Sean's Point of View
Nakaabang kaming lahat sa ensayo nina Troy at Lino. Nung inilabas ni Lino ang kanyang tungkod, muli naming nararamdaman ang nakamamanhid na sesasyon ng magical energy niya tulad nung nag ensayo kami sa klase ni Prof. Arturo.
Halatang nakafocus ang dalawa sa ensayo. Nararamdaman din namin ang enerhiya ni Troy - ang mage na pinakamalakas sa lahat ng Class S mages sa Lumen.
"Sino kaya ang mananalo sa kanila?" tanong ni Bianca habang nakatingin sa dalawang mage. Nagkibit-balikat lamang ako bilang tugon. "Maaaring by sheer power, lamang si Lino. Pero si Troy ang kalaban niya, isa sa pinakamagaling na tactician na andito sa Lumen kaya hindi ko rin masabi." sagot ni Sophia kaya napatingin kami at napatungo.
Ensayo palang ito nila pero feeling ko Magic Festival na sa intense. Inikot ko ang mga mata ko at ramdam ko ang seryosong atensyon na binibigay ng lahat. Sa totoo lang, nung dumating si Lino, I started doubting my title as Class S Mage. I am sure all of us does. Someone who can wield ancient godly spells? Damn.
Naagaw naman ang atensyon ko nang nagsimulang umatake si Troy. Gaya nang inaasahan ko, sobrang bilis niya kumilos. Susuntukin niya si Lino. Napatingin ako kay Lino at kalmado itong nakatayo at gamit ang tungkod niya, sinalag niya ang atakeng suntok ni Troy. W-what the? This kid is unbelievable. Lahat kami nagulat pero ngumise si Troy. Sunod sunod nitong inatake si Lino, pero... si Lino, habang nakalagay ang kaliwang kamay niya sa kanyang likod, ay walang kahirap hirap na sinasalag ang mabibilis na atake ni Troy gamit ang tungkod nito.
Sa huling suntok ni Troy ay nasalag ni Lino ito gamit ang tungkod at nagrelease ito ng malakas na enerhiya. Idinilat ni Lino ang kayang mata at lumiwanag ang tuktok ng tungkod niya at biglang napakalakas na hangin ang nagpatalsik kay Troy papalayo dito. Itinuon naman ni Troy ang kamay at paa niya sa lupa upang tumigil sa pagtalsik.
"Woaah" sabi ng nakakarami. Hindi ko akalaing kaya niyang sabayan ang atake ni Troy at patalsikin ito nang ganong kadali.
Muling lumiwanag ang tungkod ni Lino at isang bolang apoy mula sa kalawakan ang babagsak papunta kay Troy. Halatang nagulat si Troy pero nakaiwas naman ito agad. Nagkaroon ng malaking pagsabog sa Lumen at ng bumagsak ito ay isang.. isang bulalakaw? I-imposible.
Tumalon sa ere si Troy at itinaas ang palad niya sa kalawakan. Naglabas ito ng mga kidlat at biglang dumilim ang kalangitan. "Lightning Shower!" sigaw ni Troy. At naglabas ng napakadaming kidlat ang langit papunta kay Lino. Paano niya ito iiwasan? Kung shield yan, mawawasak lang yan..
Itinuon ni Lino ang tungkod niya at lumutang sa ere. Ano? Sasalubungin niya? Pero nagulat kaming lahat kung pano niya iniwasan ang napakadaming kidlat ni Troy. Para lang itong nakikipagsayaw sa mga kidlat na wari'y sumasabay sa mga tugtugin.
"Omyghaaad" sigaw ni Sophia
Sophia's Point of View
We are all in awe kung pano iniwasan ni Bessywap ang mga atake ni Fafa Troy niya. Wala pang nakakaligtas sa ataking yon. Hindi lang yon, the way bessywap dodge the attack, that was unbelievable.
Nakinig ko namang pumalakpak si Troy. "Impressive, Lino. Naiwasan mo siya nang walang kahirap hirap." Puri ni Troy.
"Salamat. Ikaw din, naiwasan mo ang bulalakaw. Pero.. hindi mo pa din nararating ang full potential ng mahika mo, tulad ko." sabi ni Lino na kinagulat ni Troy at naming lahat.
