Lino Gonzales
Naglalakad ako ngayon sa garden ng Lumen Academy. Hindi ko ngayon kasama si Carlo man o Troy o kahit ang iba ko pang friends kasi napagdesisyonan kong aliwin ang sarili ko mag-isa.
Ang sarap sa feeling ng preskong hangin sa umaga, tapos makakakita ka pa ng madaming magical creature sa paligid. Sa buong buhay ko, never ko inexpect na magiging part ako ng something unreal. Magic? Haha. Sino ba mag-aakala na totoo ito.
Binabaybay ko ang kabuuan ng hardin. "Mas maayos na siguro na andito ako kesa sa mundo ng mga tao. Pero, kamusta na kaya sila?" banggit ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit. Hinarangan ko pa ng aking kanang kamay ang sinag ng araw na tumatama sa sa akibg mukha. Nakakasilaw din kasi. "Sana okay kayo Inay Mercy." mahina kong bulong.
Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng kakaibang presensya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ito pero sa mga araw na andito ako sa academy, ngayon ko lang ito naramdaman. Hindi ko masabi kung mabuti o masama ito pero isa ang sigurado ako, may ibang tao o mage dito sa lugar na ito.
Hahanapin ko sana ang presensya na ito kung nasaan pero naalala ko na may klase nga pala kami kay Prof. Arturo sa Defense Against the Dark Arts/Dueling. Kaya nagteleport agad ako sa labas ng pintuan ng classroom. Buti nalang walang nakakita sa akin kaya pumasok na ako sa loob.
Nang makapasok ako sa loob. Napaisip ako kung anong problema nila sa akin dahil lahat sila parang 'shocked' na dumating ako. Wait nagtataka siguro itong mga ito kasi hindi ko kasabay si Troy o kaya si Carlo. Usually kasi kasabay ko sila.
Tinungo ko na ang upuan sa tabi ni Troy. Pero nang makita ko ang mukha nito ay salubong ang kilay nito at halatang sira ang umaga. Napalunok na lang ako dahil masama ang tingin na pinupukol nito sa akin. Teka anong kasalanan ko? Naglakad nalang ako nang mabilis at naupo sa tabi nito.
"Saan ka galing?" tanong nito nang seryoso pero sapat ang lakas ng boses para kami lang ang magkarinigan. Napatingin ako dito dahil kunot na ang noo nito. Gusto ko sanang matawa kaso baka masapak ako ng isa.
"Ah galing ako sa garden, Troy. Ang sarap pala ng hangin don 'pag umaga. Nakakarelax!" simple kong sagot dito pero hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko.
"Bakit hindi ka nagpaalam? Alam mo bang galing ako don sa kwarto niyo para sana isabay ka sa pagpasok tapos malalaman ko lang na wala ka na don? Ni hindi ka manlang nagsabi sa roommate mo na aalis ka." mabilis nitong sagot. Bakas ang inis sa boses nito. "T-teka bakit parang big deal e sa garden lang naman ako galing?" inosenteng sagot ko dito.
"Big deal? Huh. Alam mo ba yang roommate mo nag-alala dahil wala ka naman sa room mo. Ilang gabi ka na daw bigla bigla nawawala nang hindi nagpapaalam. Sana naman naisip mo na may mga nag-aalala sayo kapag nawawala ka. Nag aalala kami sayo." sermon nito sa akin. Nakonsensya naman ako sa mga sinabi niya. Alam ko naman na hindi ako nakakapagpaalam lately. Akala ko kasi, hays. Hayaan ko nalang. "Damn it. Pwede naman kasing magpaalam papayagan naman e bat ayaw magpaalam." bulong nito sa sarili pero sapat para marinig ko.
Lalo naman ako na-guilty sa narinig ko. "Uy sorry na.. Hindi na mauulit promise. Wag ka na magalit." sabi ko dito habang sinusundot ng aking hintuturo ang kanyang braso. Napanguso din ako kasi parang ayaw niya akong pakinggan. Napabuga naman ito ng hangin at hinuli ang aking kamay. "Magpapaalam ka na sa susunod?" seryosong tanong nito sa akin habang nakatingin sa mukha ko. Kita ko pa ang salubong nitong mga kilay at mga papatubo palamang na mga bigote. Tumango ako bilang sagot. Ilang segundo pa ang titigan namin ng pinitik nito ang noo ko.
"Aray!! Para saan naman yon ha?" napahawak ako sa noo dahil sa lakas ng pitik nito. "Para magtanda ka. Kala mo cute ka hindi naman." Asar nito sa akin habang natatawa. "Tse! Kala mo naman gwapo ka pero ano" sagot ko dito. Teka pero ano ba? Wala akong maisip kasi gwapo naman talaga siya.
