LINO'S POV
Sabay kaming lumabas ni Carlo ng dorm. Parehas din kasi kami ng mga subjects.
Patungo na kami sa class room ng umimik ang isang babae.
"I never knew that Lumen Academy will accept a lowly creature like you." sabi ng babae.
Hindi ko nalang ito pinansin at akmang lalagpasan siya nang biglang nagkaroon ng espada sa harap ko.
"Not too fast, faggot." mayabang na sabi niya.
Biglang nagyelo ang espada.
"Hindi naman ata tama yan Miss. Walang ginawang masama ang kasama ko sayo." sabi ni Carlo.
Nagulat ako sa ginawa ni Carlo.
"Alam mo you're cute. Don't be with this faggot. Sayang." sabay akto na kunwari'y nanghihinayang.
"Who cares?. " sabi ni Carlo. Bumaling ito sakin. "Tara na Lino." sabay ngiti.
Hahakbang na sana ako ng nakaramdam ako ng hiwa sa binti ko.
"Araaay!" daing ko. Napakapit ako sa binti ko.
"Oops sorry, di ko pa kasi master ang magic ko e." kunwaring nag-aalalang sabi ng babae.
Ang sakit. Dama kong tumulo luha ko sa kanan. Bigla namang umapoy ang halaman sa may pasilyo.
"Isang pagkakamali pa Beatrice, sasabog ka dito." sabi ni Sophia. Bahagya namang natakot si Beatrice at nagmamadaling umalis.
Nakita ko si sophia kasama pa ang ibang class S mages.
"Okay kalang ba?" nag aalalang tanong ni Carlo.
"Oo kaso medyo masakit." sabi ko
Nagulat nalang ako ng nakita kong lumuhod si Troy sa harap ko at nilagyan ng bandage ang aking binti. Tumayo ito at nagtanong "Can you walk?" Mahinahon niyang sabi habang nakatingin siya sakin ng diretso. Ang gwapo pala talaga niya.
Tumango ako. Napansin kong nagulat rin ang mga kasama niyan mages pero nakita kong ngumiti ng nakakaloko si Bianca at Sophia.
Mweset.
"Okay then lets go. History rin subject namin. Follow us." sabi ni Troy.
Nagpati-anod nalang kami ni Carlo sa mga class S mages.
Sa loob ng classroom
"Good morning, Class. I am Prof. Clarita Arevalo. Nice to meet you all. Btw, there will be a new student for this class. Please, introduce yourself."
Tumayo ako.
"Hi, I'm Lino Gonzales. Ahm, I don't know my abilities yet po Ma'am. I'm sorry." Sabi ko. Ngumite lang ito sakin.
"Its okay, iho. Please take your seat." Sabi niya ng nakangiti. Ambait naman niya. Kala ko terror sila.
Nagtaas naman ng kamay si Beatrice. Nirecognize siya ni Prof. Arevalo.
"Is it rightful to accept a student who doesn't even know his/her ability? Just unfair." maarteng sabi niya.
"Using your line of argument Beatrice, you should have been expelled a long time if we talk about being fair." sabi niya ng diretso.
Nagulat ako. Kita ko namang nagbago ang timpla ng mood ni Beatrice. Binabawi ko na. Di mabait si prof. Terror siya!!
"Let's start then. We know that our world is named Etherios where all magical beings live. Anyone who can tell me their knowledge about the bloodiest war ever happen in this world?" tanong ni prof.
Tumaas ng kamay ang isang lalaki. Nirecognized naman siya ni prof.
"The bloodiest war was between the two unparalleled mages of all time, Helena and Poneros. Helena defended the world against Poneros." sabi ng lalaki.
"Thank you Mr. Paulo. Meron bang gustong magdagdag?" tanong ni Prof.
Tumaas ng kamay si Carlo.
"Base po sa nalalaman ko, gumamit ng isang pambihirang spell si Helena na siyang ikinamatay niya at ng mga kalaban niya." kinakabahang sabi ni Carlo.
Napatango naman si prof.
"For 20 points, who can tell me what spell did Helena use to end the era of dark mages?" prof.
Nakikinig ako sa history ng Etherios. I don't know pero I find it interesting. All of a sudden, biglang may mga imaheng nagflashback sa utak ko. Parang totoo lahat. Pagsabog, liwanang, itim, iba pa.
Napaikot ang tingin ko sa lahat at wala pa din nagtataas ng kamay.
Ano tong mga nasa utak ko? Bakit ganito? Napahawak ako sa ulo ko.
"Mr. Lino Gonzales!! What are you doing? You think you're intelligent enough to not listen to me huh?" galit niyang sabi. Natakot ako at napatingin sa bestfriend ko. Takot din siya. "Now answer my question, Mr. Lino". Ma-awtoridad niyang sabi.
Bigla nalang may nga salita sa utak ko.
"Ars Notoria Magiea." banggit ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni Prof. "Explain" sabi niya.
"A-ars Notoria Magiea po ay isang ancient spell na kayang gawing abo ang bayan ng kalaban at ma-evaporate ang dugo ng kaaway ng caster. Pero it takes a terrible price po. The Life of the caster." sabi ko. "At ngayon po I think forbidden spell na siya." dagdag.
Kita ko ang mangha sa mukha ng mga kaklase ko. Habang si troy seryosong nakatingin.
"Bakit siya forbidden?" tanong ni prof.
"Its a crime po to take someone's life prof. And its suicide po para sa karamihan. Ang spell po na yon ay nagrerequire ng immense magical power para masustain ito - kasing lakas ng isang diyos. Kapag ginawa ito ng isang mage na hindi sapat ang magical power, magiging abo siya." sabi ko.
Nagpalakpakan naman silang lahat.
"Very well then. 20 points for Mr. Lino" may pagkamanghang sabi ng prof.
Biglang nagsalita si Troy
"Is the rumor true prof? Helena had a child?"
"Well, it was only an anecdotal information Troy. Ayon sa kuru-kuro, sanggol palang ang anak ni Helena pero ramdam na agad ang magical power nito, mas malakas kesa sa ina niya. Pero every world has been searched already. No such person has been found." sabi ni prof.
Kriiiiiing!!
"Let's continue tomorrow, class dismissed."
YOU ARE READING
THE LAST ENCHANTER
FantasyThe Last Enchanter is a bxb (boyxboy) fantasy story which entails the adventure of Lino Gonzales, the mortal who possesses immense magical ability. Will Lino and his friends be able to save the magical Kingdom of Etherios from the Apocalypse brought...