41 - The Royalties

696 40 7
                                    

Lino's POV

Andito na kami ngayon sa napakalawak na Lumen Academy Arena at naghihintay na simulan ang Magic Festival dito sa Etherios. Nakaupo kami dito, katabi ko si Troy at iba ko pang mga kaibigan.

May napakalaking hologram screen sa itaas kung saan nakikita namin ang iba't ibang faculties and staff ng akademya. Kitang kita sa kanilang pananamit ang pagiging elegante ng bawat isa. Madadama mo din ang kakaibang awra sa kanila. 

Napatigil naman ako sa pagkilatis ng naramdaman kong may pumisil ng kamay ko kung kaya't napalingon ako dito.

"What are you thinking?", tanong niya sa akin. Huminga naman ako nang malalim at sumagot. "Kinakabahan ako. Ganito pala magdiwang ng festival dito sa mundong ito." Tumawa naman ito nang bahagya.

"Ganito talaga dito. Bukas ang paaralan sa mga taga labas, ganun din ang sentro ng ating bansa.", paliwanag niya sa akin. Kaya pala padami nang padami ang tao dito sa loob ng paaralan. Ang iba ay hindi ko namumukaan. Mga taga labas siguro sila.

 "Mga minamahal naming estudyante at mga mamamayan, mangyari lamang po na tumayo at magbigay pugay sa Hari, Reyna, at mga prinsipe.", sigaw ng emcee. 

Kaya pala hindi pa sinisimulan ang programa dahil inaantay sila. Naglalakad na sila papunta ng sentro ng arena. Kung maglakad sila, damang dama mo ang confidence sa kanila at nakakatakot na aura. Maririnig mo rin ang malalakas na palakpakan pati mga hiyawan mula sa mga manonood.

"Maaari na po kayong magsiupo. Para simulan ang ating programa, tinatawagan ko si Headmistress Samantha para magbigay ng panimulang bati sa ating lahat.", sabi ng emcee. 

Nakita ko namang naglakad si HM Samantha. Ngumiti pa ito bago nagsalita.

"Maraming salamat sa lahat na dumalo sa kasiyahan na ito, sa mga mamamayan, sa mga estudyante, at mga maharlika. Nawa'y pakatandaan natin ang rason kung bakit tayo nagdiriwang - ito'y para alalahanin ang kabayanihan ng mga mages na nagsakripisyo at lumaban noong unang digmaan sa ating mundo at ipaalala ang kasarinlan na meron tayo ngayon. Nawa'y inyong ikasiya ang mga magaganap na tunggalian para sa festival na ito. Muli, magandang umaga.", sabi ni HM at nagkaroon na malakas na palakpakan.

"Alam niyo ba kung anong kapangyarihan ni HM?", tanong ko sa mga kasama ko dahil hanggang ngayon, hindi ko pa nakikitang gumamit ng mahika ang aming punongguro.

Nagkibit balikat naman ang ilan habang patuloy pa rin na pumapalakpak. 

"Tree Magic.", sabi ni Troy. Namangha ako sa aking narinig. Ibig sabihin pala may unique na kapangyarihan pala siya. "She can create, control, and modify all matters included in Flora (plant)", dagdag pa niya. Ang amazing naman.

"Ngayon upang bigyan naman tayo ng mensahe, tinatawagan ko ang ating butihing Hari, Haring Luther!", tawag ng emcee. Nakita ko namang nagsitayuan ang lahat kaya nakigaya na rin ako. HAHAHA!

Tumayo naman ang hari at naglakad. Kahit may katandaan ay kapansin pansin ang kagwapuhang taglay ni Haring Luther. Sumenyas naman ito na naghudyat na kami ay maupo na sa aming mga puwesto.

Habang nagsasalita ang hari ng kanyang plano para sa buong kaharian ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang presensya ng mahika. Pinaikot ko ang aking mata pero hindi ko matukoy kung sino.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdamang mabuti ang paligid. Unti unting kumakalat ang mahika sa buong akademya. Hindi buo, pero kalat kalat ito sa iba't ibang parte ng paaralan. 

Pinisil ko ang kamay ni Troy. Lumingon naman ito sa akin. 

