LINO'S POV
Naglalakad ako ngayon mag isa dito sa academy grounds para mag muni muni. Hindi ko kasama sina Troy dahil may pag uusapan daw sila nina HM Samantha. Iniwan ko naman si Carlo sa dorm dahil mukhang puyat na puyat ito.
Habang nag lalakad ako, hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ng dark wizard na yon. 'Ikaw ay ako, ako ay ikaw.' Yan mismo. ang sinabi niya.
Palakad lakad lang ako ng bumangga ako sa isang pader at napaupo ako.
Ouch. Ang sakit non. Grr. Ikaw kasi Lino e bakit di ka tumitingan nang maayos sa daan.
Nang tumingin ako ng diretso ay nagtaka ako. Wala naman akong pader na tinamaan. Pero bakit ako natumba.
"Hahahahaha! Sa sobrang lalim ng iniisip mo di mo na nakuhang maramdaman ang presensya ko.", sabi ng isang lalaki.
Nagulat nalang ako pag lingon ko dahil siya si Prinsipe Ezekiel, ang panganay na anak ni Haring Luther.
Yumuko ako nang maayos at nagbigay galang. "Magandang Umaga po, Prinsipe Ezekiel. ", sabi ko.
"Hey hey stop over reacting. Hahaha. You don't need to do a 45° bow sa akin. Haha. A nod is enough.", sabi nito.
"Uhm, nakakahiya po kasi e. Kaya ganon nalang siguro ang reaksyon ko.", nahihiya kong bangggit dito habang nagkakamot ng ulo.
Ngumiti ito nang malaki. "Lino, right? Ako nga pala si Ezekiel, ang panganay na anak ni Amang Luther.", sabay lahad ng kanyang kamay. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito kaya pinamulahan ako.
Nahihiya ko namang tinanggap ang kamay nito. "Ako po si Lino, isang orphan na mula sa mundo ng mga tao. Nice to meet you po.", magalang na sabi.
Pero nagulat ako nang tumawa ito nang malakas. "Hahahhahahah! What's with the 'po' thing? Hahaha. You can drop the formalities, Lino.", sabi niya.
Natawa nalang din ako dahil sa pagkakwela nito.
"Well well. So naunahan na naman pala ako ni Kuya na makipag kilala dito kay Lino.", rinig kong sabi ng boses kaya napatigil kani sa pag tawa at sabay na napalingon kung saan yon nagmula.
Lumaki ang mga mata ko ng makita kong naglalakad ang nagtataglay ng poison magic.
Nang makalapit na siya sa amin ay inabot niya sa akin ang kanyang kamay. "Gabriel. Kapatid ko si Kuya Ezekiel.", sabi nito.
Medyo matagal mag rehistro sa utak ko na nakakaharap ko ang mga prinsipe kaya hindi ko agad naabot ang mga palad nito. Tinaasan ako nito ng kilay bago umimik. "Nakakangalay to alam mo ba yon?", singhal niya sa akin na ikinagulat ko naman.
Tinanggap ko naman agad ito at humingi ng pasensya. Tsk. Napakasungit nito.
"Bro, be nice to Lino. Treat him right.", utos ng panganay na anak na siyang ikinatango ng kapatid nito.
My senses became strong suddenly dahil sa naramdaman kong papalapit na dual type magic. Alam kong aasintahin kami non kaya gumawa agad ako ng depensa.
"Deflect.", banggit ko. Napalingon naman sa akin ang dalawa at nagulat sila nang makita nila nang malapitan ang mga itim at puting parang mga matatalas na sinulid na kusang umiwas sa amin at tumama sa ibang bahagi ng lugar. Nag ka pira-piraso ang mga tinamaan nito.
Nakita kong lumaki naman ang mga mata ni Prinsipe Gabriel.
"What the fuck mga kuya. Pano kung kami tinamaan non ha?", pasigaw niyang sabi.
Mga. Kuya?
