LINO'S POV
"It is your duty."
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko lang ang puting ilaw at puting kisame na may mapusyaw na berde ang dingding.
Bumukas ang pinto at inilabas nito ang aking bestfriend na si Sophia at ang mga nakakatakot na nilalang.
"Bessyy omyhhaagd I thought your gonna leave me na.." iyak na sabi ni Sophia. Sabay nito ang mahigpit na yakap.
Bat ang arte netong friend kong magsalita. Kris Aquino ka ghorl??
Napadaing naman ako at nabitaw siya.
"A-ano bang nangyari?" tanong ko.
"You were hit by a poisonous arrow on your back, Lino." sabi ni Troy.
Wait? Tinawag niya ako sa pangalan ko?
Napakapit naman ako sa aking likod.
"P-pero mukhang okay naman. Wala namang masakit o a-ano." sagot ko.
"Ganun ba? Tsk. Btw thank you." walang emosyon na sabi ni Troy.
Tama ba rinig ko?
"A-ano yon?" tanong ko.
"It's not my problem if you're deaf." sungit na sagot niya.
"Ah e welcome." sagot
Syunga ka ba Lino. Ibig sabihin narinig mo. Duh. Naaninag ko namang napatawa ang iba pa.
"Lino sure ka ba na ayos ka na? Kasi di pangkaraniwang pana ang tumama sayo." sabi ni Bianca.
"Oo ayos lang talaga ako. Salamat sa pag-aalala Ate Bianca." sagot ko.
"Pff hahahahaa. Ate daw." pang aasar ni Albert.
"Che!" sigaw ni Bianca kay Albert.
"Btw happy ako na ayos na Lino." sabi ni Albert ng nakangiti.
"Salamat po, Kuya Albert." sagot ki sabay ganti ng ngiti.
Nakita kong nagtawanan ulit sila. Napasimangot naman si Albert.
"Alam mo ang cute mo Lino! Haha. Nakakatawa ka pa." sabi ni Sean
Huh? Cute ako. First time a. Di ko naman naiwasan mahiya.
"S-salamat po Kuya Sean". Sagot ko.
Nagtawanan ulit sila. Nagtaka ako. Bakit ba sila tawa ng tawa. Tapos itong si Troy poker face lang.
"Hahaha! Oh yang mukhang yan alam ko na ibig sabihin!" singit ni Sophia. "Halos magkakaedad lang kasi tayo pero kung maka ate ka at kuya sa kanila wagas! Hahaha Kakatawa bessy!" sagot niya.
"Ahhhhhh" sagot ko.
"Sandali. San tutuloy si Lino? Hindi pa ata nakakapagpasya si HM." Tanong ni Sean.
"Siguro sasamahan ko nalang si Lino pabalik sa mortal world. Don na din muna ako." sagot ni Sophia.
Nang bigla nalang nasa harapan na namin ang isang babaeng parang striktang may katandaan na din.
"That won't be necessary Sophia." turan ng matandang babae.
Yumukod naman ang lima at sabay sabay na bumati
"Good evening HM Samantha."
"Good evening. Lino will stay here for the mean time to keep hims safe while the investigation is on-going." sabi ni HM Samantha.
Huh? Di pwede! Paano ang ampunan. Si Inay Mercy? Lagot ako.
"P-pero ma'am kasi baka hanapin po ako sa ampunan n-ni Inay Mercy." nag aalalang tanong ko. Napatingin naman sina Bianca.
"Don't worry. We'll handle it. Anyways, Lino, Prepare yourself. You will be escorted to your dorm momentarily. Thats all" sabi ni HM Samantha at bigla siyang nawala.
Napangiti ako! Yes first time ko magdo-dorm!
Napansin naman namin na naglalakad palabas ng pinto si Troy.
"Goin somewhere bro?" tanong ni Sean.
"Taking some rest dude." habang patuloy na naglalakad. Sumulyap muli ito samin or wait sakin? bago lumabas ng pinto.
Napalingon naman sila sakin kaya napaiwas ako ng tingin.
Ano naman yon? Hays..
"Mauna na din kami, Lino. Nakakapagod itong araw na ito e. Don't worry may susundo sayo dito para alam mo dorm mo." sabi ni Sophia. "Love you bessywaps!" sabay yakap niya.
Ngumite naman ang iba sa akin bago umalis.
Paglabas nila, napabalik ako sa pag-iisip.
"It is your duty."
Narinig ko yan bago ko nagmulat ng mata. Sino yan? Ako ba ang tinutukoy niyan? Anong duty? Gusto ko malam-
Biglang bumukas ang pinto.
"Lino right?" sabi nung lalaki.
"Ahm opo" magalang na sagot ko kaya napangiti ito.
"Carlo nga pala. Ako ang makakasama mo sa dorm. Halika na. Inutusan ako ni HM na sunduin ko." maayos niyang sabi.
Ang g-gwapo naman neto. Tas yung ngipin pwede nang pang model ng colgate. Mukang masaya pagstay ko dito ah. (#landi)
"Ah ganun ba? S-salamat Kuya Carlo." sabi ko.
"Carlo nalang. Halika na." sabi niya.
Habang naglalakad kami sa hallway ng dormitories.
"Anong ability mo?" tanong niya sakin.
Wala naman e. A-anong isasagot ko?
"W-wala akong ganon Carlo e." tapat kong sagot.
"Wala? Baka naman di mo pa alam. Sabi kasi ni HM dito ka na mag-aaral." sabi niya
Ah dito na pala ako mag-aaral sa... Ano??
"Huh? Sinabi niya yon?" gulat kong sagot.
Natawa naman siya.
"Oo kaya ikaw alamin mo na abilities mo! Para di ka pag initan ng professors dito". banta niya.
Katakot naman. Mag aaral nalang ako Lord ng Math promiseee.
"Hahahaha! Kakatawa ka. Biro lang" sabi ni Carlo. Napasimangot naman ako sa ginawa niya. "Oh andito napala tayo e. Tara pasok". sabi niya.
"Woooow! Ang gandaaa." mangha kong sabi.
"Oh saka ka na mamangha. Yang blue na door. Yan ang kwarto mo. Magpahinga ka na at maaga ang klase bukas. Check mo cabinet mo. Andon na ang uniform at class schedule mo for sure." mahabang sabi niya kaya napatango nalang ako.
Pagpasok ko ng door at pagcheck ko ng cabinet. Wow. Ang ganda naman ng uniform. Kulay green ang aking robe. Bat kaya green? Hmm. Nabasa ko naman ang schedule ko.
6-7:30 breakfast
8-9:30 History in Etherios
9:30-11 Foundation of Magick
11-12 Basic Combat skills.
12-1 Lunch
1-2:30 Defense Against Dark Arts
2:30-4 Potion
-end of class--
6-7:30 dinner.Grabe buti pa dito maaga umawas. Hayss nakakapagod ang araw na ito. Humiga na ako sa kana.
Ang daming nangyari. Sana maayos bukas. Excited na ako. Pumikit na ang aking mata.
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...