"Someone is casting a spell. Para itong rune magic", bulong ko dito. Nagpalinga linga naman ito sa paligid. Bumulong ito sa akin. "Wala muna tayong gagawin. Kunyari wala tayong kaalam alam sa nangyayari.", balik na bulong nito sakin. Hinalikan naman ako nito sa noo at muling bumulong. "Don't worry." Tumango na lamang ako bilang tugon dito at lihim na napangiti.

Nabalik naman ang atensyon ko sa Hari na hanggang ngayon ay nagsasalita pa din.

"Nais kong pormal na ipakilala sa inyo ang aking mga anak.", sabi nito. Lumingon pa ito palikod at tinignan ang mga lalaking nakaupo sa magarbong upuan. "Pag tinawag ko ang inyong pangalan, mangyari lamang na magpakita kayo ng inyong kakayahan.", sabi niya sa mga ito. Nagsitanguhan naman ang mga prinsipe.

"Una, ang aking panganay na anak, Prinsipe Ezekiel.", tawag niya sa prinsipe. Maririnig mo ang hiyawan ng marami lalo na ang mga kababaihan.

 Napaka garbo ng kasuotan nito na may kulay light blue. Iniangat nito ang dalawang kamay, umilaw ito at ang buong stage kung saan sila nakapwesto ay nagkaroon ng isang shield. Pagkatapos ay naging invisible ang lahat ng andoon.

"Ano ang kakayahan ng Prinsipe Ezekiel?", tanong ni Sophia. 

"Force Field at Invisibility.", kaswal na sagot ko dito. Bumalik naman ang atensyon nito kay Prinsipe Ezekiel. Nakakamangha ang kakayahan nito. Una, aakalain mong hanggang depensa lamang ang kakayahan nito ngunit alam kong may natatago itong opensa.

"Ang susunod naman, ang kambal kong anak, Si Prinsipe Yin at Prinsipe Yang.",  sabi ng hari. Nakita ko naman ang kambal na tumay. Si Prinsipe Yin ay nakapurong puti ang kasuotan. Si Prinsipe Yang naman ay naka purong itim. 

Lumiwanag naman ang katawan nila. Kung ano ang kulay ng kasuotan ay ganundin ang aura na bumabalot sa kanila ngayon.

"They are the holder of Light and Dark Element.", kaswal na komento ni Troy. Napatungo naman ako. Tama siya. Maraming natatagong potensyal ang dalawang ito.

"Ang aking susunod na anak, Si Prinsipe Gabriel.", sabi ng Hari. Tumayo naman ang prinsipeng kulay dugo ang kasuotan. 

Itinaas nito ang kanang kamay at naglabas ito ng parang usok na kulay pula. Pinatama niya ito sa puno at agad na namatay ang puno.

"Ano namang mahika niya?", tanong ni Bianca.  Base sa teksturang ito. Parte ito ng assasination magic. Mapanganib.

"Poison Magic.", sagot ko dito. Napalunok naman si Bianca sa narinig niya. 

"At ang huli, ang bunso kong anak, si Prinsipe Arthur!", tumayo naman ang bunsong prinsipe na ngayon ay nakasuot ng silver na kasuotan. 

Lumiwanag ang kanyang katawan at napaltan ng silver na armor. May parang puting balahibo ang ibabaw ng mga tenga nito. Ito yung armor na ginamit niya nung nakalaban namin ang titan. Maya maya pa ay  nagkaroon ng maraming espada sa paligid nito. Tantya ko ay lagpas isang daan ang bilang nito at nadadagdagan pa.

"Ano nga ulit ang magic ng Prinsipe Arthur, Lino?", tanong ni Carlo.

"Requip Magic. Isang type ng spatial magic.", sagot ko dito.

Nagpalakpakan naman ang lahat at kita ang mangha sa mga ipinakita ng mga prinsipe.

"At ngayon, pormal ko nang binubuksan ang ating paligsahan!", masayang sigaw ng Haring Luther.

"Para sa ating first level, bubuksan natin ito para sa kung sino man ang gustong sumali, estudyante man o hindi ng Lumen Academy. Mula sa first level, pipili ng isang daang mages na mag standout dito at siyang tutuloy sa second level.", paliwanag ng emcee.

Kung ganon kahit sino pala maaaring sumali.

"Sumigaw kung handa na ang lahat para malaman kung ano ang first level!!!", sigaw ng emceee.

"Wooooah/Wahhhhhhh!!", sigaw ng mga mamamayan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now