"What do you mean?" seryosong tanong ni Troy. "Elemental Users can slay any enemy in just one blow." tugon ni Lino na ikinagulat naming lahat. What did he mean by that? Our powers are half-baked?
"How sure are you about that?" tanong ni Troy. Huminga ng malalim si Lino bago sumagot. "I've known many spells of all elements lately and I've noticed na limitado ang spells na nababasa sa library." seryosong tugon ni Lino. Seryosong nakikinig lamang kami sa mga sinasabi ni Lino.
"Are you insulting the school Lino? Are you insulting us?" Medyo may inis sa tono ni Troy na tanong kay Lino. Umiling lang ang huli at sumagot "I'll help you guys reach your full potential in exchange sa ginagawa mong tulong sa akin sa close combat practice." Napansin namin ang mata ni Lino na magkahalong scarlet at black.
"You are not Lino!" biglang sigaw ni Troy. W-what? He sounded like Lino but yeah, Lino would never do that sa amin. He will be honest ofcourse but not to the point na he will humiliate anyone infront of big crowd like this. Sino siya? Is he possessed?
Umiling lang ito at ngumiti ng sinsero pabalik kay Troy.
Napakabilis ni Troy pero napantayan ni Lino ang bawat kilos ni Troy. Nagpalitan pa ng atake ang magkabilang panig. Naglabas ng madaming electricity ang katawan ni Troy at naglabas ng lightning ang mga palad nito papunta kay Lino. Nawala naman ang tungkod ni Lino. Nabalutan naman ng kulay scarlet ang palad nito at kagaya ng kay troy, naglabas ito ng beam. Walang bumibitaw sa atake, kahit ang lakas na ng vibrations na nalilikha ng mahika nila. Lumikha na din itong si Bianca ng Water Barrier upang maprotektahan kami sa laban nila.
Nagkakabitak-bitak na ang haligi ng grounds. Bakas sa mukha nilang pareho silang nahihirapan. Gamit ang kaliwang kamay ni Lino, itinaas niya ito at mula langit, bumaba ang kidlat at tinamaan si Lino.
"Ugghh" daing ni Lino at bumagsak sa Lupa. Bumangon naman ito na parang hindi man lang nasaktan. Omyghoosh sana okay lang si bessywap.
Bumaba naman sa lupa si Troy at nililito si Lino gamit ang kanyang speed magic. Sa ibat ibang direksyon tumatakbo si Troy kaya nawala sa Focus Lino. Pinagdikit ni Lino ang palad niya at lumiwag ang buong katawan niya ng scarlet color. Sa isang iglap, naging napakadami ni Lino. Napabilib ang lahat sa ginawa niya. Naglabas sila lubid na parang apoy at hinuli si Troy. Hindi naman makawala si Troy sa mga lubid na yon.
Third Person Point of View
Sa kabilang dako, ang tatlong mages sa hangganan ng barrier ay sinasagawa na ang plano.
"Axel, sa bilang ng tatlo, hit the barrier with all your might." sabi ni Alanis. Tumango naman si Axel. "Three, two, GO!" sabay hampas ni Axel sa parte ng barrier. Nawasak naman ito ng tuluyan nang hindi nagriring ang alarm. Walang kahirap hirap silang nakapasok sa loob ng Lumen Academy.
Sa Lumen Academy grounds, biglang bumalik sa iisang bilang si Lino at ang dalawa niyang kamay at napahawak sa magkabilang tenga nito. Nawala ang mahika ni Lino at nakawala si Troy dito. Pero lahat ng taong nasa academy ay nagtataka lalo na ang mga kaibigan ni Lino at si Troy.
"Lino? Are you alright?" Hindi sumagot si Lino at nakahawak pa din ang mga palad niya sa tenga.
"Ahhhhhhhhhhhhhh" sigaw ni Lino at biglang nawalan ng malay sa ere at babagsak sa Lupa. Pero bago pa man siya bumagsak ay nasalo siya ni Troy.
"Lino? Lino! Wake up" sigaw ni Troy pero hindi ito nagigising.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...