4-Shocked

902 65 0
                                    

TROY'S POV

We're here in front of Headmistress Samantha's Office. We brought Lino here in Lumen Academy. Masyadong malubha ang kalagayan niya.

--flashback--

Mabilis na nagtungo si Sophia kay Lino. Ganon din ang iba pa naming kasamahan.

Umuusok ng itim ang pana na tumama kay Lino. At parang nagbabaga ang wound site nito.

"Bianca! Kaya mo ba siyang tulungan?!" pasigaw na tanong ko kay Bianca.

"Sira ka ba? Di ako healer. Pero base sa panang ito, may lason ito. I suggest dalhin naten siya sa Lumen Academy." sabi niya.

Naiyak naman si Sophia.

Ako naman ay binuhat si Lino agad agad at binuksan naman ni Sean ang Portal patungong Lumen Academy.

We will save you. Banggit ko sa isip ko.

--end of flashback--

"Pwede na daw kayong pumasok sa loob". Biglang sabi ni Mara, student assistant ni Headmistress.

Like what she muttered, we entered the room and sit infront of Headmistress's table.

"Tell me what happened." utos ni Headmistress.

"We are in the middle of the search for the enchanter but we get ambushed by dark mages, headmistress". Sinabi ko ng dire-diretso.

Nakita kong nagulat si HM sa aking sinabi.

"They.. wouldn't dare.." gulat niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin HM?" singit ni Albert.

"Etherios already founded the Magic Council years ago as an aftermath of the bloodiest battle of wizards here. Binubuo ito ng pinaka makakapangyarihang mages sa Etherios." sabi ni HM.

"Ibig sabihin, malalakas ang dark wizards na ito at wala silang kinatatakutan." sabi ni Sean.

"Malalakas talaga sila HM. Dalawa lang sila pero nagawa nilang salagin mga atake namin at hindi man lang nagalusan." sabi ni Bianca.

"Nagawa pa nilang saktan ang kaibigan ko!" galit na sabi ni Sophia at napaiyak.

"Who is that guy?" HM asked.

"He saved Troy's Life". sabi ni Albert. Nagulat naman si HM at napatingin sakin.

Epal talaga to minsan. Tsk. Tumingin ako kay HM.

"He saved my life by catching a poisonous arrow for me." sabi ko. "I beg you HM to let him stay here despite him being a mortal." dagdag ko na kinagulat ng mga kasama ko.

"Please HM, nanganganib buhay niya sa mortal world. Nakita na rin niya ung nga kalaban." segunda ni Sophia.

"Hmm. Let me think about. There are rules remember?" She said.

"I hope its for the best, HM". Sabi ni Bianca. Tumango lang si HM. 

"Troy, yung nakalaban mo? Anong magic?" HM Asked.

"Yung nagpakawala ng pana is a shadow magic user." I answered. "Yung isa, di ko alam HM pero kaya nyang gumawa ng monsters." I added.

"Dark magic." bulong ni HM.

"Sa ngay-" mag sasalita pa sana si HM nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang Head Healer dito sa Academy.

Head healer talaga? Confusing. Usually its her subordinates ang nagpupunta dito.

"Maayos na ang batang lalaki." sabi niya ng mahinahon pero seryosong nakatingin kay HM.

Hang on! Akala ko ba malubha? Tsk. I wondered. Hmm.

"Omyghaad vesssyy!! Punta lng po kami HM kay Lino!" masayang banggit ni Sophia.

Tango lang ang sinabi ni HM. Sumunod naman kami kay Sophia. Napansin kong nagpaiwan ang Healer sa loob.

HM Samantha's POV

"Spill the tea." ma-awtoridad kong sabi sa Healer.

"Magaling na siya, Samantha." Banggit nito. Humugot ito ng hininga. "He healed himself". dagdag ni Jean.

Whaat? Healed himself? Ngayon ko lang narinig ito.

"Idetalye mo Jean." sabi ko.

"Nang dalhin siya sakin, yung nagbabagang woundsite ay unti unting naging asul. Kusang natunaw ang panang itim. Kusang nagdikit ang balat nito na parang tinatahi hanggang kahit peklat ay di mo makikitaan." Mahabang salaysay ni Jean.

Nakikinig lang ng

"Hindi lang yon. Ung lason ng pana ay mula sa pangil ng sinaunang serpiyente sa mundo ng Etherios. Isang lason na tanging luha lamang ng isang Fire Phoenix ang makakagamot, na alam nating hindi na nag-eexist ngayon" banggit na mas lalo kong ikinagulat.

I-imposible. Kung ganon kelangan nga namin siyang obserbahan. I suspect he has magic. But why can't I feel it? Weird.

"Kung ganon, maraming salamat Jean. Let's keep it between the two of us, if you understand why." sabi ko.

Tumango siya at umalis na sa harapan ko.

Kung may mahika siya ay mas makakabuti na dito nalang siya. Sa ngayon, kailangan pa namin makuha ang aming pakay sa mundo ng mga mortal. 

THIRD PERSON POV

Mabilis na nagtungo si Samantha sa Magic Council upang ihayag ang balita.

"Samantha, you're are here." Counsel 1.

"There are more pressing issues at hand. Ang alagad ni Poneros. They are coming back." direktang sabi ni Samantha

"Imposible yan! Matagal nang tinapos ni Helena ang laban at alam mo yun dahil andon ka!" Gulat na turan nu Counsel 2.

"Oo. At alam ko din ang kapangyarihan ni Poneros. Ang pana na tumama sa mortal.. taglay nito ang lason ng sinaunang serpiyente na tanging si Poneros lamang ang may kakayahan gawin yon." sabi ni Samantha.

Lalong nagulat sila. Nagbulungan ang labindalawalang myembro ng konseho.

"Bakit nasa mortal ang mga istudyante mo, Samantha" tanong ni counsel 3.

"Inutusan ko sila upang tupadin ang pangako ko kay Helena". sabi ni HM.

"At ano naman yon?" counsel 4.

"Tipunin lahat ng mages sa mortal world at dalhin sa mundo naten." pagsisinungaling ko.

"Kung gayo'y itigil mo muna yang misyon Samantha. Pa-iimbestigahan namin ang nangyari. Maaring mga myembro lamang sila ng tulisan." counsel 10.

"Sige pero I doubt na tulisan sila. Mauuna na ako. Salamat sa oras." lumakad palayo si Samantha.

Helena.. Tulungan moko sa misyong binitawan mo sa akin.. banggit sa sarili ni HM Samantha.

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now