32-No Classes

709 46 0
                                    

Lino Gonzales

Alam kong gising na ako pero hindi ko muna iminulat ang nga mata ko. Grabe lang yung experience ko kahapon, nakausap ko si Troy. Tapos naak-abayan pa niya ako! Omyy alam mo yung feeling na katabi mo yung crush mo? CLOUD NINE!

Iminulat ko na ang mata ko at bumungad sa akin ang combination ng black and white ceiling. Teka?! Hindi ko kwarto to ah? Napabangon ako at napatingin sa paligid. Namangha naman ako kasi kahit ang dingding ay combination ng black and white. Sobrang manly tignan. Pero nasaang kwarto ako?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita kong si Troy na bagong ligo. Nakatapis lang ito ng tuwalya at kitang kita ang hubog ng katawan. Shocks.

"Pwede ba magbihis ka!" sigaw ko dito habang nakatakip ang mata.

"Why? Kwarto ko ito. At isa pa, di ako nakahubad kaya wag kang OA jan" sabi nito habang natatawa. Inalis ko naman ang mga kamay ko sa mata ko. Tumingin naman ako dito ng may pagtataka.

"T-teka bakit ako nasa kwarto mo?" kinakabahan kong sabi at tinignan ko ang mga damit ko. Nakaramdam naman ako ng kapayapaan nang makita kong nakasuot ako ng damit.

"A-aray!" daing ko dahil pinitik ng kumag ang aking noo. Ang sakit. Bakit ba ang hilig nito mamitik?

"Kung ano ano na namang iniisip mo jan. Maglinis ka na. Malalate na tayo sa klase naten" utos nito na ginawa ko naman. Pero hinarap ko ulit ito nang maalala kong wala akong damit na susuotin.

"Teka troy, dun nalang ako sa room namin ni Carlo maliligo. Wala akong damit." paliwanag ko dito. Nagtungo naman ito sa cabinet niya at may kinuha.

"Kinuha ko ito sa room niyo nung tulog ka pa." hinagis niya sa akin ang isang tokong shorts at underwear. Nakakahiya. Nakikita niya damit ko. "Tinulungan ako ni Carlo. Wala kaming makitang damit. Damit ko nalang." offer niya sa akin. Di ko alam pero parang nakaramdam ako ng kiliti sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Kaya naligo na ako ng tuluyan.

Mabilis naman akong natapos sa paliligo. Tinungo ko ang kusina ni Troy at doon ko siya nakitang nag-aayos ng umagahan namin. Napansin naman niya ako at nginitian.

"Kain na tayo!" yaya niya sakin. Lumapit naman ako sa lamesa niya at naupo.

"Ikaw nagluto nito?" usisa ko dahil parang masarap ang mga pagkain na inihain niya. Umupo na din ito at kumain.

"Sino pa ba? Im the only one residing here." mayabang nitong tugon sa akin. Kumunot lang ang noo dahil sa kahanginan na naman ng kausap ko.

"Seryoso? Di ba dapat buddy-buddy." tanong ko dito. Kasi kami ni Carlo magkasama sa isang room.

"I have my own buddy." sabi nito at ngumisi. Talaga? Parang wala namang iba?

"Nasaan? Di ko naman nakita nung nagising ako." sabi ko dito. Kasi siya lang naman talaga yung nakita ko e.

"Do you wanna see it?" sabi niya habang suot suot pa din ang nakakalokong ngiti.

"Oo naman para makilala ko din. Tyaka pasasalamat na din na pinayagan niya akong matulog dito." simple kong sagot dito.

"HAHAAHHAHAA" tawa ng damuhong kausap ko. Tingnan mo ito, seryoso ako sa mga sinasabi ko pero pinagtawanan lang ako. Kakainis!

"Teka seryoso ako! Bat ka ba tumatawa? Gusto ko makita buddy mo." naiinis kong sabi dito. Pero lalong lumakas ang tawa nito.

"You're so innocent. Damn" sabi niya. Nanlaki ang mata ko nang ma-gets ko ang sinasabi niyang "buddy" niya.

"Bastos!" sigaw ko dito. Tumawa lang maman ito nang tumawa. Nakakadala ang tawa nito kaya tumawa na din ako. Mwisit!

