19-Free Time

749 56 1
                                    

Lino's POV

Nakakapagod ang naging experience namin kanina. Dumating nga pala kami dito sa Village of Villamore ng halos bukang-liwayway na. Buti nalang bukas pa kami maglalakbay para tuluyan nang wasakin ang kristal na yon.

Kasalukuyan ako ngayong nasa kwarto kasama si Carlo. Siya kasi talaga ang roommate ko kahit don sa Lumen Academy pa kaya kahit papano mas sanay na ako kasama siya.

Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung nangyari kanina nung niyakap ako ni Lola Ellah. Madaming kaalaman ang bigla nalang pumasok sa utak ko. Mga abilities na sa palagay ko, para sa akin talaga. Patuloy kong iniisip ang mga ito nang may kumatok sa pintuan namin.

"Carlo! Lino! Kakain na! Pinapatawag na tayo ni Tandang Ellah!" sigaw ng tao sa kabila. Sa palagay ko si Kuya Rob yon. Mas malagong kasi ang boses niya kesa kay Kuya Rain.

"Sige po kuya!!" sigaw ko pabalik. Lumipat naman ako sa kasama ko at tinapik ito sa may braso. "Uy Carlo! Kakain na. Bangon ka na!" sabi ko. Mabilis naman itong bumangon at inayos ang sarili.

Paglabas namin ng pintuan, andon na din mga kasama namin. Masama namang nakatitig si Troy kay Carlo. Ano na naman kayang problema nito? Puyat siguro? Nagkibit balikat nalang ako sa inasta nito.

Masaya naman kaming nagkekwentuhan habang naglalakad papunta sa hapag-kainan. Inusisa ko din si Sophia. Sabi nila nagpapagaling pa din ito. Mamaya dadaanan ko bestfriend ko.

Nang makarating na kami sa hapag-kainan, agad na umupo si Troy sa tabi ko at umakto na parang normal lang ang ginawa niya. Nagtataka naman akong napatingin dito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko dito. Hindi ko kasi talaga siya maintindihan.

"Nakaupo. Masama na ba umupo ngayon?" sarkastiko niyang sabi sakin. Hmp! Suplado talaga. Akmang tatayo na ako para lumipat ng upuan nang pigilan niya ako. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Sit." ma-awtoridad niyang utos. Damang dama ko sa tenga ko ang mainit niyang hininga. Minsan curious ako sa toothpaste niya. Ang bango kasi talaga lagi ng hininga niya.

Naagaw ang atensyon namin ng nagsalita si Lola Ellah.

"Mga apo, magsikain na kayo. Wag kayong mahihiya." sabi ni lola.

Napatingin ako sa lamesa. "Wow ang sasarap ng pagkain! Gusto ko lahat!" bulong ko sa sarili ko. Nakarinig naman ako ng bungisngis sa paligid kaya napatingin ako sa mga ito. Narinig pala nila ang bulong ko, nakakahiya. Napahiya na din ako kumuha ng mga pagkain.

"Sige lang, Lino! Kumuha ka. Cute ka pa din naman kahit tumaba ka." asar sa akin ni Kuya Rain. Lalo akong nahiya sa sinabi niya.

Nagulat nalang ako nang may naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Tumingin ako kung kaninong kamay yon. Nanlaki ang mga mata ko. Kay Troy pala. Napatitig ulit ako sa mukha nito. Kahit ang seryoso ng mukha niya, ang gwapo pa din niya.

"Eat. Kumain ka nang madami." sabi niya saka ngumiti sa akin. Ngumiti din naman ako dito. Ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa ni Troy. Feeling ko importante ako sa kanya.

"Ang sweet naman pala ng nobyo mo apo!" masayang sabi ni Lola Ellah. Nagtawanan naman ang lahat. Kahit sina Carlo ang lalakas ng tawa. Gosh hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi ni Lola. Feeling ko sasabog na mukha ko sa sobrang pula.

"Naku Lola hindi ko po siya nobyo! Nagkakamali po kayo. Mabait lang po talaga siya sa lahat." paliwanag ko dito.

Tinawanan lang ulit nila ang mga sinabi ko. Hayss. Iba talaga pag napag-kakaisahan ka. Pero bakit itong katabi ko parang hindi man lang apektado sa pang-aasar sakin ng mga kasama namin? Napanguso ako dahil dito.

"Lino, apo, nababahala ka ba sa mga ipinakita ko sayong mahika?" sabi ng isang tinig. Alam ko na agad na si Lola Ellah ito. Nakikipag-usap siya gamit ang kanyang isip.

"Opo, Lola. Ano po ba ang mga iyon? Bakit po nakikita ko si Helena na ginagamit ang magic niya?" sabi ko sa aking isip.

"Dahil sa palagay ko, parehas kayo ng mahika ni Helena. Parehas kayong enchanter. Lahat ng mga nakikita mo ay mga nasaksihan kong pag gamit niya ng kanyang abilidad." sabi ni Lola Ellah.

Parehas kami ni Helena ng mahika? Pero ano ba ang mahika ni Helena? Ano pag sinabing enchanter?

"Nababasa ko ang isip mo, apo. Ang mahika ni Helena ay may kakayahang maglagay at mag-alis ng mahika sa kahit ano. Depende na lamang sa imahinasyon mo kung paano mo siya gagawin." sabi ni Lola.

Ibig sabihin din ba non magagawa ko pong alisin ang dark magic sa kristal? Tama po ba?

"Siguro apo. Pero mas gugustuhin kong wasakin niyo na lamang ito nang tuluyan. Dahil ang kristal na yon, maaari nitong mabuhay ang pinakamakapangyarihang dark mage dito sa Etherios." seryosong banggit ni Lola Ellah.

Pinaka-makapangyarihan? Sino yon? Napag-aralan ko yon wait.

"Makinig kayong mabuti." sabi ni Lola Ellah. "Mga apo, gusto ko rin sana malaman ang mga kakayahan niyo." hiling niya. Bigla naman akong natauhan dahil sa biglang pag-imik ni lola.

"Ako po Earth-element user, si bianca naman po ay water, si Sean ay air, si carlo ay ice, si sophia po ay fire, si troy naman po ay lightning. Si Lino po tandang Ellah hindi pa namin alam." sabi ni Albert habang isa-isa kaming itinuturo.

"Si Lino ay isang high-enchanter." biglang sabi ni Lola Ellah. Sabay-sabay naman napatingin ang lahat sa kanya at nagpakita ng gulat na mukha.

"A-ano/What?" sabay-sabay nilang sagot.

"Base sa nakwento sa akin nina Rob at Rain, ang resistance sa bomba at ang malaking mata sa kalawakan. Lahat ito ay advance enchantments abilities na si Helena lamang din ang nakakagawa." pag-kwento ni Lola.

Inilibot ko ang mga mata. Kahit si Troy ay gulat din sa kanyang mga narinig. Pero bakit parang big deal sa kanila na isa akong enchanter? Anong meron?

"Is he Helena's child?" diretsong tanong ni Troy.. Nagulat ako sa sinabi niya. Nakita ko namang bumuntong hininga si Lola Ellah bago nilingon si Troy.

"Hindi. Hindi ko alam." sabi ng matanda.

Teka ano na bang nangyayari?

-----------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now