39 - A Day Before the Magic Festival (P1)

617 40 0
                                    


Lino's POV

Nasa isang madilim na lugar ako ngayon at hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Napakalamig. Parang.. parang walang buhay na kung ano sa mundong ito.

"Anak!", sabi ng isang boses na aking narinig.

"Anaaak!", muling saad nito. 

Hindi ko matukoy kung ako nga ba ang sinasabihan niya ng anak o iba. 

"Sino ka? Asan ka?", balik kong sigaw dito. Umaasa akong sasagot ito ngunit bigo ako. Binalot ng katahimikan ang paligid. 

Tumakbo ako. Mabilis na pagtakbo pero wala padin. Walang nangyayari. Maya maya lang ay parang kung anong usok ang pumapasok sa aking katawan. 

"Ughh.", daing ko at napaluhod sa aking posisyon. "Ahhhhhhh!", muli kong sigaw dahil para bang nag pupumilit itong pumasok sa akin pero may harang.. 

"Magkikita na tayo, anak!", banggit niya.

"--tention"

"Attention all students!", rinig kong sabi. Napadilat ako ng aking mga mata. Iniikot ko ang aking mga mata sa paligid. Ibig sabihin.. isa yong panaginip?

"This will be your last day for practice to prepare for tomorrow.. Our most-awaited Magic Festival. Please enjoy your day. Thank You!", pagpapatuloy  nung nag announce. 

Napabuga ako ng hangin. Bumangon na ako at inaayos ang sarili ko. Ano kayang mangyayari bukas? Naeexcite na ako para dito.  Hindi ko na din masyado inisip kung anong mang ibig sabihin ng panaginip ko. 

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita si Carlo na nakaayos na din. 

"Uy, Lino. Sa Great Hall na tayo mag breakfast. For sure inaantay na tayo don nina Troy.", sabi ni Carlo. Oo nga pala, may usapan kami na sabay sabay kumain dahil na din sa ginawa ko sa kanila kahapon. Isang buong araw lang naman silang hindi makagalaw dahil sa pag activate ko ng Second Origin sa kanilang katawan. Muntik pa nga akong mapatawag ng Hari at Reyna dahil sa nangyari sa bunsong anak nila e.  Haha!

"Let's go?", tanong ko dito.  Ngumiti naman ito at tumango kaya nagsimula na kaming maglakad. 

Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla naming nakasalubong si Beatrice. Napatigil kami ng magsalita ito. 

"Sisiguraduhin kong matatalo ka sa Festival Lino.", seryosong saad niya at biglang nagkaroon ng maraming espada sa buong hallway. Hindi naman ako nagbigay ng kahit anong reaksyon. 

"Pinaghandaan ko ang pagkakataong saktan ka ng hindi ako mapaparusahan. ", sabi niya sabay ngisi. Nawala naman ang mga espada at nagpatuloy sa paglalakad si Beatrice. Hahabulin sana ni Carlo si Beatrice pero pinigilan ko ito. Napatingin naman ito sa akin ng salubong ang kilay at muling bumalik ang  tingin kay Beatrice. 

"Pag nalaman to ni Troy sig-", hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng nagsalita ako. 

"Yun sana ang ipapakiusap ko sayo Carlo. Wag mo nang sabihin kay Troy ang nangyari.", malungkot na sabi ko dito habang nakayuko. 

"Bakit naman? Sumosobra na yun e.", sagot niya. Dama ko ang inis sa sagot niy dahil tumaas ang tono ng pananalita nito. 

Tumingin naman ako dito. "Mas lalong gugulo lang, Carlo. Di naman ako nasaktan e. Kaya wag nalang sana. Pede ba yon?", malumanay na sagot ko dito. 

Tahimik naman ako nitong tinitigan pero seryoso pa rin ako mukha nito. Huminga ito nang malalim at kumalma. "Sige pero sa susunod hindi na pede.", simpleng sagot niya. Napangiti naman ako dito at ganon din siya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakarating na nga kami sa Great Hall. Nakita ko namang kumakaway na agad sa akin si Sophia at Bianca.

"Beshieee ditoooo!", sigaw niya habang kumakaway. Napatawa nalang kami. Nakarating naman kami ni Carlo sa table nila. 

