27-Unison Raid

729 52 3
                                    

Lino Gonzales

"So class for this activity, you need to be grouped into five." umpisa ni Sir. Ano naman kayang activity to? Last time napakalamig talaga.

Andito nga pala kami sa Lumen Academy Ground kung saan isa ito sa mga training ground ng mga mages. Para itong Athens, Greece. Napakalawak nito at napapaligiran ng mga structured layered rocks na uupuan ng mga manunuod. Dinala kami dito sa pamamagitan ng portal na ginawa ni Prof. Arturo.

"Btw, before I forget, Class S Mages, kayo ang magkakagrupo. Kailangan ko makita how you guys fight." sabi ni Sir. Ayy. Hindi pla kami pede magkagroup nina Sophia.

"Sayang pala troy hindi tayo magka-group." malungkot kong sabi sa katabi. Napangisi naman ito sa akin. "Yiee gusto moko kagroup no? Mamimiss mo siguro ako." asar niya sakin. May mas kakapal pa ba sa mukha ni Troy? Sarap pitikin ng noo. Kung di lang tao matangkad at malaki ang katawan nasuntok ko na ito.

"Ewan ko sayo! Napakahangin!" singhal ko dito. Inalo naman niya ang likod ko na kunwari'y kinocomfort ako. "Pwede mo naman aminin, di ko naman ipagkakalat." bulong niya sakin kaya nanlaki ang mata ko. HMP! Konti nalang gagawin ko tong aso! Nahigit ko naman ang tenga nito.

"A-aray ano ba! Masakit! T-tigil! Behave na ako promise." isip bata nitong turan. "Good! Sa susunod dalawang tenga na hihilahin ko." sabi ko dito. Napahawak naman ito sa tenga niya.

"Grabe magiging battered husband pala ako sayo." bulong nito pero hindi ko na narinig.

"Okay guys! Nakahanap na ba kayo ng kagroup niyo?" tanong ni Sir kaya naagaw ang atensyon namin. Oo nga pala. Shet nakalimutan ko na.

"Class S Mages magsama sama na." utos ni Sir. Kaya walang magawa si Troy kundi sumama na kina Bianca. Habang tinitignan ko si Troy papalayo ay siya namang lapit ni Carlo sa akin. "Groupmates?" nakangiti nitong sabi sakin. Natuwa naman ako kaya tumango din ako dito habang nakangiti. Nag-apir naman kami.

"Uhm, excuse me, pwede ba ako sumali sa team niyo? Lahat kasi sila lima na." sabi ng boses mula sa likod namin. Nagulat naman kami ng humarap dahil ang prinsipe pala ang nagsalita. Napa-bow naman kami as sign of respect.

"Syempre naman mahal na prinsipe." halos sabay naming sabi ni Carlo.

"Ano ba kayo. Haha. Arthur nalang. Ayos lang sakin. Ano palang pangalan niyo?" tanong niya sa amin.

"Carlo." casual na sagot ni Carlo.

"Ako naman po si Lino." sabi ko dito. Napatingin naman ako kina sophia para i'goodluck sila kaso ansama ng tingin ni Troy sa amin. Ano na naman bang problema non?

"Okay so we have six groups of five. Hmm. May isang grupo na tatlo lang ang members but that's okay." sabi ni Sir habang nakatingin sa amin. Dama ko naman ang mapanuring tingin ng mga kaklase kong babae dahil kasama ko sa grupo si Prinsipe Arthur. " Class S Mages, mauna na kayo. Sampa na sa stage at daldalhin kayo ng portal sa training ground." anunsyo ni Sir. Sabay sabay naman silang pumunta don at nawala.

Biglang may nagflash na screen sa amin. Nasa isang kapatagan sina Troy. Kita rin naman ang confidence sa kanila na parang wala lang ang activity. Kita din namin na naglalakad sila at biglang lumabas ang isang Demonic monster. Sobrang laki nito na may mahahabang sungay at pangel pero katawang tao.

Troy Sandoval

Ito na yung activity? Napakasisiw.

"Guys! Let's go!" sabi ko at sabay sabay kaming kumilos. Alam na ng team mates ko ang gagawin. Usually si Sean ang unang aatake.

