36 - Confession

695 40 0
                                    

Lino's Point of View

"So Lino, totoo ba talaga ang mga sinabi mo kay HM?", hindi parin makapaniwalang tanong ni Sean sa akin. Naiintindihan ko naman na mahirap talaga paniwalaan ang mga sinabi ko e. Pero yun talaga ang mga nakita ko. 

Tumango ako at biglang pumikit dahil naramdaman kong nananakit na naman ang ulo ko. Naramdaman ko namang may humawak sa may likodan ko kaya idinilat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino. Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Sino pa nga ba ang ibang gagawa noon kundi si Troy. 

Inalalayan niya akong sumandal sa headboard ng higaan. "Are you exhausted already? Uhm, pwede pa ba ako humirit ng isa pang tanong?", sabi ni Troy. Muli akong tumango bilang tugon. 

"Kanina while we are fighting. I saw your eyes turned into scarlet-black color. Ikaw pa rin ba ang nakalaban ko kanina?", nag-aalalang tanong nito sa akin. Honestly, I am confused. I am aware that we are exchanging blows pero minsan, its like my body has it's own mind. 

"Sa totoong lang Troy, habang naglalaban tayo kanina, alam ko na kalaban kita pero.. pero minsan parang may sariling buhay ang katawan ko.. Umiiwas ito ng kusa sa mga atake mo..", sinsero kong sagot dito. Kumunot naman ang mga noo nila sa mga sinabi ko. "Seryoso promise!", sagot ko ng may pagtaas pa ng kamay ko bilang pagtanda na hindi ako nagsisinungaling. 

Nakarinig naman ako ng mga tawa mula sa kanila. "Hahaha! Ang cute mo talaga Lino.", sabi ni Bianca sa akin. Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Napansin ko namang nakatingin lang sakin si Troy na parang natutuwa siya sa nakikita niya. Kaya tinaasan ko ito ng kilay pero isang ngisi lamang ang tugon nito sa akin. 

"Mag gabi na ulit bessywap. Maiwan ka na muna namin dito ah? Kailangan na naming bumalik sa dorm namin.", biglang singit ni Sophia sa akin. "Pero pede namang si Carlo ang mai-..", napatigil si Sophia sa pagsasalita ng sumingit si Troy sa usapan. "Ako na ang magpapaiwan dito.. ako na ang magbabantay kay Lino.", sagot ng huli na ikinagulat ko. Seryoso? Siya magbabantay? Wala ba siyang nakain na kung ano? 

Napalingon naman ako kina Sophia at Bianca na nakangisi sa amin. Pansin ko ding natatawa ang mga lalaking mages sa inasal ni Troy. 

"O siya sige lovebirds. Hahah! Maiwan na muna namin kayong dalawa.", asar ni Albert sa amin. "Hindi nga kami lovebirds!", sigaw ko dito dala na din ang sobrang hiya. Nagtawanan naman ang mga ito habang papalabas ng pinto ng infirmary. Pero si Troy, parang natutuwa pa siya sa mga naririnig niyang kutya ng mga kaibigan namin.

"Hindi ka ba naiilang na inaasar tayo ng mga kaibigan naten?", kyuryoso kong tanong dito na ngayong nag-aayos ng kanyang upuan.  Tumingin naman ito sakin at sumeryoso ang mukha. "Bakit, ayaw mo ba?", tanong nito sa akin habang di inaalis ang kanyang tingin sa mga mata ko.

"Anong ibig mong sabihin sa "ayaw mo ba"?", paglilinaw ko dito. Mahirap kasing inaasar kami laging dalawa. Lalo akong na-fafall sa kanya. Lalo na sa mg gestures niya na sobrang concern sa akin. Feeling  ko kasi ang special ko lagi. Ayoko namang bigyan ng maling interpretasyon ang aksyon niya sa akin. Ayaw ko din mag-assume. 

"Ayaw mo bang maging tayo?", diretsong tanong niya sa akin. Hindi naman ako naka-react sa sinabi niya. Parang nawalan ako ng irereply dito. Nanunuyo din ang lalamunan ko dahil sa narinig ko. "Ahem, hindi  naman sa ayoko pero kasi..", naputol ako sa sasabihin ko dahil bigla rin siyang nagsalita. "Edi gusto mo din maging tayo.", biglang sabi niya. Bakit ba parang ang presko nung pagkakasabi niya non?

Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. "Paano mo naman nasabing gusto ko din?", tanong ko dito na medyo naiinis. Pero bakit ba ako naiinis? "Kasi kung ayaw mo sasagot ka ng simpleng 'hindi' kaso ang dami mo pang dahilan e.", seryosong tugon niya sa akin. 

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga no? Ang stupid ko din talaga minsan. Haha! Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya tumingin nalang ako sa ibang direksyon maiwasan lang ang mukha niya. Binalot kami ng katahimikan pero  nabasag iyon dahil muli itong nagsalita. 

"Gusto kita, Lino.", malakas na sabi nito kaya napalingon ako. Paulit ulit na rumerehistro sakin ang mga salitang 'Gusto kita, Lino'.  "A-anong sabi mo, Troy?", nag-aalangan kong tanong dito dahil baka mamaya epekto lang ng aking sakit sa ulo at nakakagawa na ito ng ilusyon sa aking pandinig. 

"Sabi ko gusto kita. 'I like you' in English.", banggit nito na may halong ngiti. Alam ko naman kung ano yon in English. Grr. T-teka hindi talaga ako nananaginip sa mga naririnig ko. Kumabog nang malakas ang aking dibdib. "S-seryoso ka ba dyan, T-troy.. Kasi kung nagbibiro ka, s-sabihin mo na agad, hehe.", awkward kong tanong na kinaseryoso ng mukha niya. 

"Mukha ba akong nakikipagbiruan? Gusto kita, Lino. Totoo yan. Not a joke. Hindi april fools.", sunod-sunod nitong tugon sa aking tanong. Napa-awang naman ang bibig sa lahat ng naririnig ko. T-totoo nga..

"Pero kasi Troy, parehas tayong lalaki.. B-baka lokohin ka nila or pagtawanan nang dahil sa a-akin.", malungkot kong tugon sa kanya at napatungo. Alam naman how harsh the world is when it comes to same-sex relationship.

"Who gives a damn? They can talk all the time if they want to. If yun yung happiness nila, then we give it to them. But I also want my happiness too, and that's to be with you. I don't care if they think its not normal. If they reject the idea, then I'll reject them too.", ang sabi niya halos ikatulo ng luha ko. Napansin niya naman yon at agad na pinunasan ng kanyang mga daliri ang mga mata ko. 

"Don't cry, sunshine.", may pag-aalala niyang tugon sa akin. I can't help it but cry. Yun pala yung feeling na crush ka ng crush mo. Yung feeling maririnig mo na crush ka din niya. Ganito pala yun. I don't know if its normal to cry when someone confessed to you.

"H-hindi lang ako sanay, T-troy. Ito pala yung pakiramdam non. Gusto ko din sana maranasan maligawan.", walang kwenta kong sagot sa kanya. Gosh. Bakit ko ba nasabi yon? Pwede bang rewind. Kakahiya. Gamitan ko kaya ng magic. Huhu.

"I'll court you then.", sabi nito. "I'll start now.", dagdag nito. Sumampa ito sa higaan ko at nahiga na parang kanya itong higaan. "A-anong ginagawa mo? H-higaan ito ng pasyente hindi ng nagbabantay.", sabi ko dito.

"Ganito ako manligaw. Parang lightnig, mabilis.", kaswal na tugon nito sakin. Iniunat naman niya ang kanyang braso. "Kulang ang unan. Dito ka nalang umunan sa mga braso ko.", dagdag niya na nagpakurap sa mga mata ko ng ilang beses. Napansin naman niyang natulala lang ako kaya hinila niya ako at ini-unan ang ulo ko sa braso niya. 

Ramdam ko ang hininga niya sa aking ulo. Nilaro pa nga ang buhok ko bago nagsalita. "You need to rest, sunshine. I am unease when you're not well.", sabi niya at hinalikan ang aking ulo. Yumapos naman ako dito at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Narinig ko pa siyang natawa. 

Ang sarap sa pakiramdam. Sana akin na talaga siya. Pero isa lang ang masasabi ko. Totoo yung wishing star. At tuluyan na akong nakatulog. 

-------------------------------------------------------------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now