"Pero ano?" mapang asar nitong sabi. "Gwapo ko kaya. Swerte mo nga kinakausap kita e." mahangin nitong sabi. Ang kapal talaga. Amfeeling kala mo naman artista! Hmp!
"Ang kapal mo naman." inis kong sagot dito pero tinawanan lamang ako nito. Iniwas ko ang tingin ko dito at tumingin kina sophia. Hindi kasi ako nakapag greet sa kanila nung dumating ako kasi sinalubong agad ako ni Troy ng nakakatakot na awra e. Pero dapat pala hindi ko nalang sila nilingon dahil si Bianca at Soohia ay nakangisi at inaasar ako dahil sa eksena namin ni Troy kanina. Nakita ko naman na natatawa nalang sina Sean, Albert at Carlo sa pang-aasar sakin ng dalawang bruha. Napasimangot nalang ako dahil wala na naman ako magawa.
Naging seryoso naman kami ng pumasok na ang aming prof. May kasama itong lalaki. Sigurado baka bago naming kaklase o kaya sasali lang sa activity namin.
"Omyghossh! Ang gwapo mo naman kuya!" sabi ni Beatrice. Aba buhay pa pala ang babaeng ito. Himala hindi niya ako inaaway lately.
"Kuya! You're so handsome naman. Let's be friends na oh." sabi ni Eunice na kaibigan ni Beatrice. Teka, trademark na ba nila ang pagiging hunter ng mga gwapo? Pfft.
"Settle down, Class. Please be quiete." saad ni Prof. Tumahimik naman ang lahat pero bakas pa din ang excitement sa mukha nila lalo na sa kababaihan. "Please sire, introduce yourself." magalang na banggit ni prof sa katabi niya. Sire? Isa siyang maharlika?
"Hello. I am Prince Arthur Schroider, the 5th prince of the country and the youngest one." pagpapakilala nito sa amin. Omyghosh. Isa siyang prinsipe? Nagsitayuan naman ang lahat at nagbigay galang sa prinsipe. Nagulat ako sa nangyari kaya nakigaya na lang ako hehez.
Pagkaupo namin, nagtaas naman ng kamay ang isa naming kaklase na ang pangalan ay Paul. "Excuse me, Sir. Magiging classmate po ba namin siya?" tanong nito. Lahat naman kami nag-aabang ng sagot. "For this activity.. yes. Kailangan niya sumali for compliance." simpleng sagot ni Sir.
"Uhm, sir. Hindi po ba parang dehado kami if ever. Prince siya and we all know na, alam niyo na, baka masaktan tapos pag-initin kami ng palasyo.." sabi ni Karla. It makes sense. Baka nga pag initian kami.
"Oo nga sir. Tyaka bakit yung mga Class S Mages andito? Di ba mga older batches na sila and dapat nasa gold building sila kasama ang mga maharlika?" usisa ni Ravin kay sir. Grabe may labeling pala dito? Kakaloka. Pero ang swerte! Kasama nina Troy ang mga Class S Mages.
"I think hindi naman kayo dehado kasi fair naman ang magiging grading sa susunod na activity. And yung sa mga Class S Mages, si HM ang nagsabi na sumali muna sila sa klase ko. Siguro for refreshment purposes." casual na sagot ni Sir. Tumingin naman ako sa katabi ko.
"Uy Troy, bat di niyo sinabi sa akin na sa highest section pala kayo? Ang daya naman." nakanguso kong sabi dito. Tinaasan naman ako nito ng kilay bago sumagot. "Ikaw nga di nagpapaalam sa amin e. Ngayon alam mo na feeling?" asar nito sa akin. Napasimangot nalang ako sa sagot nito. Natawa ito lalo dahil sa itsura ko. Kakainis. Dapat di nalang ako nagsalita.
Humakbang naman pauna si Prinsipe Arthur at nagsalita. "Don't worry everyone. Hindi ko gagamitin pagiging prince ko. Pag activity, activity. Lahat tayo pantay-pantay." sabi niya sabay ngiti. Napangiti naman kami. Ang bait naman nito. Mayron siyang dignidad sa mga bagay bagay tulad nito.
"Oh di ba guys. So stop na yung worries. Ahm, Hi Prince Arthur." maarteng sabi ni Beatrice. Kaloka ano kayang facial wash nito at ganyan ka kapal ang face. Di ko kinakaya. Tumungin lang dito si Prince Arthur.
"Thats enough. Please sire, take your seat." magalang na sabi ni Sir. Inilibot naman niya ang paningin niya sa loob ng classroom at nagulat ako ng nagtama ang mga mata namin. Hindi niya ito inaalis kaya ako nalang ang umiwas.
Ano yon? Para saan yung ganong tingin?
-------------
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...