1-Glimpse of Magical Prowess

1.4K 72 2
                                    

LINO GONZALES POV
[18 years later]

"Anak, magiging ligtas ka, alam ko. Patawad at kailangan kong gawin ito para sayo."

Tok tok tok!

"Lino! Lino! Bumangon ka na diyan. Tulungan mo na ang ibang bata maglinis ng bahay-ampunan."

Dahil sa lakas ng katok at boses ni Inay Mercy ay napilitin na nga akong gawin ang gusto niya. Pero bago yon, syempre hygiene-check muna. Naghilamos at toothbrush muna ako.

Ako nga pala si Lino Gonzales, 18. Tama kayo nang pagkakabasa. Nakatira ako sa bahay-ampunan. Sabi kasi ni Nay Mercy, nakita nalang nila ako nung sanggol palang ako sa labas ng ampunan. Kaya napagpasyahan nilang kupkupin ako.

Mahiyain talaga ako. Hindi naman ako panget pero basta madalas mahina ang loob ko. Kasi ano, uhm, bakla kasi ako. Madalas din akong tinutukso ng iba dahil dito.

Ganito na gawain namin sa ampunan. Gising ng alas singko. Maglilinis then papasok na sa school. Yeah guys. You heard it right. Napasok ako at nasa kolehiyo na. Kumukuha ako ng kursong BS Mathematics sa isang unibersidad dito.

Nang matapos ako sa paglilinis ay nag-agahan na din ako. Pero hindi ko maiwasan maalala ung boses ng babae sa panaginip ko. Lagi ko siyang napapanigipan. Tapos anak pa ang naririnig ko. Ako kaya yon? Ba yan. Makakain na nga lang.

Pagkatapos ay naligo na din ako. At nagprepare para pumasok sa univ.

Habang naglalakad, medyo may araw na din kasi kaya pinagpapawisan na agad ako.

"sana humangin naman" wika ko sa aking isip.

Maya maya ay sumipol ang hangin ngunit banayad ang pagtama nito sa akin.

Saraap sa feeling! Bait talaga sakin ng kalikasan.

Nang makarating na ako sa univ ay binati agad ako ng aking favorite person!

"Hi Lino!! I miss you bessywaps! How are you? Are you having fun? Interlude." -masayang bungad ni Sophia sakin sabay yakap.

Yumakap din naman ako bilang ganti.

Siya nga pala si Sophia, bestfriend ko since HS. Kalog talaga to! Tas.. wait.. parang alam ko ung "Are you having fun? Interlude na yun?" Anyways

"Hello Sophia! Same!" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Naglakad na kami patungo sa room. Habang naglalakad,

"Bessy alam mo ba yong proof nung sa bijection dapat ung sa problem naten sa combinatorics? Shemay friend ang hirap talaga. Patay ako sa prof naten" Ensaheradang banggit nito.

"Meron naman kaso.. uhm.. di ako sure." Sabi ko ng may pag aalinlangan.

"Sows bessy lagi kang ganyan, di sure pero may gaad perfect naman. Pakopya ah?" Sabi ni Sophia habang sinusundot ang tagiliran ko.

"Haha baliw ka.. sige basta ibahin mo lang wordings para di tayo halata" sagot ko na ikinatuwa niya nang malala.

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Pagkarating namin ng classroom, sabay pasok ng prof namin sa first subject - Si Prof. Cynthia. Btw ang first subject namin is Graph Theory.

"Good morning, class!" bati ni Prof. Cynthia

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now