Third Person Point Of View
Nag uusap sina Lucius sa tagong parte ng kaharian upang simulan na ang kanilang panalo.
"Everything is going according to plan.", nakangising saad ni Lucius. "Outsiders are even allowed to join the first part of the competition.", dagdag niya.
"We'll join the game?", tanong ni alanis habang nakamasid sa arena. Lumingon naman si Lucius sa arena at excited na sumagot "Yes, we are."
"We'll change our look so that no one will ever notice our identity.", saad ni Axel.
"This is the end of you.. Lino", Lucius muttered excitedly habang masamang nakatingin sa binata.
Lino's Point of View
"Para sa ating first level ng paligsahan, tatawagin nating itong The Nowhere!" sigaw ng host. Ang odd naman ng name ng level na ito. I wonder kung ano ang mangyayari dito.
"Para sa paligsahan na ito, ang mga Class S Mages and Royalties ay hindi pinahihintulutan na sumali dahil pribilehiyo na nila ang awtomatikong makapasok sa susunod na round. Ang The Nowhere ay isang survival game. Pero may twist dito sa game na ito dahil ang inyong kakalabanin ay ang inyong greatest fear.", paliwanag ng host. Kita naman ang kaba sa bawat manunuod sa arena.
Greatest fear? Ano kaya ang sa akin. Mukhang mahirap nga ang laban na ito.
"Magsipunta na sa sentro ng arena ang mga nais lumahok sa patimpalak na ito!", masayang sigaw ng host.
Naramdaman ko namang may pumisil sa kanang kamay ko.
"Pano ba yan? Hindi pa pala kami pwede sumali sa patimpalak na ito. Gagalingan mo ha?", malambing na paalala sa akin ni Troy. Hinalikan din naman ako nito sa noo kaya lalo akong ginahan sumali.
"Oo naman! Para sa iyo.", nahihiya kong banggit dito dahilan para matawa ito nang mahina.
"Tara na?", sabi ni Carlo. Tumango naman ako at nag teleport kami sa sentro ng arena.
"Good luck sa inyong dalawa, beshy at carlo!", suporta sa akin ni sophia.
"Goodluck sa inyo!", sigaw ng iba na naming mga kaibigan.
Ilang saglit lang at naramdaman ko ang pamilyar na presensya. Andito sila? Nagpalinga linga pa ako para hanapin kung kanino nang gagaling ang mahika na yon.
"Anong nangyayari sayo, Lino?", takang tanong ni Carlo sa akin. Luminga linga rin ito sa paligid bago nagtanong ulit, "Sino bang hinahanap mo?"
Sasagutin ko sana siya nang muling magsalita ang host.
"Handa na ba kayo?!!", napuno ng sigawan ang buong arena bilang pag sang-ayon.
"Mapupunta na kayo sa Nowhere in
3
2
1!!", sigaw ng host.
Biglang naglaho ang arena at napalitan ang ingay ng katahimikan at kadiliman. Sobrang dilim dito na parang gabi. Inikot ko mga mata ko sa paligid at sa palagay ko, nasa kagubatan ako. Pero parang may mali dahil lahat ng puno dito ay wala ng buhay.
Naglakad lakad ako sa lugar pero wala pa din ako nakita kahit sino. Kahit ang kaibigan kong si Carlo.
Maya maya lamang ay may lumitaw na itim na usok sa aking harapan. Bumubuo ito ng hugis tao at nang matapos ito ay nakita ko ang pigurang nakaitim na cloak at may itim na mata. Damang dama ko ang malakas na enerhiyang taglay nito.
Base sa enerhiya niya, isa siyang dark magic user pero iba pa din. Hindi normal ito. Napakalakas nito.
"Hindi pa ako pormal na mag papakilala sayo dahil hindi pa ito ang panahon. Ngunit masaya ako dahil kahit na hindi mo pa ako kilala ay nanatili ako sa iyong isipan.", sabi nito.
"Hindi ko naiintindihan kung bakit kita naging greatest fear knowing that I don't know you. Pero I'll make sure that I can surpass you.", determinado kong sagot dito. Nginisian lamang ako nito.
Maya maya ay nagbago ang timpla ng paligid. Tumaas ang magical energy, at ang taong kaharap ko ngayon ay nababalutan ng malakas na itim na eneherhiya. Alam kong mahihirapan ako dahil malakas ang mahikang taglay nito.
Inihanda ko ang aking sarili at inilabas ang aking tungkod. Naging alisto akong mabuti sa kung ano man ang gagawin ng nilalang na ito sa akin.
Third Person Point of View
Naagaw naman ang atensyon ng lahat ng manunuod, lalong lalo na ang Royalties, Lumen Academy Faculties, Magic Council, pati na ang Hari sa kung ano ang nangyayari sa Lugar kung nasaan si Lino. Napatayo silang lahat at gulat na gulat sa nangyari.
"Hindi ba naten ihihinto ang labanan na ito?", tanong ni HM Samantha sa Hari. Bakas ang kaba sa mga mata nilang lahat.
"Hindi sapagkat nagsimula na ito, Samantha. Kailangan lang natin maging alisto nang sa gayon, sa oras na nasa panganip na ang batang iyon, dadalhin naten siya pabalik dito.", mahinahong saad ng Hari.
"Hindi pa ba sapat ang presensya ng kalaban niya?! Alam naman nating lahat kung sino siya Mahal Na Hari!", pabalang na sagot ni HM Samantha.
"Huminahon ang lahat. Maghintay lamang kayo ng aking utos.", utos ng Hari. Wala ng nagawa pa ang Headmistress dito.
Di alam ng mga opisyales na ito na napansin ng mga Class S Mages ang kaguluhan nila. Hindi tuloy mapigilan ni Troy at ng mga kaibigan niya na mag alala para sa kanya nobyo.
Sa kabuuan ng screen, makikita ang iba't ibang kinatatakutan ng mga kalahok: may ahas, dragon, mga tao mula sa kanilang mga nakaraan, werewolves, vampires, giant, trolls, at marami pang iba.
Sa kabilang banda, nasa isang nagyeyelong lugar naman ang Ice Wizard na si Carlo upang harapin ang dagok ng kanyang nakaraan.
Carlo's POV
Tama ang hinala ko na ikaw ang kakaharapin ko sa laban na ito. Ang demonyong likha ni Poneros na siyang kumitil sa buhay ng aking ama - si Gorgon.
Lumikha ako ng napakaraming ice spikes upang patamaan ito. Pero gaya ng inaasahan, napakabilis nito kumilos at mabilis na naiwasan ang aking mga atake.
"Hahahahahaha! Nakikipaglaro ka ba Ice Wizard? Pwes ihanda mo ang sarili mo dahil kaluluwa mo na ang aking isusunod!", sigaw nito sa akin.
Matagal nang natalo ang nilalang na ito ng aking ama pero alam kong madaming makakapangyarihang mages ang nasawi sa laban na ito.
Sana kayanin ko malagpasan ang bangungot na ito!
-------------------------------------------------------
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...