37 - Queries

658 45 1
                                    

Sophia's Point of View

Kalalabas lang namin ng room ni Lino nang biglang nagtanong si Bianca. "Naniniwala ba kayo guys sa mga sinabi ni Lino sa atin at kay HM kanina?", Lahat kami napatingin sa kanya. Medyo napatahimik kami sa sinabi niya at nag-isip.

Yung mga sinabi ni bessywap kanina was like an intense revelation. Up until now, hindi ko alam whether will I believe my bff or not. 

"Have you seen how HM responded to Lino's.. well uhm story??", biglang singit ni Albert. "She was shaken by the ring that Lino talked about.", Itinias pa niya ang mga kamay at inilagay sa likod ng kanyang ulo at sumipol.

Napahawak naman ako sa magkabila kong braso. Nagayon lang namin nakita si HM na mawala sa composure niya. Dun palang, pwede ko na i-assume na alarming yon.

"Maybe it's just a coincidence?.. Baka sumakto lang sa mga.. stories niya.", sagot ni Bianca. 

Tumingin naman si Carlo kay Bianca. "Sumakto? How on earth can he possibly do that? Inilarawan ni Lino on the spot kay HM ang itsura ng singsing.", paliwanag ni Carlo. Napaisip naman si Bianca dito.

May kapangyarihan ba si Lino to see the future? Ano ba talaga ang mahika niya? 

"Maybe that's enough. If hindi naten kaya maniwala kay Lino nang buong-buo, let's just take it as a warning or a guide. In that way, win-win situation tayo.", sagot naman ni Sean. Napatingin naman kaming lahat sa kanya nang sabay-sabay. "Ano namang mga itsura yan mga tukmol kayo.", wika niya habang natatawa. Nagtawanan din kami.

Bakit pa ba kami nagulat kay Sean? He's an intelligent mage next to Troy. I remember how woundless he was nung nakipaglaban siya sa may bomb magic. And, tama naman siya. Atleast kahit papano I found comfort sa part na yon but.. pano kung bumalik nga in the flesh ang darkest mage of all time? Can we endure his wrath? The idea shakes me to limb..

Third Person Point of View

Hindi lingid sa kaalaman ng mga magkakaibigan na may pasikretong nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Nang makalayo na ang magkakaibigan ay lumabas sa isang shadow portal ang tatlong dark mages. 

"I told you he might thwart our plans, Lucius.", sabi ni Alanis. Napangisi naman ang huli at natawa. "Can he?", biglang sambit nito. "As an inexperienced  mage like him, he won't stand a chance no matter how enormous his magic is." dagdag pa nito.

"Yep. Pero we should take it as a warning. We shouldn't take him that lightly as well. Rumors say that he can cast ancient godly spells.", babala ni Axel. Napatingin naman ang dalawa. 

Sumeryoso ang mukha ni Axel. "We'll deal with that kid later. As long as our identity is hidden, there's nothing to worry about." saad nito. Ikinumpas niya ang kamay at bumukas muli ang shadow portal. "Sa ngayon, let's  hurry and plot our plans." dagdag nito. Pumasok naman ang tatlo sa portal at naglaho.

Kinabukasan...

Lino's Point of View

"

Omygooooooooosshh!!", eksaheradang tili ng kilala kong beses, si Sophia. Napamulat naman ako at alarmang napatingin dito. Nakita kong kasama nito ang iba ko pang mga kaibigan na Class S Mages at si Carlo.  Napalingon naman ako kay Troy na prenteng nag kukusot pa ng mata. Ang kyut. Halatang inaantok pa! Magkasama nga pala kami sa higaan. Hehe.

"Tell me.. the two of you.. what have you done?. Kyaaahhh!!", muling tili nito at may papikit pikit pang ginawa.

Iimik na sana ako ng biglang umimik itong katabi ko.

"Natulog.." walang kagana-ganang sagot ni Troy at humikab. Lumingon ito ng seryoso sa mga dumating. "Naabala niyo ang pagtulog namin." mababa pero seryosong sabi nito sa kanila.

Napansin ko naman ang kaba sa mg mukha nila dahil sa akto ni Troy. Kahit ako, medyo kinabahan..

"Pre we're sorry kasi w-we.." kinakabahang sagot ni Albert pero hindi natuloy dahil sa hinampas ko ang braso nitong katabi ko.

"Araaay!" daing niya ng nakanguso habang hinihimas ang kanyang braso.  "What was that for?", halos pabulong niyang tanong pero rinig ng lahat.

Tinaasan ko ito ng kilay, "Ikaw! kay aga aga ang sungit mo e gusto lang naman nila tayo kamustahin.. Ayaw mo ba non?" medyo pataray kong sagot dito. Ngumuso naman ito at nag salita gamit ang malambing na tono. "Gusto ko lang naman na makapagpahinga ka nang ayos e. Sorry na.."

"Okay sigee.." ngumiti ako dito at nakita ko namang ngumiti din ito. Lumingon ako sa mga kasama namin pero halos matawa ako sa mga itsura nila. Lahas sila ay nakabuka ang bibig at hindi makapaniwala sa nakita nila.

"Ayos yan pre, under desaya ka pala kay Kumander e. Hahaha!" biglang asar ni Albert kay Troy.

Nilingon ito ni Troy at matalim na tinignan "Do you wanna die now?", may pagbabantang tanong neto.

"Hep hep hep!" singit ko sa mga ito. "Ano nga palang ipinunta niyo dito aber?" tanong ko.

"Galing kaming quarters ng mga healers, Lino. Sabi nila pede ka na lumabas dito sa infirmary." sabi ni Bianca habang nagpipigil ng tawa dala ng pang aasar ni Albert kay Troy.

Bigla naman ding naman si Carlo sa usapan, "Pwede na ulit tayo magsanay. Magpapaturo sana ako sayo Lino, tungkol sa magic ko." seryoso niyang sabi.

Napalingon naman ang lahat sa kanya. "Bakit? Hahaha. Di niyo ba narinig ang sinabi niya nung nakaraang practice? Tutulungan niya tong madiscover ang full potential naten as elemental mages." nagagalak na paliwanag ni Carlo.

Napangiti naman ako.

"Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon pero willing kong ituro ang mga nalalaman ko para makatulong peroo..." pabitin kong sabi.

Kumunot naman ang noo nilang lahat at sabay sabay na nagsabing "Pero?"

"Pero di ko kasi alam kung papayagan na kong magsanay ulit nitong katabi ko e. " sabi ko habang nakangiting tumingin kay Troy.

Ngumiti naman ito pabalik. "Payag ako in one condition".. seryoso niyang sabi.

Kumunot naman ang aking noo.. "Ano naman?" tanong ko.

"Stay close beside me."  napa-awang naman ang aking bibig.

"Kyaaahhhhh!!!" sigaw ni Bianca at ni Sophia.

-------------------------------------------------------------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now