40 - A Day Before The Magic Festival (P2)

650 41 0
                                    

Lino's POV

Andito kami ngayon sa sentro ng Etherios. Madaming mga nagtatayo ng kanilang mga paninda para sa gaganapin na Magic Festival bukas. Kasama ko ngayon si Troy at nag iikot ikot kami kung saan kami maaaring pumunta. 

Habang naglalakad kami, ramdam kong hinawakan ni Troy ang aking kamay kaya ako napalingon dito. Pinamulahan naman ako ng tignan ako nito at ngitian. Malaki ang kamay ni Troy. Pero kahit ganun, napakalambot nito.

"Get used to it.", biglang sabi niya. Nangunot naman ang aking noo dahil hindi ko agad nakuha ang gusto niyang iparating.

"Huh? Saan?", takang tanong ko dito.

"Holding hands. Masanay ka na. Gusto ko lagi kong hawak ang mga kamay mo pag magkasama tayo.", sagot nito kaya nag-init lalo ang mukha ko. 

"B-bakit naman?", tanong ko. Ang walang kwenta ng tanong ko. Huhu. Wala na kasi akong maisip dahil sobra akong kinikilig sa mga pinag-gagagawa ng unggoy na ito.

Huminga naman ito nang malalim saka nagsalita. "Para alam nila na akin ka na.", sagot niya sa akin kaya ngumiti. "Para wala nang mang-agaw sayo.", dagdag niya. Suskoooo! Mahabagin bat parang ang daming baon nito ngayon. Huhu.

"Ah, Ha-ha. Nag saliksik ka ba ng mga salitang magpapakilig sa nililigawan mo?", nahihiyang tanong ko dito. Napaisip naman ito bago sumagot.

"Sinasabi ko lang kung anong nasa isip ko.", kaswal na sagot niya. "Uhm, should I search for such things ba?", sunod na tanong nito kaya nanlaki ang mata ko. Makikitaan mo ng pagka-inosente ang paraan ng pagtatanong niya. Parang wala siyang kaalam alam na magaling siya magpakilig.

Bigla nalang kami natawa parehas. Hahahah! Bat naman kelangan pa niya mag research sa mga bagay na yon e parang natural lang naman sa kanya ang pagpapakilig. I'm so happy na nakikita ko ang ganitong side ni Troy. Ako lang at wala nang iba. 

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakakita kami ng isang tindahan ng mga accessories.

"Ale, magkano ho itong kwintas?", magalang na tanong ni Troy sa matandang nagtitinda. Napatingin naman ang matanda sa amin lalo na sa mga kamay namin ni Troy. Ngumiti siya nang malaki bago sumagot.

"Para ba sa kasintahan mo, iho?", tugon ng matanda. Tumingin si Troy sa akin at pinisil ang aking kamay. "Parang ganun na nga po", sagot ni Troy.

Umikot naman ang panigin ng matanda na parang may hinahanap. Nang matagpuan niya ito ay kinuha niya ito at lumapit sa amin. Binuksan niya ito at nakita namin ang pares ng kwintas kung saan nakaukit ang hugis ng crescent moon.

"Ito iho. Sa palagay ko'y maiibigan mo ang dalawang kwintas na ito.", sabi ng matanda. "Napakaganda nga po nito, Lola.", masayang sagot ko sa matanda. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

"Apo, ang buwan ang sumisimbolo ng liwanag sa oras ng kadiliman. Ito ang napili kong regalo sa inyo dahil nais ko ang kaligayahan niyong dalawa. Nawa'y maging kasing init ng araw ang pagmamahal niyo sa isa't isa at gabayan kayo ng liwanag ng buwan sa oras ng kadiliman at hamon sa inyong pagmamahalan. Para kahit anong pagsubok na pag daanan niyo ay inyong malalagpasan.", mahabang paliwanag  nito sa amin. Nag init naman ang puso ko dahil sa narinig ko. Akala ko'y huhusgahan niya kami ni Troy pero hindi pala. Sinuportahan niya kami. 

"Pero ale, tama ho ba ang rinig ko? Regalo niyo ho ito sa amin? Sigurado ho ba kayo?", gulat na tanong ni Troy. Natawa naman ang matanda at tumango. "Isuot mo na sa nobyo mo iho ang kwintas na para sa kanya, at ganun din ikaw, apo.", utos niya sa amin. 

Ginawa naman ang sinabi ng matanda. Sa totoo lang, napakaganda ng kwintas. Iba ang pagka-silver nito. Napaka elegante. Nilingon ko naman si Lola para magpasalamat. Hinawakan ko ang kamay nito.

