18-The Phoenix's Eye

794 56 0
                                    

Lino's POV

"Helena" sabi ng tinatawag nila na Tandang Ellah. Hindi bumuka ang bibig pero naririnig ko siya. Teka.. telepathy?

"Tama ka. Kamukang kamuka mo siya. Kamukang kamuka mo si Helena." sabi nito gamit ang isip. Sinong Helena ba ang tinutukoy niya? Yung bayani bang si Helena?

"Ahm Tandang Ellah. Hello!! Andito po kami!" biglang sabi ni Rain. Naputol ang usapan namin ni Lola Ellah. Lola na itatawag ko sa kanya. Medyo nababastusan kasi ako sa Tandang Ellah e. Hehez.

"Ah ikaw pala yan iho. Sino ba itong mga kasama mo? Tama ba ang rinig ko? Sila yunh tutulong sa atin?" marahan na banggit ni Lola Ellah. Bakas sa boses nito na may edad na talaga si Lola.

"Opo Tandang Ellah. Eto po si Troy, Bianca, Sean, Albert, Carlo, at Lino." pagpapakilala ni Rob sa amin habang isa-isa kaming itinuturo. "May kasama pa po sila Tandang Ellah. Sophia po ang pangalan kaso nasugatan sila ni Aldwin sa laban kanina." dagdag nito. Tahimik namang nakikinig si Lola Ellah. Iminulat niya ang mata at tumingin sa amin ng seryoso.

"Maiba tayo Tandang Ellah. Sino po ba yung gustong pumatay sa amin? At ano pong nangyari sa bayan na ito?" magalang na tanong ni Sean sa matanda. Tumingin naman ito kay Sean at nagsimula nang magkwento.

"Iho. Labinlimang taon nang nakakaraan nang matagpuan ko ang isang crystal na kung tawagin ng mga sinaunang salamangkero ay Phoenix's Eye. Nung araw, ang mga mata ng Phoenix ay naglalabas ng luha na kayang alisin, hilumin, at pagalingin, ano mang karamdaman o sugat, gaano man kalala o kamandag." sabi ni Lola Ellah. "Nung kukunin ko na ang bato, lumiwanag ito at naglabas ng itim na enerhiya. Sinubukan kong pigilan ang paglabas ng enerhiya gamit ang aking mahika ngunit natalo lamang ako. Labis na naapektuhan ang pamumuhay ng mga tao dito. Sabi ng mga eksperto sa mahika, ito ay kapangyarihan ni poneros upang hindi na muling magamit ang mga matang ito sa pagpapagaling ng kahit anong karamdaman." dagdag ng matanda.

"Hindi po namin maintindihan Tandang Ellah." sabi ni Albert. Natawa naman si Lola Ellah.

"Ibig sabihin iho, pinuno ni Poneros ng itim na mahika ito upang kung sino mang magtatangka gamitin ito ay malalagay sa alanganin. Kung ano man yon ay hindi pa rin namin mawari." sabi ni Lola Ellah.

"Eh sino po yung mga gustong pumatay sa amin Tandang Ellah" rinig kong tanong ni Carlo kaya lahat ng atensyon namin ay nasa kanya.

"Sila? Mga myembro sila ng tulisan. Nais nilang makuha ang Phoenix's Eye para pagkakitaan at pag-aralan na rin kung paano nila ito magagamit." sabi ni Lola Ellah. Grabe papatay pala talaga ang mga yon para doon sa kristal na yon. "Masaya ako at natalo niyo ang mga masasamang budhi na iyon." sabi ni Lola Ellah.

"Excuse me? Pero bakit kasama ng mga tulisan na yon ang dalawang ugok na yan?" sabi ni Troy sa seryosong boses. Kahit kelan talaga to saksakan ng sungit. Pwede naman siya mag po at opo no.

"Isinama sila para mabilis ang paglalakbay. Pero dahil alam naming may tulong na dadating dahil humingi kami ng tulong sa konseho, kaya doon nila sila dinala kung saan kayo naglalakbay." sabi ni Lola Ellah. Pero wala man lang nagbibigay linaw sa mga sinabi ni Lola Ellah kung ano talaga ang gagawin namin dito.

"Ah Lola Ellah, mawalang-galang na ho pero sa paanong paraan po ba kami makakatulong sa inyo?" sabi ko. Nagulat ako ng lahat naman ng atensyon nila nasa akin. Bakit pati pag galaw ng ulo nila sabay-sabay. Weird.

"Apo. Napakagalang mong bata ka. May naalala ako sayo. Dalawang paraan apo kung paano ninyo kami matutulungan—una wasakin ang bato at pangalawa, alisin ang dark magic sa bato." sabi ni lola. Ano? Paano naman namin yon gagawin? At yung pangalawa, alisin ang dark magic? Papano?

"Pero isang high enchantress/enchanter lang po makakagawa non Tandang Ellah." sabi ni Rain. Napapikit ng mata si Tandang Ellah.

"Alam ko." seryosong sagot ni Tandang Ellah.

"I'm sorry pero wala nang ganong magic na nag-eexist ngayon." sabi ni Troy. Tumingin naman ito sa amin ng seryoso. "So we have no choice left but to destroy the crystal." seryoso niyang sabi. Iba talaga si Troy. Yung leadership niya damang-dama. Tapos ang cute pa. Anu ba yang iniisip ko. Feeling ko namumula na naman ang mukha ko.

Nagsitanguan naman ang mga kasama ko. Napatingin ako kay Lola Ellah na parang malalim na nag-iisip.

"Lino, iho. Maari ba kitang akapin apo? May naalala lang talaga ako sayo." sabi ni Lola Ellah. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Tumango na lamang ako bilang sagot.

Lumapit ako dito. Una niyang hinawakan ang aking ulo gamit ang dalawang kamay. Ramdam kong may mga nangyayari sa utak ko at may mga imahe ako na nakikita.

"Ito ang itsura ng Phoenix's Eye. Kakailangan niyo yan sa inyong paglalakbay." sabi nito sa aking isip.

Niyakap niya ako. At kumalas din naman agad sa aming yakap. Nagtama ang aming mga mata. Bumalik ako sa dati kong pwesto, katabi ni Troy.

"Kung gayon, dadalhin kayo ni Rob sa lugar kung nasaan ang phoenix's eye. Mag iingat kayong mabuti. Kahit anong mangyari, wag niyong hahawakan ng inyong kamay ang bato. Lagyan ninyo ito ng sapin. Naiintindihan niyo ba ako?" sabi ni Lola Ellah.

"Opo Tandang/Lola Ellah." sabi namin nang sabay-sabay.

"Sa ngayon, magpahinga muna kayo at ipapatawag ko kayo pag kakain na. Ihahatid kayo ni Rob sa inyong magiging silid. Bukas na bukas din ay aalis kayo kasamas si Rob at Rain." sabi ni Lola.

Omyghaad! Makakapagpahinga rin. Sana okay na din si bestfriend ko. Dadalawin ko muna siya bago magpahinga.

Pero ano yung mga bigla kong naiisip na spells? Sumakit lang lalo ulo ko.

-------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now