"Teka T-troy pano nga pala ako napunta dito." tanong ko kasi palaisipan pa din sakin kung paano ako napunta dito.

"Sabi mo sakin gusto mo ako makatabi kaya pinagbigyan kita." preskong sabi niya. Hangin!

"Konti nalang tutusukin kita ng tinidor. Pano nga?" naiinis kong sagot dito.

"Hahaha! Bakit ang pikon mo? Damn, you're so cute." puri nito kaya namula ang mukha ko. "Tse!" sagot ko dito. Pano ba bumugbog ng baliw?

"Nakatulog ka habang nakasandal sakin. Instead of bringing you back to your room at abalahin si Carlo, I decided to bring you here in my room." sagot niya. Ah okay. Ganun pala. "And I have to say, tulog mantika ka." dagdag niya at tumawa. Tignan mo itong kumag na ito. Nag milo siguro to no? Taas ng energy, tinalo si James Reid.

**fastforward

Naglalakad na kami ngayon papuntang room namin at tulad ng dati, may mga ibang tumitingin pa din sa amin habang naglalakad. Nakasuot ako ngayon ng tshirt  ni Troy na kulay yellow.

Pumasok kami sa room at kita ulit ang gulat sa mukha nila. Siguro this time, hindi lang dahil kasabay ko ulit so Troy kundi dahil suot ko yung tshirt na laging suot ni Troy. Kitang-kita ko na agad ang mapanuring mata nina Bianca at Sophia. Pangisi-ngisi pa ang mga ito at kunwaring nagbubulungan habang sinusundan nila ako ng tingin. Kaloka tong mga kaibigan ko!

Naupo naman kami sa upuan namin ni Troy. Bigla namang lumapit sa akin si Sophia at Bianca at hinila ako sa may sulok.

"Omygoosh besssy its okay. Tanggap ka pa din namin." dramang sabi ni Sophia at yumakap sa akin.

"Oo nga Lino. Pwede kaming maging ninang." sabi nito at yumapos din sakin. Anong ninang ba ang pinagsasasabi ng mga bruhang ito.

"Baliw na ba kayo? Anong pinagsasasabi niyo?" kunot-noo kong tanong dito.

"Bessy! Wag ka nang mahiya. Go chika na. Malaki ba yung kay fafa troy?" tanong sakin ni Sophia na kinalaki ng mga mata ko.

"Lino sayo kami hihingi ng advice if ever kung anong best position ha" dugsong agad ni Bianca. Muntik na akong maubusan ng dugo dahil sa mga pinagsasabi ng dalawang ito.

"Siraulo! Natulog lang ako don! Kakaloka kayo!" bulyaw ko dito at napahawak ako sa sintido ko habang nailing. Hindi ko kinakaya ang mga iniisip ng mga ito sa akin. Tumungo na ako sa upuan ko. Ganon din naman ang ginawa ng dalawa.

Sabay pasok naman ni Sir sa pinto. Medyo nagtaka ako dahil kasama nito si Prince Arthur. Akala ko ba for last activity lang?

"Good morning, Class." seryosong bati nito sa amin.

"Good morning, Prof" tugon namin sa kanya.

"In line with the upcoming events, you will be given ample time to practice and master your magic. The Annual Magic Festival is coming soon." sabi ni sir na ikinasiya ng karamihan. Ano yung magic festival?

"For those who are new to this, the festival is a magical show-off among all mages of the Lumen Acadeny. The top 3 winners of the competition will be included and recognized as Class S Mage of the Lumen Academy." paliwanag nito.

"And btw, it is not compulsary. You can refuse to join. Different clubs in the Lumen will be needing for sure, manpower for the booths. So, its up for you to decide" dagdag ni prof.

"Sir! Pano po kami magpapractice? I mean saan? Sinong kasama? Etc." tanong ni Ravin. Actually tama yung tanong niya. Medyo nakakalito pa din.

"Your other classes will be waived until the festival is over. In the practice part, it is your prerogative. Whether you want to practice by group or alone, its up to you Use the Lumen Battle Grounds as your location. Surely, you'll meet other mages from different level in there." paliwanag ni sir. Nagkatinginan naman ang ilan sa mga kaklase ko at klaseng nagpupulonh kung paano sila mag-eensayo.z

Mukhang exciting no? Sasali kaya ako? Bahala na.

----------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now