Ginawa naman niya. Napalibutan ng hangin ang halimaw at tumilapon pero parang wala lang ito sa halimaw. May lumabas naman na laser beam sa mata nito. Kulay pula ito at kita namin na ang lahat ng tatamaan nito ay sumasabog.

Sunod sunod na umate sina Bianca, Albert, at Sophia. Pero ina-absorb lang nito ang apoy at tubig. Wala namang epekto dito ang mga lupa ni Troy.

Formidable enemy. Ginawa ni sir na resistant sa magic namin ang kalaban pero huh. Wala yan sa amin.

Kaya ako naman ang sumugod.

Lino Gonzales

"Speed Magic." malakas kong kumento sa ginawa ni Troy. Sobrang bilis nitong kumilos. Halos hindi masundan ng kalaban ang galaw niya. Nakagawa rin ito ng espada mula sa kidlat na kanyang hinihiwa sa bawat atake niya sa halimaw.

"Very good, Mr. Gonzales. You easily identified the attack of Mr. Sandoval while others are still buffled with his technique." puri sa akin ni Sir. Nagpalakpakan naman ang mga kagrupo kaya medyo nahiya ako. "Ano pa ang naoobserbahan niyo?" tanong ni Sir.

Halos wala namang gustong sumagot dahil siguro naaaliw sila sa mga napapanuod nilang ginagawa ni Troy. Kaya ako na ang nagtaas ng kamay. Tumango naman si Sir.

"Halatang Tactician si Troy, prof. Habang inaatake ng kapwa mages niya ang kalaban, na-identified niya agad ang weakness nito. Ginamit din niya ang size ng kalaban para maging pabor sa kanya ang laban." sagot ko dito. Napangiti naman si Sir. "At habang inaaliw niya ang kalaban, binigyan niya ng sapat na oras ang mga kakampi niya para mag-isip ng atake." dagdag ko kaya napalingon si Sir sa screen. Nanlaki naman ang mata niya sa kanyang nakikita.

"I-ito ay a-ang" nauutal nitong sabi kaya ako na ang nagpatuloy.

"Unison Raid. Only few mages lang ang nakakagawa ng unison raid. Kailangan ng matinding concentration at will para magawa ito." sabi ko kaya muli siyang napalingon sa akin. "And to think na Unison Raid of the four elements of nature? It's impossible to think pero nararapat nga silang tawagin na Class S Mages." sabi ko at tumingin sa mga kaklase ko.

Nagulat naman ako dahil lahat sila nanlaki ang mata at di makapaniwala na nasabi kong iyon lahat. Kahit ang prinsipe ay nanlaki ang mata. Nahiya naman ako sa nakikita ko.

"Share ko lang po sir. Sorry ang dami kong sinabi." sabi ko dito habang nakatungo.

"No, i'ts okay. Its the first time in my class to have someone to fully and correctly identified the difficult art of unison raid." sabi ni sir kaya napangiti ako.

Napabalik kami sa screen at kita namin ang sobrang liwanag na unison raid. Bilog ito at umiilaw. Mabilis naman pumunta si Troy sa mga kaibigan at sumali sa spell.

"In that instant?" banggit ko ng malakas dahil naging united agad ang kapangyarihan niya sa mga kagrupo nito. Muling napatingin sa akin ang mga kaklase ko.

Mula screen, nakita namin na naging napakalakas na beam nito at tumama sa halimaw. Nakita naming butas ang dibdib nito at sumabog ang natitira nitong katawan at naging alikabok na lamang.

Lahat kami ay hindi makapaniwala sa nangyari. Bigla namang nawala ang screen at lumitaw sina Troy sa stage. Nagpalakpakan naman kaming lahat dahil sa sobrang amazing na pinakita ng Class S Mages.

"Excellent!! Great Job!" sigaw ni Prof habang pumapalakpak. Napatingin naman sa akin si Troy kaya nag thumbs up ako sa kanya tapos ngumiti. Kinindatan naman ako ng luko kaya napasimangot ako.

"So who's next?" tanong ni Sir.

Shemay wag sana kami. Tatlo lang kami.

--------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now