ni Lola Ellah.
"Nung ipakita mo sa akin gamit ang iyong isipan ang mga kakayahan ni Helena. Ang kasama lagi ni Helena na lumaban ay ang kanyang Phoenix tama ba? At ang Phoenix lang ang tanging may alam non." sabi ko. Napangiti ang matanda.
"Magaling! Napahanga ako ng isang baguhang Enchanter. Hindi ko ito inaasahan." sabi niya.
"Excuse me pero sa palagay ko hindi tama ang ginawa mo Tandang Ellah. Mali na pilitin mong gawing masama ang isang tao na nagdadalawang isip palang." sabi ni Troy.
"At bakit naman? Hindi ba't don din naman ang punta non? Bakit naman iyon naging mali iho?" turan ng matanda. Sa totoo lang may point si Lola Ellah pero.
"Let them choose. Its all about choices. You forced them sa ginawa mo. In that case, you are the real culprit of all these mess!" sabi ni Troy.
"Oh? Anong plano niyo ngayon? Hulihan ko?" mapang-asar na tanong ni Lola Ellah. Bigla namang may kidlat na tumama kay lola ellah pero nakaiwas agad ang matanda.
"Minamaliit niyo ata ako? Hindi ako basta matanda lang. Adsumo Fenix" sabi ng matanda. Umilaw naman ang matanda at nagi itong parang isang Fire Warrior. Mas naging bata rin ang itsura nito. Nababalutan siya ng itim na kasuotan na may mga pulang tela.
Nagulat kaming lahat. Hindi namin inaasahan ang ganitong pangyayari. Napakainit ng inilalabas nitong enerhiya. Mas malakas pa sa apoy ni Sophie.
Sabay sabay na susugod na kami ng umatake na agad si Lola Ellah. Sa isang kumpas ng palad niya, tumilapon ang mga kasama ko ng walang kahirap hirap. Nagawa din niya itong ikulong sa isang fire forcefield.
"Gusto ko sanang kami nalang ng batang Enchanter ang magharap." sabi ni Lola Ellah. Naglabas ng isang bolang apoy si Lola at ibinato sa akin.
Fire resistance on. Banggit ko sa isip ko. Walang epekto ang atake sa akin ni Lola Ellah. Nagulat ito bahagya. Ikinumpas ko ang aking kamay at may napakalakas na pwersa ng hangin at tumama sa Phoenix Warrior (Lola Ellah). Kahit nasalag niya ito ay tumilapon pa din ito.
"Natutuhan mo agad ang mga pinakita ko sa iyong mahika ni Helena." sabi ng Warrior habang pinapagpagan ang sarili. "Pero imortal ako. Mythical and legendary creature." sabi niya at itinaas ang kanyang kanang kamay. Naglabas ito ng isang Spear.
Paano na ako ngayon? Isip Lino. Isip.
------------------
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...