"Lola maraming-maraming sala-", hindi ko na natuloy nang marinig ko ang paghinga ng malalim ng matanda at naging puti lang lahat ng mga mata nito. Nagsalita naman ito ngunit kakaiba ang boses niya. Parang napakalalim ng pinanggalingan.

"Ilang araw mula ngayon, muling magbabalik ang iyong kadugo upang muling maghasik ng kadiliman sa sanlibutan. Sa pamamagitan ng iyong dugo, siya'y maglalakad muli dito sa mundo at magpapakalat ng kasamaan hanggang sa pagsapit ng Pulang Buwan. Sa takdang oras na iyon, mamimili ang iyong katauhan sa pagitan ng Kabutihan at Kasamaan.", sabi nito bago siya muling bumalik sa normal. Bakas sa mukha niya ang kaba at lungkot bago ako inayakap.

"Mag iingat ka, Apo.", sabi nito ng sinsero. Hinawakan naman niya ang braso ni Troy at sinabing "Alagaan at mahalin mo siya iho. Wag mong kakalimutan yon.", pagpapa alala niya kay Troy.

Troy's POV

We are here in HM Samantha's Office dahil sa sinabi ng matanda kanina. Damang dama ko ang kaba kay Lino. Hanggang ngayon ay napapaisip si HM sa sinabi ng matanda.

"Hindi ba Lino wala kang kamag-anak at sa ampunan ka lumaki?", tanong nito kay Lino. My boy nod his head. "Opo HM, wala rin po akong alam sa katauhan ko." , sagot niya.

A few moments, I noticed a change of expression from her. She looked like a bit of shock and widened her eyes. Parang may alam na siya. Damang dama ko ang pagkabigla niya. What have you figured out HM? Why do I feel like you are hiding something to us.

"What is it HM?", I asked her straightforwardly. She shrugged her expression and breath. "N-nothing.", she replied. Now, he looked again to Lino.

"Lino, wag mo muna kaisipan ang sinabi ng matanda. Malalaman din naten kung ano yon at pag nalaman ko na, sasabihin ko agad sayo okay?", sabi niya kay Lino sa malambing na tono. 

Weird. I never saw this side of HM before. Nakita ko pa na parang naluluha it pero agad na nabawi ito.

"Kung ganon, HM. Mauuna na po kami Troy.", magalang na sabi ni Lino pero bago pa man siya umalis ay nilapitan ito ni Headmistress at niyakap. Im sure my boy is shocked pero Im sure he's happy as well.

Lumabas na kami ng kwarto at naglakad na papunta sa hardin ng Lumen Academy. Its dark outside.

Lino's POV

"Stop thinking about it.", sabi ni Troy. Nakaupo kami ngayon dito sa hardin. Napakalaki ng buwan ngayon. Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang aking mga kamay.

"I will always be here for you, Lino. No matter what. I promise you that.", sabi niya. Namuo ang luha sa aking mga mata. Ang sarap lang pakinggan na kahit alam mong ang gulo ng mga nangyayari sa buhay ko, may isang taong handang damayan ako. 

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Tumugon naman siya sa yakap ko. Dinama ko ang pakiramdam na ito. Parang nawawala lahat ng takot ko pag nararamdan ko siya sa paligid ko. Damang dama ko ang tibok ng puso nito. Napakalakas.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at marahang iniaangat ang aking mukha. Tinitigan niya ako. Parang nangungusap ang kanyang mga mata. Lumapit ang mukha niya sa akin at hindi ko namalayan na magkalapat na ang aming mga labi. 

This is my first kiss. Masaya ako dahil ang unang halik ko ay sa taong mahal ko napunta.Our lips are sealed under the moonlight. Bumitaw naman ito at tinignan akong mabuti.

"Saksi ang buwan kung gaano kita kamahal, Lino.", sabi niya. Lumunok pa ito bago umimik. "Pwede na ba kitang maging kasintahan?", tanong niya na nagpagulat sa akin. Nabawi ko naman ang pagkagulat ko at pinalitan ng sinserong ngiti.

"Oo naman.", masayang sagot ko dito. Niyakap ko naman ito ng mahigpit. Binuhat naman ako nito at iniikot. Napakalawak ng ngiti nito ngayon.

Sa wakas I'm officially taken. Ang sarap sa pakiramdam. 

"Mahal Kita/I love you.", halos sabay naming sabi sa isa't isa. Natawa naman kami parehas. 

"With all my heart.", sabi ko sa kanya. 

"With all my heart.", ulit niya sa aking sinabi.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now