TROY'S POV
Andito na kami sa mansion ko. Medyo nakonsensya naman ako sa ginawa ko sa baklang yon.
Tsk. Pero di talaga ako pede magkamali. Nakaramdam ako ng malakas na mahika sa kanya pero bigla itong nawala.
Hindi lang yon. Nagawa niyang ibalik ang hininga niya at labanan ang spell ni Sean.
"Hindi ako kumbinsido." Biglang turan ni Sean.
"Saan?" takang tanong ni Bianca.
"Kay Sophia. Na walang mahika si Lino. Imposible lang." banggit ni Sean.
Sa totoo lang. Sang ayon ako sa kumag na to. Imposible lang talaga.
"Basta ako naniniwala." biglang singit ni Albert. "Mukang nagsasabi ng totoo si Lino. Nararamdam ko ang vibration ng tibok ng puso niya. Nagsasabi niya ng totoo." Dagdag nito.
May kakayahan nga pala itong kumag na to na gawin yun kapag nagfocus siya. Mula sa lupa, nagagawa niyang maramdaman ang galaw ng tao, kahit ang pintig ng puso nila kaya alam niya pag nagsasabi ng totoo ang mga ito.
"May naramdaman ako kanina. Ang di ko lang sure ay kung sa kanya galing yung enerhiyang yon." wika ni Bianca.
What? She's confused? The hell. Anyways, I'm really tired.
"I guess we need to rest first." Singit ko. "Send message to Sophia that we need to meet tomorrow, 3pm, usual location." Utos ko.
Nagsitanguan naman sila at pumunta na sa kani-kanilang silid.
LINO'S POV
Nasa higaan na ako ngayon at palaisipan pa din sakin lahat ng nangyari kanina.
Totoo pala ang magic or abilities na ganon. Hindi pa din ko makapaniwala. Apoy, kidlat, tubig, lupa at hangin. Lahat ng nababasa ko sa mga books na meron ako about magic, nakita ko.
---flashback---
"Bessy!! pasensya ka na ha kung muntik ka nang mapahamak kanina" malungkot na wika ni Sophia.
"Okay lang yon. Buhay pa naman ako e. Hehe." isang pilit na tawa ang naibigay ko.
"Pwede ba bessy na isekreto mo nakita mo? Kasi you know diba, its not normal here sa world na to." may pagkakonyo pero sinserong niyang sabi.
Natawa ako. Haha!
"Oo naman no. Takot ko nalang sa inyo lalo na kay Troy. Baka patayin ako non". May pag-aalala kong sabi.
Napatawa din siya.
"Mabait naman yon!" sabi niya.
Napataas naman ako ng kilay. Kaya natawa siya lalo. Kaya natawa din ako.
"Pero seryoso mabait yon. Ahm, bessy, wala ka ba talagang kapangyarihan?" biglang tanong sakin ng bestfriend ko.
Napaisip. Minsan pag humihiling ako. Nagkakaroon. Nangyayari. Pero sa palagay ko naman. Nagkakataon lang talaga.
"Sa palagay ko naman... wala talaga.." banggit ko.
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...