45 - The Grimoire Law

660 49 10
                                    

Third Person POV

"Damn!.", bigkas ng kasintahan ni Lino na si Troy dahil sa mahika ng lalaban nito.

Pigil hininga ang bawat manunuod dahil sa pambihirang kaganapan sa lugar na pinaglalabanan nila. Kahit ang mga royalties ay napatayo dahil dito.

"It was a magic that can only be casted only if you have a very vast magical vessel. To cast it is difficult but to sustain it this long without feeling tired is unimaginable.", komento ni Prinsipe Ezekiel sa labanan.

"That boy Lino should be wise and careful in taking countermeasures for he can be easily consumed by the dark wizard's magic.", turan ni Prinsipe Yang na siyang sinangayunan ng mga natitira pang mga Prinsipe.

"He is the one who granted you the painful 'Power of Extension', right Arthur?", taming ni Prinsipe Arthur.

Tumango naman ang bunsong Prinsipe sa nakatatandang kapatid nito, "Oo Kuya. His skills are unimaginable as well. I'm sure that he can defeat that dark wizard.", makompyansang komento ng bunsong Prinsipe.

"So he really is something huh? I wanna meet him in no time to test his abilities.", usal ng Prinsipe dahilan para ikalingon ng mga iba pang monarkiya.

Lino's POV

Hindi ko akalain that this will go far beyond I could ever imagine. Kung ilalarawan ko ang nakikita ko ngayon, di mahuhulugan ng karayom ang bawat espasyo ng lugar na ito.

Hindi mabilang ang mga halimaw na nalikha niya na ang kulay ay pinaghalong itim at lila. Habang ang lumikha ng mga halimaw na ito ay nanatiling nakangiti at kalmado.

Nag concentrate ako nang maayos. Lumiwanang ang kaliwang palad ko ng kulay scarlet, ganun din ang tuktok ng asking tungkod na hawak ng aking kanang kamay.

Maya maya lamang ay nabibitak ang mga lupang kinalalagyan nila at naglabas ito ng  mga spiral lava na umaabot sa himpapawid ang taas. Nalusaw ang mga halimaw na tinamaan nito ngunit parang hindi rin nabawasan.

Kaya kinumpas kong muli ang kaliwang palad ko at naglabas ito ng mga dragon na gawa sa apoy at lava. Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata ng kalaban ko kaya napangiti ako.

"Creation magic.", usal nito.

Ngayon, ang mga nilikha Kong dragon ay lumalaban nadin. Nagbubuga ito ng apoy at lava na siyang kinatutupok ng mga ito.

Nakarinig naman ako ng palakpak mula sa aking kalaban.

"Magaling. Creation magic laban sa creation magic.", Sabi niya. "Pero lamang pa din ako sayo bata.", dagdag niya.

Pinorma niyang muli ang kanang palad. Pinaglapit niya ang mga ito upside down position and casted an extremely powerful extinguishing spell, "Dark Abyss.", nakangiti niyang bigkas.

Nagkaroon ng dark spiral smoke mula sa palad niya at hinigop nito lahat ng nilikha kong mga dragon ng walang kahirap hirap.

Napahigpit ako ng kapit sa aking tungkod at inis itong tinignan. Muli nitong kinumpas ang kamay niya at sunod sunod na sumugod sa aking kinatatayuan.

Ibinuka ng mga halimaw ang bibig nila at siyang naglabas ng violet beam papunta sa akin.

Kung kaya't pinorma ko ang aking palad at lahat ng beam ay naiipon sa kaliwang palad ko at bumubuo ng isang bilog.

Nang matapos I-absorb ng palad ko ang beam, itinaas ko ang palad ako malakas na isinarado, dahilan para Nagkaroon ng shockwave na ikinatalsik ng mga halimaw. Ang iba pa ay naging abo.

"Magaling. Nagawa mong makatagal sa akin. Binabati kita.", puri niya sa akin at sabay ngiti.

"Nakakatawa. We are just testing each other's magical offense and defense. Pero I'll seal this now using may next spell.", Banta ko dito.

"Ayon sa batas ng mga mage, bibilangan kita ng tatlo.

Surrender.", buying kumpiyansa kong banggit dito.

"Hahahaha. Nagpapatawa ka ba? Kapwa walang sugat at di man lang tayo napagod sa ating laban, pasusukuin moko?", natatawang banggit nito.

"Isa.", pagbibilang ko

"Hahahahahaha", tawa neto.

"Dalawa.", pinorma ko ang mga palad ko ng PA-triangle.

Third Person POV

"Ang pormang yon! Gagamitin niya ang mahikang yon?", bulong niya sa isip.

"Ang mahikang yan bata. Pag ginamit mo yan, mababawasan ang buhay mo depende sa dami ng kalaban mo. Sigurado ka ba jan?", tanong niya sa bata.

Napasinghap naman ang mga manunuod dahil sa napagalaman nila.

"Oo. Sigurado ako. Tama ka sa mga sinabi mo. Pero may nakalimutan ka.", tugon ni Lino at tumawa ng konti. "Hindi ka totoong tao. Isa kalang historia – isang entity/espiritu na namayapa na na tinawag ng caster mo.", dagdag nya dito.

Lumaki naman ang mga mata nito sa kanang narinig.

"You surely are powerful. But you're just a spirit which means, hindi ganun kalakas ang epekto  ng mahikang ito.", paliwanang niya..

"Tatlo", huling bilang at lumiwanang ang gitna ng mga palad ni Lino.

"Grimoire Law!", at siyang pinagtama ang dalawang palad mga palad. Naglabas ng napakalakas at nakasisilaw na liwanag si Lino. Nagkaroon ng napakalaking magic circle sa himpapawid at naglabas iyon ng gintong liwanag.

Halos lahat ng manonood ay nasilaw sa liwanag.

Ilang sandali pa ay matapos natapos na ang nakakamanghang mahika na pinakawalan ni Lino.

Naging bato lahat ng halimaw at nagging abo. Habang ang dark wizard naman at unti uniting nagiging bato din pero ito ay nakangiti.

"Nakakamangha. Pero gaya ng naturan ko magkikita pa tayo, bata.

Tandaan mo, ikaw ay ako, ako ay ikaw.", Sabi nito bago naging abo.

Maya maya lang ay napunta na sa arena si Lino na siyang dahilan Kung bakit nagsigawan ang mga Tao!

"Lino! Lino! Lino! WOOOOAH!,", sigaw ng mga tao.

Pero napansin ni Lino na sugatan ang mga kasamahan nitong nanalo sa round na ito Kung kaya't tumulong ito sa mga ito.

"Light Magic Secret Art: Regeneration and Healing enchant!", sigaw ni Lino.

Unti unti na ang naghilom ang sugat ng nga ito at mulling bumalik ang lakas.

Nakita naman ni Lino na papatakbong lalapit si Troy sa kanya Kaya nginitian niya ito pero bigla itong nahimatay, sakto lamang para masalo siya ng kanyang nobyo.

Samantala, hindi makapaniwala si Prinsipe Yun, ang holder ng light magic na nagawa ni Linong gamitin ang mahikang yon ng walang kahirap hirap.

--------------------------------------------------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now