"Edi lasug lasog ka na kapatid.", tamad na sabi ng lalaking nagtataglay ng Light Element.
"Ako nga pala si Prinsipe Yin, kapatid ko si Kuya Ezekiel at ang ugok na ito.", sabi niya. Natawa naman ako nang malala dahil dito.
"Ako naman si Prinsipe Yang. Kambal kami ni Yin.", sabi ng prinsipeng nagtataglay ng dark element.
"Shaded Weaving Technique.", bulong ko na narinig naman ng kambal.
"You know that spell?", curious na tanong ni Prinsipe Yang sa akin.
"Ahh ehh, not really, nabasa ko po lang sa mga libro.", palusot ko pero parang hindi siya naniniwala.
"It's a bit odd. The secret art of our magic ay wala sa mga scroll ng library.", usisa naman ni Prinsipe Yin.
Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil di ko alam ang sasabihin ko.
"Pwede ba mga kuya, wag niyo pag initan ang kaibigan ko.", sabi ni Prinsipe Arthur. "Hello Lino! Long time no see!", nakangiting bati niya sa akin.
"Prinsipe Arthur!", masaya kong bati pabalik sa kanya. Nang makalapit ito sa akin ay tinapik nito ang aking balikat.
"Ahm ano palang meron mga mahal na prinsipe, bakit po kayo nandito?", magalang na tanong ko sa kanila.
"Gusto kita makalaban para malaman kung---- Aray! Ano ba kuya!", sabi ni Prinsipe Gabriel pero di na natuloy dahil binatukan siya ni Prinsipe Yang.
Tinignan lang ito nang masama ni Prinsipe Yang at ito'y tumahimik nalang.
"We saw your amazing battle last levelling ng mages. And our boy Arthur told us that you granted him the Power of Extention. Totoo ba ito?", tanong ni Prinsipe Ezekiel.
Tumingin ako sa mga ito at alam kong naghihintay sila ng sagot.
"Opo. I used my Time Arc to embed the sacred sigils of that magic.", paliwanag ko sa mga ito.
"I see. You see Lino, not everyone has the privilege to achieve such life-saver magic. That's why we are here to ask you a favor of granting it to us as well.", malumanay na banggit ni Prinsipe Yin.
"Wala pong problema. Hehe.", sabi ko at nilabas ko ang tungkod ko at nilabas ang aking time arc.
Napansin ko naman ang pagbabago ng expression ng mukha nila. Hindi ko nalang ito pinansin.
"Sino po gusto mauna?", tanong ko. Umabante naman si Prinsipe Ezekiel.
"Napakaganda po ng mahika niyo mahal na prinsipe. Pag namaster niyo pa po ang mahika niyo, may kontrol po kayo sa space and somehow, sa time. You are the only one who can see the reality when someone distorted it - the space-time magic.", nakangiti kong banggit dito na kinagulat naman nilang lahat. Lumiwanag at arc at nagkaroon ng mga maroon na character sa katawan ni Prinsipe Ezekiel.
Sunod na umabante si Prinsipe Gabriel.
"Poison Magic. Napakarare na abilidad and disastrous nang sobra. One hit can paralyze an enemy. You have immunity to all kinds of poison. Kaya niyo rin pong kontrolin lahat ng life forms na meron nakakalasong materyal sa katawan tulad ng ahas at iba. You bring death to the enemy of the nation, mahal na prinsipe. ", banggit ko dito. Tumango naman ito. Nangyari rin sa kanya ang nangyari kay prinsipe Ezekiel.
Sabay na umabante ang kambal.
"The twin element, light and dark. The Dark Element holds dominion over the shadow world and is bestowed to conjure powerful spirits. The Light element who holds the highest form of regeneration and healing magic. The presence of the twin element guarantees the energy balance of this nation. ", sabi ko at gaya ng mga kapatid nito, nagkaroon din ito ng kulay maroon na sigils.
Nakita ko na ang mga nakatakdang humawak ng mga powerful treasures na sinasabi ng libro.
---------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasíaThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...