"Hayy nakoo beshieee torture pala talaga ang consequence niyang Second Origin bat di man lang kami binalaan.", reklamo ng aking bespren. Natawa ulit ako dito dahil sa haba ng nguso niya ngayon. 

"Oo nga Linooo grabeeee ang sakit pala talaga non. Halos magdamag kong ininda lahat lahat ng sakit.", gatong naman ni Bianca. Medyo napakamot naman ako sa batok dahil sa mga reklamo nila. Parang ang sama ko nga naman dahil don. 

Napatigin naman kami kay Sean dahil umimik ito. "Ano ba naman kayong dalawa, kayo na ngaang tinulungan nagrereklamo pa kayo..", sabi niya sa dalawa. Umikot naman ang mga mata ng dalawang babae. 

"Pwede ba Sean wag kami?", sabi ni Sophia. "Ikaw nga tong aray ng aray kagabi dahil sa mga yon tapos ngayon feeling cool ka naman jan.", pambabasag niya kay Sean. Nagtawanan naman kami dahil sa kakulitan ng mga ito. 

"Hahahaha! Oo nga isa pa itong si Albert.", sabi ni Bianca sabay turo sa lalaki. "Earth User pero parang di kasing tigas ng bato kung maka-aray! Hahahaha", pang aasar nito sa lalaki. Napuno ulit kami ng tawanan. 

Napatigil ako sa pagtawa ng may naglapag sa harapan ko ng pagkain. Napatingin naman ako. Nakita ko itong sinserong ngumiti sa akin. "Kain ka na. Alam kong gutom ka na.", sabi niya ng malambing. Napangiti naman ako dito. Honestly, medyo di ako sanay sa sweet side ni Troy. Pero nakakakilig din pala. Hahaha!

"Ikaw din kain ka na.", malambing kong sabi dito. Tumango naman siya at muling ngumiti.

"Araaaaaaay!!", sigaw naman ni Sophia. Nagtaka naman kami bakit ito umaray. 

"Oh anyare sayo?", tanong ni Albert dito habang ngumunguya.

"Ang sakit grabe kinagat ako ng langgam, may matamis kasi dito e di ko kinakaya.", sabi niya habang umaakto na parang nagkakamot.

"Hahahaha! Baliw ka na talaga beshiee!", sabi ko dito sabay bato ng balat ng saging. Nagtawanan naman lahat. 

"Omg beshyyy sabi na mahilig ka sa saging ee!!', sabi niya ng malakas kaya lalo silang natawa. Halos namumula na ata ako dahil sa biro ng babaeng to. 

"Soo, ano ba kayong dalawa? Kayo na ba?", tanong ni Sean sa amin. Napatingin naman samin ang lahat. Pawang lahat nag aabang ng tanong. 

"Kalalaki mong tao chismoso ka.", walang ganang sagot ni Troy sa kanya kaya napasimangot ito.

"Ito naman nagtatanong lang.. Hmm! Kay Lino na nga lang.", sabi ni Sean sabay tingin. Parang mga timang naman ang iba pa at sabay-sabay lumingon sa akin. "Kayo na ba?", diretsong tanong niya. 

Tumingin muna ako kay Troy. Ngumiti naman ito sakin. "Hindi pa e. Nanliligaw palang sa akin si Troy", simpleng sagot ko dito. Narinig ko namang tumawa si Carlo. 

"Langya pre! Di pa  palo kayo pero kung bakudan mo sagad.", sabi ni Carlo at tumawa ng malakas. Ganun naman din ang iba. Napa "tss" nalang si Troy dito. 

"Pero Lino tara gumala mamaya sa bayan! Baka may mga booth na kasi bukas na ang festival.", suhestyon ni Sophia. 

"Hindi pede.", biglang sagot ni Troy. Nagtaka naman ako dito pati ang iba. Nakita kong tumaas ang kilay ni Sophia sa narinig niya. 

"At bakit naman, Troy?", tanong niya dito.

"May date kami.", diretsong sagot niya na nag pa-nganga sa amin lalo na sa akin.

_________________________________________________________________________________________________________________________________

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now