31-Past

708 44 0
                                    

Troy Sandoval

Its already late night pero we're still here at the garden. Sobrang sarap sa pakiramdam na kasama ko itong lalaking ito. Ewan ko ba, straight naman ako. Sure ako don. Pero whenever I'm with this man, Damn. Its so relaxing.

"Alam mo ba na masaya ako na napunta ako dito sa academy." Lino said out of nowhere. Binasag niya ang katahimikan naming dalawa.

"Really? Bakit naman?" nilingon ko ito at pansin ko ang biglaang paglungkot ng mukha nito.

"Sa mundo kasi ng mga tao, wala naman akong masyadong masayang ala-ala don." malumanay niyang sabi at napatungo. I felt a slight pain seeing him like that. Napakunot tuloy ang noo ko at naging curious sa gusto niyang sabihin.

"Paano mo nasabi? You grew up in the orphanage di ba? And you're friends with Sophia?" I asked sincerely. Part of me is saying to stop for it might be painful on his part pero.. I just wanna know.

Tumawa lang ito nang pilit. "Hindi naman yun totoo e. Hindi ako lumaki sa orphanage. Yun lang yung sinabi ko kay Sophia para hindi na ako daldalin ng bespren kong baliw." dire-diretsong niya sabi. Akala ko titigil na ito sa pagkekwento pero humugot ito ng hininga.

"Ang totoo niyan, may pamilya akong kinalakihan. May-kaya naman sila kay siguro nagawa nila akong kupkupin kahit may mga anak na ang mga ito. Alam mo nung una, tanda ko masaya kami. Kaso nung dumating ako ng pitong taong gulang, parang nag-iba ang lahat. Madalas nila akong pag-initan kahit ang kapatid ko. Yung tatay ko, madalas ako hatawin ng malalaking kahoy. Yung kapatid ko namang lalaki, lagi akong sinusuntok sa braso. Yung mama ko lang yung maayos ang trato sa akin." sabi nito. May mga tubig nang namumuo sa mga mata niya. Nakikita ko naman na pilit pa din siyang ngumingiti para itago yung lungkot niya.

"Bakit ka naman nila.. sinasaktan?" tanong ko dito. Hindi ko alam kung paano ko ibabato yung tanong na mas magaan. Pumikit naman ito bago sumagot.

"Kasi.. kasi uhm ayaw nila sa bakla. Yung isip kasi sa amin noon, pag bakla salot yan. Walang mabuting maidudulot. Kaya lagi nila akong sinasaktan lalo na kapag may nangyayaring masama sa pamilya namin. Doon ko din narasanan ang kumain ng panis na pagkain. Yun nalang kasi yung tinitira nila sa akin." sabi niya at pumikit. Now I felt so fucking guilty for calling him faggot nung una kaming nagkakilala. Hindi niya deserve yon. I made a mistake kasi I judge him wrongly in the very beginning.

Nagsalita naman ulit ito. "Alam mo ba akala ko yun na yung worst kaso hindi pa pala. Nagkaroon ng trahedya sa pamilya namin. Pinatay sila ng mga taong hindi ko kilala. Pero ang sinisi ng buong bayan non  ay ako. Walang iba kundi ako. Kada may nangyayaring masama sa bayan, ako lagi ang sinisisi nila dahil ako lang naman daw ang salot don" This time nakita ko na ang luhang dumadaloy sa kanan niyang pisngi. To be honest, hindi ko alam how will I respond sa ganitong situation. I-its hard pala.

"Halos araw-araw pinaparamdam nila sa akin na dapat namatay nalang din daw ako kasama ng pamilya. Minsan naiisip ko, siguro tama sila. Dapat nawala nalang din ako." sabi niya na nagpakaba sa akin.

"Shh. Don't say that. I know its not your fault. Wag mong parusahan ang sarili mo dahil lang sa ayaw sayo ng ibang tao." I told him. Tinawanan lang ako nito.

"Gusto ko naman talaga lumaban that time Troy e. Kaso kada lalaban ako, paulit ulit lang nila akong papatumbahin. Kada gusto kong magsimula ulit, ipaparamdam nila sakin na wala nang pag-asa. Yung liwanag na natitira sa akin, pinatay nila." iyak na sabi ni Lino sa akin. Damn. I know the world is harsh pero I never knew it would be this harsh. To think that Lino was only a kid that time, tapos ganun nila itrato? Anong klaseng tao sila? I want to kill them but I will make sure it will not be an easy death for them.

