23-Back at Lumen Academy

761 50 0
                                    

LINO'S POV

Sobrang saya ko dahil nakauwe na kami sa Lumen Academy. Halos limang araw din kami nawala dito. Grabe yung experience namin sa Villamore, halos makipagpatayan ang bawat isa sa amin. Hindi ko akalaing madugong misyon talaga yon. Pero masaya ako na maganda ang kinalabasan nito.

Nawala na si Lola Ellah dahil naging isang spirit ko na ang phoenix na iyon. Si Rob naman ang naging bagong punong-bayan sa Village. Masakit sa kanila na wala na ang kinalakihan nilang tagapag-aruga pero mabilis nila itong naintindihan dahil na rin sa biglang pagpapakita ng matanda. Pinagaling din ng luha ni Lola ang lason na kumakalat sa katawan ng bestfriend ko. Ang saya lang kasi kumpleto na kami ulit.

May meeting din kami mamaya kasama si Headmistress para magreport ng mga nangyari. Pero ngayon, aattend muna kami ng klase.

"Lino! Ready ka na ba? Tara na!" rinig kong sigaw ni Carlo. Sa totoo lang, nahihiya akong pumasok. Kasi ewan, feeling ko may nagbago o hindi lang talaga ako sanay.

Lumabas ako ng kwarto. Ngumite naman ako dito kahit alam kong inis na ito sa sobrang katagalan ko mag-ayos. "Tara na!" masaya kong tugon dito. Tumitig naman ito sa akin nang bahagya bago tumango.

Binuksan ni Carlo ang pinto at nagulat ako sa pangalang tinawag niya. "Troy! Pre! Bakit ka andito?" tanong niya sa lalaking masungit.

Napatingin ako dito at nabigla ako ng ngumite ito sa akin ng pagkalaki-laki. "Sasabay ako sa pagpasok." sagot nito habang nakatingin pa din sa akin. Nilingon ako kay Carlo at kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Nagkibit balikat na lamang ako bilang tugon. Naglakad na kami patungo sa history class namin.

"Carlo? May pupuntahan ka di ba pre?" sabi ni Troy. Taas-kilay namang napatingin si Carlo dito pero napalitan ito nang ngisi. "Oo nga pala no? Salamat pre sa reminder! Lino, una na ako!" sabi nito.

"T-teka C-carlo!" aalma sana ako sa kanya kaso hindi na ako nito pinansin. Ang awkward lang kasi dalawa lang kaming maiiwan ni Troy. May paiyak-iyak pako nung nasaktan siya. Nakakahiya talaga!

"Bakit ganyan mukha mo? Ayaw mo ba ako kasabay?" sabi nito at seryosong tumingin sa akin. Napakagat labi ako at hindi nakasagot kaya nagsalubong ang kilay nito.

"May gusto ka ba sa gagong yon?" may inis sa boses niyang sabi sa akin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko. Susko! Hindi naman ako ganon.

"W-wala ah! A-ano bang sinasabi mo jan?" sagot ko pero parang hindi siya kumbinsido. "W-wala akong gusto sa kanya. N-nahiya lang ako kasabay ka!" paliwanag ko dito.

"Why? What did I do?" sagot niya pero this time mas kalmado na. Inilapit niya sa akin ang mukha niya. Tumitig ito saglit saka bumulong. "Crush moko?" Biglang nagtayuan ang balahibo ko at kumabog ang dibdib ko. Naitulak ko siya dahil don.

"Ang hangin mo naman! Kala ko ba lightning element user ka! Parang air element e!" sabi ko dito. Narinig ko naman ang pagtawa nito kaya napalingon ako. Ngayon ko lang narinig ang tawa nito. Mas gumagwapo siya lalo.

"Titigan mo nalang ba ako? O aattend tayo ng klase?" biglang sulpot niya sa harap ko. Natauhan naman ako dahil nakatitig na pala ako sa kanya. "A-attend." yan nalang nasabi ko sa sobrang hiya.

Inakbayan niya ako habang naglalakad. Gusto ko sana alisin dahil nakakaagaw kami ng atensyon sa mga ilang dumadaan sa hallway kaso mas lalo niyang hinihigpitan kaya wala na din akong magawa.

Nakarating na kami sa classroom at bakas ang gulat ng lahat dahil sa pwesto namin ni Troy. Hello! Ikaw ba naman ang akbayan ng strongest Class S Mage sa academy tapos gwapo pa! Chismis talaga ang abot nito.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan namin na ang lalaki ng ngiti sa mukha. Kumaway pa si Sophie sakin. "Bestie bagay kayo ni fafa Troy!" asar niya sakin. Napangiwi nalang ako sa narinig ko. Nakakahiya talaga itong babaeng ito. Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Mukhang tuwang-tuwa pa sa pang-aasar ni Sophie.

"Let's go." aya niya. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapalingon sa iba ko pang mga kaklase. Lahat sila may mapanuring tingin. Ang iba naman nagbubulung-bulungan. Kahit bulong, rinig na rinig ko pa din ang usapan nila.

"Ay siya ba yung Lino? Bakla pala siz." bungad nung babae.

T-teka. Kahit ba dito hindi tanggap ang pagiging bakla?

"Kaya nga e. Bakit ba sila magkasama ni Troy? Ang landi naman."  tugon ng babae sa kausap nito

Malandi? A-ang sakit naman. Bakit ang judgemental naman nila sa akin? Nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

"Siguro ginayuma niyan si Troy. Hindi naman ganyab si Troy sissy di ba. Ano kayang magic niyan no?" sabi  nung isang babae.

Medyo masakit na talaga ang mga naririnig ko. Kapag ba ang isang bakla kasama ang isang straight, ganyan na agad ang mindset? Nakakainit ng ulo. Pero hindi ko din naman sila masisisi, hindi naman talaga ganito si Troy e.

Nakarating na kami sa upuan namin. Akala ko katabi ko si Carlo pero nagpalit pala sila Troy. Si Sophia ang katabi ni Carlo. At katabi ko naman si Troy. Hays. Lalong chismis ito sa mga kaklase ko.

"Hey, Are you okay?" tanong ni Troy. Bigla namang dumating ang prof namin.

"Huh? Oo naman. Tara makinig na tayo." sagot ko. Tumingin lang ito sakin ng may pag-aalala. Gusto kong sabihing hindi kasi andaming kong nakinig na pangungutya pero.. Hays. Napanguso na lang ako.

TROY'S POV

Nakanguso lang ngayon itong katabi ko. I know he's not telling the truth. Lalo na sa bulungan kanina, I know he's that affected. Pero I'm proud na hindi siya pumatol. Hindi siya nakipag-away.

Tumingin ako sa prof namin na kasalukuyang nagdidiscuss sa mga bayani ng Etherios. Kasama na don si Headmistress who fought beside Helena, the strongest mage of the land.

Then, I noticed the guy beside me na nakatitig sakin so I think of something silly. Ewan ko ba pero ang sarap lang niya asarin. Haha!

"Alam ko namang gwapo ako pero wag mo naman masyado ipamukha sa akin." sabi ko. Natigilan ito at napatingin sa unahan. I saw a flush on his face. Damn so cute.

"Kapal mo naman." reply nito at kunwaring may isinusulat sa papel na nasa table nito. Haha! 

Ewan ko ba but this guy has done something to me. I don't know pero I just feel happy when he's around. I feel comfortable.

What have you done to me, Lino?

-----------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now