33 - Danger

678 44 0
                                    

Third Person Point of View

"Mukhang naghanda sina Samantha sa banta na idinulot naten sa kanila." turan ng lalaking nakaitim na robe habang natatawa. "Naglagay pa sila ng forcefield para proteksyunan ang mga tao sa Lumen." dagdag nito.

"Alam naman naten ang durability ng force field na ito. Hindi ito basta basta." sabi ng isang babae.

"As I recall, may nullification magic ang palakol mo, tama ba, Axel?" tanong ng lalaking nakaitim na robe sa lalaking may malaking palakol. 

"Meron ngunit matalino si Samantha, malamang may alarm system ang forcefield na yan Lucius.. at pag naramdaman nila, hindi nila yon papalagpasin." tugon ni Axel.

"Then, we will make them." ang nakangising sabi ni Lucius.

Sa kabilang banda, sa Lumen Academy, inaaral ni Lino ang librong binigay sa kanya ng Fire Phoenix. Sa loob ng kanyang silid ay nakalutang si Lino at ang libro, at naglalabas siya ng kulay "scarlet" na liwanag  sa palad nito. (parang  nasa larawan sa baba)

Nagulat naman si Lino dahil sa biglang katok na kanyang narinig mula sa pintuan ng kanyang silid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagulat naman si Lino dahil sa biglang katok na kanyang narinig mula sa pintuan ng kanyang silid. Kasabay ng pagkabigla nito ay ang paglaho ng libro at ang pagbagsak nito sa kanyang higaan. 

"Lino ayos ka lang ba?" tanong ni Carlo nang may pag-aalala dahil sa kalabog na kanyang narinig. 

Dali dali namang pumunta si Lino sa pintuan at binuksan ang ito. "Ayos lang ako, Carlo.  Ano pala ang sadya mo?" hinihingal na sa tugon ni Lino. 

Napataas naman ng kilay si Carlo at nagtanong "Oh eh bakit hingal na hingal ka? At ano yung kalabog?"

"W-wala yun, hehe. Nahulog lang ako sa higaan at ano, uhm, nagmadali ako buksan ang pintuan." palusot ni Lino. 

Inilagay naman ni Carlo ang mga palad nito sa kanyang bulso at binigyan ng kunot na noo si Lino bago mag buntong-hininga. "Sige na. Bilisan mo at inaantay tayo nina Troy sa Academy Ground." banggit nito.

"Oo nga pala, sige 15 minutes, mag bihis lang ako." sabi ni Lino bago isinara ang pinto ng kanyang kwarto.  "Whooooh!" kilos nit dahil napaniwala niya ang kanyang kaibigan sa kanyang palusot. 

Lino's Point of View

Nagteleport kami ni Carlo gamit ang mahika ko papunta sa Lumen Academy Ground. Habang hinanahanap namin ang bestfriend kong si Sophia at si Troy nang maramdaman kong may kung anong atake na paparating sa amin kung kaya't sinalo ko ito gamit ang aking kanang kamay - isang pana. Nang hinanap ko kung saan ito galing ay nakita ko ang Class S Mages na pumalapakpak dahil sa ginawa ko. 

Nakita ko namang papalapit sa amin si Troy nang may ngiti sa labi. HIndi ko alam, pero lately, pag nakikita ko talaga si Troy, kumakabog nang malakas dibdib ko at parang hindi makahinga. Nang makalapit ito sa akin ay bigla niyang hinawakan ang ulo ko at ginulo ang aking buhok. "Great Job, Lino." sabi niya habang suit suot pa din ang matamis na ngiti niya sa labi. Ramdam ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi kaya napatungo ako. 

Lumapit din naman ang iba pang Class S Mages sa amin. "So anong gagawin naten ngayon sa ensayo, Troy?" tanong ni Bianca sa leader nila.

"Tutulong lang tayo muna kina Lino para masanay siya sa close combat." Tugon ni Troy sabay baling sa akin. "Okay lang naman sayo, di ba?" tanong niyang habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ah eh, oo naman." sagot ko habang napakamot ang kanan kong kamay sa aking batok.  

"Great! So let's start?" masiglang tanong ni Troy. Actually, these past few days naging masayahin si Troy. Lagi na siyang nakangiti at nakikihalobilo na din sa ibang mages dito sa academy bukod sa mga Class S. 

"Uhm, excuse me, pwede ba ako sumali sa grupo niyo?" tanong ng isang pamilyar na boses. Napalingon naman kami dito at nagulat kung sino ang nagsalita.

"Prince Arthur!" sabay sabay naming tugon habang nag bow bilang tanda ng aming pag-galang. 

"Oo naman mahal na prinsipe. Pwede kayong sumali." ang sabi ni Troy. "Maraming Salamat, Troy." tugon ni Prinsipe Arthur nang  may galak.

"Sa ngayon, pwede niyo muna kami panuorin ni Lino. Kami munang dalawa ang maglalaban." biglang anunsyo ni Troy na ikinagulat ko. "A-ano? T-tayo? T-teka di ako handa. Wala pa akong alam." kinakabahan kong tugon.

Lumapit naman ito sa akin at bumulong sa aking kaliwang tenga "Babe natalo mo nga iyong Phoenix, ano pa ba naman itong ensayo na to? O baka ayaw mo lang ako saktan baabeee" banggit niya at sabay kindat sa akin. "Siraaa kaaaa!!" bulyaw ko nang may halong inis.

Tumatawa naman itong tumingin sa akin. "So let's start?" tanong niya sa akin. "What choice do I have? Hays." walang gana kong tugon dito. Nagpatianod naman ako sa mga hakbang nito at biglang namalayang nasa sentro na kami ng Academy Grounds. Pinaikot ko ang aking paningin at nakitang seryosong nakaabang sina Carlo, Prince Arthur, Class S Mages, at iba bang mages na nag eensayo rin sa grounds. 

"Seryosong laban ito, Lino. Give me your best shot." seryosong banta ni Troy. Napalunok naman ako sa narinig ko. Nagbuntong-hininga ako at inilabas ang aking tungkod. Nagliwanag ang aking katawan at napalitan din ang aking kasuotan. Nababalutan ako ng scarlet na kapa, blue at light na tight jeans at damit na pawang scarlet din ang kulay. 

Third Person Point of View

Sa kagubatan ng Etherios

Nakarating ang tatlong nilalang sa hangganan ng forcefield ng Lumen Academy. Ngayon ay tinatanaw nilang maigi ang lakas ng barrier na binuo nina Headmistress Samantha at iba pang propesor. 

"Sigurado ka bang gagana ang plano mo, Lucius?" tanong ni Axel  kay Lucius. Tumango naman ang huli. "Sigurado ako." Lumingon naman si Lucius sa babaeng kasama nila. "Alanis, alam na ba niya ang gagawin niya?"

"Oo Lucius, mag sisimula ang plano sa loob ng sampung minuto." tugon ni Alanis.

"Sana handa kayo sa pagdating namin, Lumen Academy. The dawn of death is upon you all." bulong ni Lucius habang nakatingin sa barrier ng paaralan.


------------------------------------------------------------------------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now