Lino's POV
Andito kami ngayon sa HM office para sa misyon na kung saan di ko alam bakit at paano ako nakasama. Maging ang kaibigan kong si Carlo napadamay dito.
"Kailangan niyong makarating sa Village of Villamore." Sabi ni HM. Ano bang meron don?
"HM alam ba ng Magic Council ito?" tanong ni Troy. Bigla namang naging seryoso ang aura ni HM. Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita.
"Sa katanuyan niyan, tayo mismo ang napili ng Magic Council upang gawin itong delikadong misyon na ito. Matagal nang sinusubukan ng mga tauhan ng hari at ang magic council na tulungan ang bayan na ito. Ngunit ni isang ipinadala nila ay hindi na nakabalik." Mahabang salaysay ni HM.
Ano? Nakakatakot naman yan. Mukhang patayan talaga ito ah? Pero bakit mukang masaya pa itong mga kasama kong ito.
"Kaya sana mag-iingat kayo." dagdag ni HM. Tumingin siya sa amin ni Carlo. "Pinasama ko kayo para tulungan ang Class S mages. Alam kong makakatulong kayo." Sabi niya.
"So paano po kami pupunta don HM?" tanong ni Bianca. Pumikit si HM at sandaling nag-isip at muling tumingin sa amin.
"Maglalakbay kayo. At hindi gagamit ng teleportation spell or magic. Sa palagay ko mas magiging maayos ang ganong stratehiya." sabi niya. Inilahad niya ang palad niya na wari mo'y may ibibigay at biglang nilabas nito ang isang papel na nakarolyo.
"Mapa para sa paglalakbay niyo. Go on. Take Care and look at each others' back." Paalala niya samin.
"Yes Headmistress." sabay sabay na sabi namin.
Naglalakbay kami ngayon sa kagubatan. Napakadilim dito. Tanging liwanag lamang ng nanggagaling lamang sa buwan at sa apoy na likha ni Sophia. Samantala, habang binabaybay namin ito, masaya namang nagkekwentuhan ang mga kasama ko.
"Grabe! Ano kayang dahilan bakit hindi nakakabalik ang mga pinadala ng konseho no?" bungad ni Albert.
"Kaya nga e. To think na sigurado tayong malalakas ang lahat ng iyon." sabi ni Bianca.
"Sus! Kaya naten yan. Magkakasama naman tayo e." sagot ni Sean.
Bat parang kalmado lang itong mga ito? Pero kanina pa ako natatakot. Hindi naman ako takot sa dilim pero kasi kagubatan na ito. Baka may multo.
"Hoy Carlo! Sanay ka ba sa labanan?" tanong ni Sophia. Oo nga no? Mukhang magaling siya sa labanan dahil dun sa activity namin.
"Hmm. Medyo. Tine-train ako ni mama na makipaglaban. Para daw sa safety ko na din." sagot nito. Ah wow! Grabe pala. Kaya siguro napili din siya ni HM.
"Naks naman! Sure ako magiging masaya mamaya! masayang sabi ni Sophia. Masaya? Anong masaya pag alam mong totoong laban ang mangyayari. Napansin ko namang kanina pang walang imik si Troy kaya hinanap ko kung nasan ito. Nakita ko naman itong nakatingin sakin kaya medyo nahiya ako.
"Lino, come here." tawag ni Troy.
Huh? Anong pakay naman neto sakin? Napatingin naman ang lahat at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. Mukhang nakuha naman niya ang naging reaksyon nila.
"Just wanna ask something. Mind your own business." seryosong banggit nito. Bumaling naman ang tingin nito sa akin kaya nagmadali akong pumunta sa tabi nito.
"Afraid?" tanong nito. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sakin nang may sinseridad. Nakakatuwa naman tong lalaking ito. Kahit papano naaalis na yung pagiging bad boy image niya sakin. Pero sa totoo lang takot talaga ako. Hindi ako sanay sa ganito.
Tumango ako. "Hindi ako sanay e. Unang beses ko din. Tapos hindi pa ako sanay sa magic ko." malumanay kong sagot sa kanya. Napakagat din ako sa labi ko dahil don. Feeling ko kasi baka maging pabigat ako sa misyon na ito.
Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa. Inakbayan niya ako at dinikit lalo sa katawan niya. Damang dama ang singaw ng init ng nito. Naamoy ko din ang amoy lalaki pero mabangong amoy nito. Kung sobrang liwanag lang, malamang kita na nila na pulang-pula ang mukha ko ngayon.
"Dikit ka lang lagi sakin. I'll keep you safe." sinserong sabi nito. Napatingin ako sa kanya. Kahit nakatingin ito sa daan alam mong gwapo itong nilalang na ito.
"S-salamat T-troy." yan nalang nasabi ko. Hays ang swerte ko naman.
"Yieeeee beshieeee!! Bat parang namumula ka?" sabi ni Sophia habang nakatutok sakin ang apoy niya. Gaga talaga itong bruha na ito. Nakakahiya!
"Sira hindi ah! Baliw ka talaga." sagot ko na parang nahihiya. Narinig kong nagtawanan ang lahat maliban kay Troy. Seryoso pa din ang itsura nito.
"Ikaw naman bessy di ka mabiro alam mong -"
"Iwaaaaas!!" sigaw ni Troy. Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at nagkaroon ng makapal na usok kung saan kami nakatayo kanina. Grabe!! Kung di kami nakaiwas deads na kami!! Napansin ko nalang na nakayapos sa akin habang nakalutang kami sa ere. Ganon din ang iba kong mga kasamahan na mabilis na nakaiwas. Bumaba si Troy sa lupa at seryosong nakatingin sa aming harapan.
"Ang lakas non ah!!" sabi ni Carlo.
"Kung tinamaan tayo, malamang patay tayo." sagot naman ni Albert.
"Ola!" biglang singit ng isang boses. Nagulat kami dahil may ibang tao sa gubat na ito. Nanggaling ang boses kung saan nakatingin ng seryoso si Troy. Grabe ganito ba kagaling ang lalaking to? Kahit balot ng usok yon nakita niyang andon sila?
"Sino kayo!?" tanong ni Sophia. Ikinumpas naman ni Lino ang kamay niya at nawala ang usok. Nakita namin ang pitong mages na nakatingin sa amin na nakalutang sa ere. Kita kong naging lalong seryoso ang mga itsura ng mga kasama ko.
Ikinumpas nung babaeng may sobrerong patilos ang kamay niya at nagkaroon ng mga itim na bilog sa paligid namin. Mga bomba?
Bigla nalang sumabog nang ang mga bombang nasa paligid namin.
Troy's POV
The fuck!! Bomb?! Teka si Lino! Akmang pupuntahan ko siya sa may likod nang bigla nalang sumabog ang bomba sa paligid. Alam kong walang nakapaghanda sa amin sa biglaang pag sulpot ng mga bomba.
Wala akong naramdaman. Akala ko manhid na ako dahil sa amputations na pwede kong makuha. Pero nang mawala ang makapal na usok. Wala man lang akong galos ni isa.
Napatingin ako kay Lino na sa seryosong nakatingin sa kalaban. Hindi kaya..
"Enhance resistance to bomb and any kind of explosives." bulong nito. Pero sapat para marinig naming mga kasama niya. Ang bilis niya mag isip.
Napatingin naman ako sa mga kalaban namin at halatang hindi nila inaasahan ang nangyari.
"P-panong.." sabi nung babaeng may matulis na sombrero.
Nakita ko namang itinutok nung lalaking nasa gitna na mahaba ang buhok ang kanyang kamay sa amin at lumabas ang isang parang beam na spiral na may kulay na green, yellow at red patungo sa amin.
Bigla nagkaroon ng rock wall. Sigurado akong gawa ito ni Albert. Maya maya biglang nabutas ang wall na ito.
"Piercing Magic." bulong ulit ni Lino. Teka bat andaming alam neto? Kala ko ba takot to.
"Maghiwa-hiwalay tayo!" sigaw ko. Hinablot ko agad ang kamay ni Lino at mabilis na pumunta sa ibang direksyon. Ganun din ang ginawa ng iba kong mga kasama.
"Habulin sila!!" sigaw ng lalaking nasa gitna. Sino ang mga ito?
-------
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...