LINO'S POV
Kriiing Kriiiiing!
Shocks! Ang lakas naman non! Kelan pako nagka alarm clock? Malakas pa sa katok at boses ni Inay Mercy.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Hindi na naman bago sakin ito dahil ganitor rin ang gising ko sa bahay-ampunan. Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako ng may hain sa lamesa si Carlo at kapwa bihis na din.
"Good morning, Lino!" masiglang bati niya sakin.
"Good morning rin, Carlo. Teka kala ko ba sa Greall Hall lagi ang breakfast?" takang tanong.
"Hindi no. Pwedeng hindi. Depende kung saan mo gusto. Tara kain na tayo! Nagluto ako para sa atin." yaya niya sakin. Natuwa naman ako. Ambait naman nitong lalaking to.
Dahil gutom na din ako. Kumain na ako. Nakita ko siyang napatawa sa inasta ko. Bakit ba gutom na din ako no.
Maya-maya lang.
"Attention all students of Lumen Academy" narinig namin ni Carlo kaya naagaw ang atensyon namin. "All classes for today are cancelled. You are advised to roam around the academy for your own good. Thank you!" biglang nawala ang boses.
"Yess!!" sabay naming banggit ni Carlo.
Napagdesisyonan namin ni Carlo na kami nalang dalawa ang magkasama para sa tour namin dito sa Academy. Excited na ako!
Habang naglalakad kami sa hallway. Kita ko ang mga litrato na gumagalaw. Napakaganda talaga. Nakaka amaze. May mga estudyante rin na masayang nag-uusap usap sa paligid.
"Btw Carlo , ano palang ability mo?" biglang tanong ko.
"Ice-making magic." sabi niya ng nakangiti.
"Naks naman! Sample nga!" biro ko.
Sa isang iglap, nakagawa siya ng mahabang espadang gawa sa yelo.
"Woooow" nasabi ko nalang habang pumalakpak kaya napatawa siya ng husto.
"Vessyyyy!!" rinig kong sigaw.
"Sophia!!" patakbo kong sabi. Nagyakap kami. Nakita ko siyang napatingin kay Carlo. Ngumisi ito sabay bulong sakin. "Infairness bessy magaling ka pumili. Cute siya." sabi niya.
Napasimangot ako. Baliw talaga to. Kung kani kanino ako pinapares! Hayss. Nagawi naman ako ng tingin sa likod niya. Kasama pala niya sina Troy. Ngumiti ako sa kanila pero nawala ang ngiti ko ng nakita kong masama ang tingin ni Troy sakin.
"Bessy okay kalang? Hmm tara ikot tayo sa academy!" masayang sabi ni Sophia.
"Naku sophie sorry pero kasi kasama ko si Carlo. Nakapag promise na kasi ako na magkasama kami e." nanghihinayang na sabi ko. Si Sophia naman ay nag bigay ng nakakalokong ngiti.
"Okay lang yun bessy!" sabi niya. Bumulong siya sakin "Enjoy with your fafa Carlo". sabay alis niya at ng ibang mages.
Natigilan ako at napasigaw nalang ng "Baliw!!".
Narinig ko naman siyang tumawa. Nang tumingin ako sa likod, bakas sa mukha ni Carlo ang gulat.
"Kaibigan mo sila?" tanong ni Carlo.
"Oo carlo! Sila ang nagligtas sakin." sagot ko nang nakangiti."Malalakas sila. Mga Class S mages sila. Mga elements of nature ang magic nila." seryosong sabi ni Carlo.
"Class S?" Tanong ko.
"Pag Class S Mage ka, meron kang malakas na magical ability, kaparehas ng mga prof na andito sa Lumen." sabi niya.
Nagulat ako. Wow. Ganon pala talaga si kalalakas.
"Ah ganon ba? Hmm. Yaan na naten yang S na yan haha. Umikot na tayo sa Academy." nakangiti kong sagot. Ngumite din naman ito.
Naglabas siya ng mapa. Teka. Ganon yon kalaki?
"So ito ung Lumen Academy. Para itong kaharian na may matatayog na gusali. Kadalasan ng rooms for classes nasa loob nito.
Itong dormitory ng lalaki ay nasa left wing. Yung sa girls naman ay sa right wing.
May malawak na field dito kung saan nagaganap ang mga tournaments. May Great Hall para sa dinner at official announcements.
May gymnasium para sa different combat skills. May dungeons din." wika ni Carlo.
--fast forward--
Grabe nakakapagod! Gusto ko na matulog. Huhu
"May isa pa tayong di napupuntahan. Bulwagan ng mga bayani." sabi ni Carlo.
"Ano? Meron pa? Parang di ko na kaya." sabi ko.
"Tara na!". sabi niya.
Pagkarating namin sa silid na yon. Naagaw ang atensyon ko ng isang babae.
"Helena" binasa ko ang nakasulat sa ilalim ng portrait ng babae.
"Sabi ng parents ko, siya daw ang most powerful mage of all time." biglang singit ni Carlo.
"Eh? Paano siya naging bayani?" tanong ko.
"Siya lang naman ang dahilan kung bakit wala ng dark mages na gustong sumakop sa Etherios. Sabi nila nagsakripisyo siya." sabi ni Carlo.
Napakunot noo ko. Etherios?
"Ah grabe. Ang heroic naman niya." yan nalang nasabi ko.
Napatingin naman ako sa kabilang portrait at nakita ko ang batang version ni HM Samantha.
"HM Samantha." wika ko. "Bayani din siya? Wow!" dagdag ko.
"Hahaha. Oo. Lumaban siya kasama si Helena." sabi ni Carlo.
Ahh okaaay. Grabe pala. Nakakaproud na nakilala ko si HM Samantha.
Lumabas na kami sa bulwagan. Napatingin kami sa labas. Nakita namin ang academy na binalot ng parang shield.
"Amazing isn't it?" sabi ni Carlo.
"Oo. Pero bakit nilagyan ng Shield?" takang tanong ko.
Nagkibit balikat nalang si Carlo.
Pagkatapos non ay nagpasya na kaming bumalik ng dorm at magpahinga.
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasíaThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...