I hugged him tightly and put his face on my chest. Naramdaman kong namamasa na ang dibdib ko dahil sa luha. "Ansaya ko nung dinala nila ako sa kustodiya ng pamahalaan, Troy. Doon ko nakilala si Inay Mercy. Tinanggap niya kung ano at sino ako, kahit madalas niya akong masigawan dahil sa pagiging mabagal at lampa ko kumilos."

He lifted his face and dried his cheeks from tears. Suminghot pa ito at tyaka lumingon sa akin nang nakangiti. "Don sa paaralan ko na nakilala si Sophia. Siya ang nagtatanggol sa akin sa mga bullies sa school until college. And then, this happens. Nasa academy na ako." sabi niya.

Even this kid suffered a lot, nagagawa pa din niyang ngumiti. Halos hindi ko siya nakikitaan ng galit sa mata niya, puro lungkot lang. Suminghot ito at tumawa.

"Sorry ang drama ko. Hahaha. Sana pala di na ako nagkwento. Sabihan mo pa akong toxic." biro niya sa akin. Pinitik ko naman ang ilong nito para matauhan siya sa mga sinasabi niya.

"A-aray! Ako na nga umiyak, ako pa yung pinitik mo jan!" reklamo niya sa ginawa ko.

"Hindi ka-toxican ang paglalabas ng sama ng loob at sakit na nararamdaman. If ganun ang ipinaparamdam sayo ng iba pag nag-oopen up ka, pwes ako hindi. Okay?" seryosong sabi ko dito. Lalo naman itong umiyak at sumubsob ulit sa dibdib ko. Natuwa naman ako sa pwesto namin.

"Uy baka makasanayan mo katawan ko, hanap hanapin mo. Pero okay lang, di naman ako aalis e." asar ko dito kaya hinampas niya ng mahina ang dibdib ko.

"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Sayo na yang dibdib mo." sabi niya at tumingin ulit sa langit.

"Ikaw troy? Ano ang downest moment mo sa buhay?" he said while staring at the sky. Hmm. Ano nga ba? This not my thing to open things up pero sige.

"Compared sayo, siguro wala lang to. Pero I once fell in love with a girl in this academy. Her name was Andrea Santos." sabi ko at lumingon ito sa akin.

"Talaga? Siguro ang ganda ganda niya no? Anong nangyare? Asan na siya?" sunod-sunod na tanong nito. Tinawanan ko ito kasi para itong batang nakikinig ng bedtime stories.

"Yes, she was the most beautiful woman in my eyes. We grew up together in this academy. She's older than me. Lahat ng importanteng events sa buhay ko, andon siya. I became dependent on her presence to the point that her absence killed the happiest part of me." I sighed right after I said that and looked on Lino. Kita sa mata niya ang lungkot.

"She left for unknown reason and have never been found. Others said she was dead but I refuse to believe that. Sabi ko sarili ko, kaya siguro niya ako iniwan kasi I wasn't enough so I decided to be the strongest mage in the academy. I searched everywhere but I found nothing until recently, I decided to accepted the fact that she will never come back." pagpapatuloy ko and then I looked up in the sky.

"Alam mo, siguro nga mas malala yung pinagdaanan ko pero hindi naman ata sapat yun para i-invalidate ko yung pinagdaanan mo." sabi ni Lino na kinagulat ko. Kanina lang umiiyak ito pero he turned into a mature-thinking Lino again.

"I'm sure masakit yan kasi nakasanayan mo na nanjan siya e. Alam mo ba yung mas masakit? Yung hindi siya bumalik ng hindi mo alam ang dahilan." sabi niya. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nito.

"Yeah. Thats the saddest part. And to think that I've been waiting for so long, I started thinking na siguro may ibang nakalaan talaga para sa akin." sabi ko dito at tinignan siya sa mga mata niya.

Ngumiti muna siya sa akin tyaka tumingin ulit sa langit. "Siguro nga mayroon ibang para sayo."

Yeah, I think I found the one.

-------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now